Pokwang, Jessy Mendiola, Ria Atayde all praise for Star Magic for having talents work outside ABS-CBN

by Bernie V. Franco
Aug 25, 2020
ABS-CBN stars (L-R) Pokwang, Jessy Mendiola, and Ria Atayde only have good words for Star Magic for allowing its talents to explore projects outside ABS-CBN.
PHOTO/S: @pornstar_roviel, @senorita_jessy, @ria on Instagram

Lubos ang pasasalamat nina Pokwang at Ria Atayde sa Star Magic dahil pinayagan sila, gayundin ang ibang kapwa nila Kapamilya stars, na humanap ng trabaho sa labas ng ABS-CBN.

Saludo rin si Jessy Mendiola, dating Star Magic talent, sa hakbang na ito ng kilalang talent management arm ng Kapamilya network.

Dagdag dito, sinabi rin ng Star Magic na nakikipag-usap ito sa TV5 at GMA Network para mahanapan ng trabaho ang kanilang mga artista.

Ito ay matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN noong July 10, 2020 alinsunod sa kagustuhan ng Malacañang.

Malaking dagok ito sa Star Magic dahil karamihan sa higit 300 talents nito, kabilang ang kanilang malalaking artista, ay nawalan ng trabaho.

Kabilang sa Star Magic artists sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, at Enrique Gil.

Bunsod nito, nagdesisyon ang talent management arm ng ABS-CBN na hayaan ang mga talent nilang mag-explore ng mga oportunidad sa labas ng kanilang home network.

Kabilang sina Pokwang at Ria sa Star Magic talents na agad nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa TV5.

Magkasama sila sa morning talk show na Chika, BESH (Basta Everyday Super Happy), kasama ang Kapuso actress-TV host na si Pauleen Luna-Sotto.

Co-host din si Pokwang sa TV5 game show na Fill In The Bank.

Nagkaroon na rin ng guest appearances sa bagong shows sa TV5 ang ibang Star Magic artists.

Kasama rito sina Jerome Ponce, Jameson Blake, Ronnie Alonte, Heaven Peralejo, Maika Rivera, at Kira Balinger.

POKWANG AND RIA THANKFUL TO STAR MAGIC

Sa digital press conference ng Chika, BESH at Fit For Life ng TV5 ngayong Martes, August 25, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Pokwang at Ria kung ano ang masasabi nila sa hakbang ng Star Magic na payagan ang talents nitong sumubok sa ibang TV networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Pokwang, “Happy, kasi sayang yung mga talent. Maraming mahuhusay, maraming talaga namang hindi deserve na ma-stuck. Sobrang happy. Siyempre, sana magdire-diretso, magtuluy-tuloy,”

Pagsegunda ni Ria, “Ako, sobrang grateful and happy because it really does go beyond network wars at this point. At the time of pandemic, network wars should be the least of our concerns.”

Nagpapasalamat si Ria sa Star Magic na isinasaalang-alang nito ang kapakanan ng kanilang mga talent.

“I’m grateful because, apart from acknowledging artists need their craft, the artists need an outlet.

“They’ve also acknowledged the fact na kailangan din ng artists ng pera at kumita sa panahon na ganito.

“It’s just amazing they’ve looked talaga beyond network wars. I’m glad. Really, really happy.”

Muling iginiit ni Ria na ang Star Magic ang siyang tumulong sa kanya para maging co-host sa Chika, BESH.

Saad niya, “Star Magic was the one that gave my name for this project. I wouldn’t be here if not for Star Magic. So, that alone, I’m so grateful for that.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, at a time of a pandemic, everybody is losing their job. And here we are, being given the opportunity of a lifetime to host a talk show, and they’ve acknowledged that as an opportunity that I should take.

"And I’m really, really grateful for that.”

Sundot ni Pokwang, nagkaroon daw siya ng growth bilang artista dahil sa Star Magic.

“Ang pagiging ano ko, comedienne to naging nag-drama-drama na rin ako sa pelikula and teleserye, talagang kasi doon naman dinevelop kami as artista."

Nagsimula si Pokwang nang sumali siya sa “Clown In A Million” ng ABS-CBN reality gag show na Yes, Yes Show! noong 2004. Siya ang hinirang na grand champion.

Pagkatapos nito ay kinuha siya agad ng Star Magic para i-manage.

Sabi pa ng komedyana, “Sobrang thankful, now nagho-host kami ng ganito. It’s a dream come true. And we’re very, very thankful na hindi lang naman para sa amin, pero para sa pamilya namin, and talagang ang laki ng naitulong.”

JESSY STILL THANKFUL TO STAR MAGIC

Labindalawang taon namang naging Star Magic talent si Jessy Mendiola, hanggang sa kumalas siya rito noong 2019.

Si Jessy, 27, ay nasa ilalim ngayon ng talent manager na si June Rufino, na siya ring manager ng boyfriend ng aktres na si Luis Manzano.

Sa kabila nito, patuloy pa rin daw ang pagiging malapit niya sa dating kinabibilangang talent management.

Sa katunayan, kaagad daw siyang tinawagan ng Star Magic executive na si Mariole Alberto nang mabalitaang magkakaroon siya ng programa sa TV5.

“The first thing that happened was tinext ako ni Tita Mariole, and she was congratulating me and she was asking me kung kumusta na ako,” kuwento ng host ng TV5 health-and-fitness program na Fit For Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Jessy, “Star Magic ang nagsimula ng lahat para sa akin. Fourteen pa lang ako, nasa Star Magic na ako, and sobrang supportive nila kahit wala na ako sa kanila.

“May ganoong magic ang Star Magic. They always care about their artists na kahit ano pang mangyari, they will always look out for everyone.

"Even the staff of Star Magic, the handlers, the RMs [road managers]... so I’m very thankful na ginawa nila yung move na iyon.

“Kasi, siyempre, tama si Ria na every one has to work, especially during this time. We have to support our families and all.

“Medyo nakakalungkot yung nangyari sa franchise renewal, but then ang galing ni Lord, things have their own way of getting better in time.

“And this is a great opportunity for every artist of Star Magic, so thank you, Star Magic, for doing that.”

Kamakailan, sinabi ng Star Magic co-founder na si Johnny Manahan, aka Mr. M., na nakansela ang mga proyekto at nasuspinde ang kontrata ng kanilang talents bunsod ng epektibong pagpapasara sa Kapamilya Network.

Ang isa pang founder ng Star Magic ay si Freddie Garcia, aka FMG, na dating top honcho sa ABS-CBN.

Ani Mr. M: “[W]e began to look elsewhere for opportunities for our artists. Talks are currently underway with contacts from Channel 5 (TV5) and Channel 7 (GMA 7).”

“Our artists, once shackled to Channel 2, are now free to go where the work is. Now, truly, they are like gypsies,” dagdag pa niya sa ulat ng Rappler noong August 23.

Si Mr. M ay artist, actor, director, liban sa president emeritus ng Star Magic.

Mapapanood ang Chika, BESH mula Lunes hanggang Biyernes, ika-10:00 ng umaga.

Mapapanood naman ang Fit for Life tuwing Linggo, ika-7:00 ng umaga.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN stars (L-R) Pokwang, Jessy Mendiola, and Ria Atayde only have good words for Star Magic for allowing its talents to explore projects outside ABS-CBN.
PHOTO/S: @pornstar_roviel, @senorita_jessy, @ria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results