Wife of Chuckie Dreyfus to John Regala: "WAG KANG MAG PRESS RELEASE NA WALA KANG NAKUHA NI SINGKONG DULING!"

by Rachelle Siazon
Aug 27, 2020
Wife (not in photo) of Chuckie Dreyfus (left) to John Regala (right): "NAKA PRIVATE ROOM KA! PAANO KA MAKAKALABAS NG OSPITAL KUNG HINDI NAMIN BINAYARAN ANG HOSPITAL BILL MO FROM THE CASH DONATIONS??? KUNG WALA KANG NAPAKINABANGAN, EH DI SANA NASA HOSPITAL KA PA NGAYON OR NAGHIHIRAP KA PA RIN SA SAKIT."
PHOTO/S: @chuckiedreyfus Instagram / Aster Amoyo Facebook

#NadiaChuckieAsterVSJohnRegala

"Paki isa-isa and make sure wala kang itatago para pagtakpan lahat ng kasinungalingan mo."

Ito ang gigil sa galit na pahayag ng misis ni Chuckie Dreyfus na si Aileen, hinggil sa umano'y malisyosong akusasyon ni John Regala.

Si Aileen ay hindi tiga-showbiz, pero kabilang siya sa grupo na binuo nina Chuckie, Nadia Montenegro, at Aster Amoyo na tumulong sa pagkalap ng donasyon pantustos sa pangangailangan ni John.

Ito ay matapos maging laman ng balita ang pinagdaraanang hirap ni John sa kalusugan.

July 30 nang magbukas ng joint account sina Nadia at Aster para doon ipasok ang cash donations na kanilang nakalap para kay John.

Ginamit nila iyong pambayad sa hospital bills at iba pang medical expenses ni John.

Na-confine si John sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) mula August 4 hanggang August 12.

Siya ay na-diagnose na may sakit na liver cirrhosis at gout, na dahilan kung bakit hirap siya sa pagkilos tulad ng pagtayo o paglalakad.

Continue reading below ↓

JOHN REGALA'S COMPLAINT

Sa hindi inaasahang pangyayari, ang pagkakawanggawa ng grupo nina Nadia, Chuckie, Aster, at Aileen ay nauwi sa kontrobersiya.

Ang reklamo ni John Regala: "Wala po ako nahawakan ni singko po sa kanilang nakalap na donasyon."

Nitong August 25, umere sa online show na Raffy Tulfo In Action ang apela ni John na imbestigahan ang kawalan daw ng transparency sa nalikom na cash donations para sa kanya.

Ipinagtataka raw ni John kung bakit hindi raw siya binigyan ng kopya ng listahan ng mga taong nag-donate at kung ano ang halaga ng donasyon ng mga ito.

Ani John, "Actually po, humihingi nga po ako sa kanila, ngunit wala silang ibinibigay sa akin na anumang proof kung magkano ang ibinigay ng kapwa ko artista, netizens, or yung ibang tao."

Sa pagkakaalam daw ni John, ang mga artistang nagbigay ng donasyon ay sina Vic Sotto, Jinggoy Estrada, Senator Bong Revilla, at ilang concerned citizens.

Continue reading below ↓

Mukhang diskumpiyado si John sa natirang cash donation na na-turnover sa kanya.

"Iyon po ang sabi nila. Pero hindi ako naniniwala na iyon lang ang nakalap nila sa mga artistang iyon," ani John.

Humingi rin daw ang grupo nina Chuckie, Nadia, at Aster ng 1,000 U.S. dollars na donasyon mula sa ex-wife ni John na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt, na nakabase sa Arizona, U.S.A.

Reklamo pa ni John: "Ang nakarating po sa akin at yung in-open nilang bank account sa BDO, zero balance na po.

"Kaya nga po, Kuya Raffy, hinihiling ko sa inyo na kayo ang mag-imbestiga dahil napakapatas niyong tao."

CHUCKIE vs. john in virtual meeting

Mariing inalmahan ni Chuckie na kulang ang perang na-turnover ng kanilang grupo kay John.

Hinarap ni Chuckie si John sa parehong virtual interview na umere sa online show ni Tulfo noong August 25.

Pahayag ni Chuckie: "Wala raw siya natanggap na pera mula sa amin?

Continue reading below ↓

"Lahat po ng mga dumaan sa amin na donation, tinanggap po namin nina Nadia at Nanay Aster.

"Iyon po ang ginamit para sa ospital at sa pagpapaalaga kay John."

Nanindigan si Chuckie na ang kabuuang cash donation na nakalap ng kanilang grupo ay umabot ng "around PHP290,000."

May natira raw na halagang "PHP115,000" at inilipat daw nila iyon sa personal bank account ni John.

"May proof of transfer po kami na galing sa banko," giit ni Chuckie.

Nilinaw rin ni Chuckie na binigyan nila si John ng kopya ng listahan ng breakdown ng cash donations at kung kanino galing ang mga ito.

Pero kinontra ito ni John.

"Wala po. Kasinungalingang malaki po iyan," ani John sa pahayag ni Chuckie.

Ayon kay John, ang tanging laman ng brown envelope na nakarating sa kanya ay resibo mula sa banko at mga resibo ng mga binili ng grupo nina Nadia at Chuckie para kay John.

Continue reading below ↓

Wala raw listahan ng breakdown ng cash donations at kung kanino galing ang mga ito—na gusto raw makita ni John para malinaw sa kanya kung magkano ang nakolektang pera.

Alegasyon pa ni John, "Actually po, may sumobra na PHP10,000 na pera dun sa ipinambayad sa ospital.

"Kinuha rin po nila. Wala po akong napakinabangan ni singkong duling. Iyan po ang maliwanag.

"Nandito ang [bank] statement of account na zero balance.

"Meron ba nag-deposit na zero balance, wala man lang naka-indicate kung magkano pumasok?"

BREAKDOWN OF CASH DONATIONS CARE OF nadia, chuckie, aster

Bitin ang paghaharap nina Chuckie at John sa panayam ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, ang may hawak ng mga dokumentong dapat sana ay ipinasa kay John ay ang longtime assistant ng aktor na nagngangalang "Teddy."

Sa hindi malinaw na dahilan, kamakailan ay tumakas diumano si Teddy sa poder ni John at nakatakdang magsiwalat ng impormasyon laban sa aktor.

Continue reading below ↓

Pero hindi na itinuloy ni Tulfo ang pag-ere ng panig ni Teddy dahil kailangan pa raw niyang imbestigahan ang hiwalay na isyung ito.

Sa kabilang banda, naisumite ni Chuckie sa programa ni Tulfo ang listahan ng breakdown ng cash donations na dumaan sa kanilang grupo.

Makikita ritong ang total amount ng cash donations na nakalap nila ay PHP290,144.30, tulad ng sinabi ni Chuckie.

Ilan sa mga nakalistang showbiz personalities na nag-donate ay ang mag-amang Lito at Mark Lapid (PHP30,000), Jinggoy Estrada (PHP30,000), AKTOR Group (PHP18,000), Liza Diño (PHP10,000), Imelda Papin (PHP10,000), Amy Perez (PHP5,000), at Lito Pimentel (PHP5,000).

Kasama rin sa listahan ang donasyon na PHP20,000 mula kay Congressman Ronnie Ong.

Habang ang iba pang perang nalikom ay mula sa iba't ibang concerned netizens na nag-alala sa kalagayan ni John.

Base pa rin sa listahang ipinakita ni Chuckie, napag-alaman ng kagrupo niyang si Aster na direktang tumanggap si John ng donasyon mula kay Raffy Tulfo (PHP100,000), Richard Gomez (PHP10,000), at Congressman Ronnie Ong (12,000).

Continue reading below ↓

Hindi raw dumaan ang mga donasyong ito sa grupo nina Chuckie at Nadia.

EXPLAINER FROM CHUCKIE'S WIFE

Dahil bitin ang naipalabas sa programa ni Tulfo, isa-isang inalmahan ni Aileen Dreyfus ang mga alegasyong ibinibintang ni John kina Chuckie, Nadia, at Aster.

Si Aileen, misis ni Chuckie, ang sinasabing tagaayos ng listahan ng mga nakalap nilang cash donation at kung paano ito ginasta.

Inilabas ni Aileen ang panig ng kanilang grupo sa pamamagitan ng Facebook post kagabi, August 26.

Nuknukan daw ng sinungaling si John.

Hindi umano kataka-taka na "zero balance" ang bank account na binuksan nina Nadia at Aster, dahil na-turnover na nila ang pera kay John.

Ang "remaining cash amounting to PHP115,151.20" ay idineposito raw ng grupo sa "personal Metrobank account" ni John.

Kinontra rin ni Aileen ang pagkuwestiyon ni John na kulang ang na-turnover na cash donation mula sa kapwa artistang sina Vic Sotto at Bong Revilla.

Paliwanag ni Aileen: "We have no access to the donations from Vic Sotto and Bong Revilla because it was all given to you and NOT THROUGH US.

Continue reading below ↓

"The donations of Jinggoy Estrada, concerned citizens, and a few notable personalities that passed through us were all accounted for.

"Kung may mga nag donate na wala sa list namin, ibig sabihin, wala kaming nakuha, wala kaming kinalaman, and wala kaming access."

NO CHANGE FROM PHP10,000 EXPENSES?

Sinagot din ni Aileen ang alegasyon ni John na kinuha ng grupo nina Chuckie at Nadia ang "natirang PHP10,000" sa perang ipinambayad sa pagkaka-ospital ni John.

Ipinaliwanag ni Aileen na ang hospital bill ni John ay umabot ng "PHP138,300."

Ang perang ipinambayad daw nila roon ay galing sa "PHP167,000" cash donations na kanilang nalikom.

Ano ang breakdown ng pinanggalingan ng PHP167,000?

Kasama raw dito ang "1,000 U.S. dollars" o "PHP47,600" mula sa ex-wife ni John— na ang tumanggap ay ang caregiver ni John na kasama pa rin ng aktor hanggang sa kasalukuyan.

Nag-withdraw din ang grupo ng "PHP90,000" mula sa joint bank account nina Nadia at Aster na pinaglagyan ng cash donations.

Continue reading below ↓

Ni-withdraw din mula sa joint bank account ang "PHP10,000" na donasyon mula kay Liza Diño.

At idinagdag din sa pambayad sa ospital ang "PHP20,000" cash donation ni Congressman Ronnie Ong na idiniretso nito kay John.

Paliwanag pa ni Aileen tungkol sa transaksyon para sa hospital expenses ni John: "From the "PHP167,600 cash, you had PHP29,300 left.

"Nadia asked for this remaining cash so we can purchase the prescribed meds so you can bring it home and some grocery items.

"You gave Nadia PHP19K and you kept the PHP10K.

"Whatever excess money we had after paying for your hospital bill, we returned to the BDO joint account for proper accounting."

Sa madaling-salita, ang anumang sukli sa PHP19,000—na perang ibinigay ni John kay Nadia pambili ng gamot—ay naibalik daw kay John.

TURNOVER OF PHP115,151.20 TO JOHN

Halatang banas si Aileen sa umano'y paninira ni John sa kanilang grupo.

Katakataka raw na umaalma si John na walang na-turnover sa kanya sina Chuckie, Nadia, at Aster.

Continue reading below ↓

Ayon kay Aileen, nasa loob ng brown envelope—na hawak ni John nang humarap ito sa Tulfo show—ang lahat ng pertinent financial documents para malaman ni John kung magkaano ang nakolektang pera at kung paano ito ginasta.

Kasama raw dito ang "breakdown of expenses, names of donors na dumaan sa amin lang, available cash donations, names of politicians that gave Guarantee Letters for you to use sa NKTI, receipts of purchases, deposit slip, bank certificate, etc."

Ani Aileen kay John: "If paninindigan mo pa na wala ka pa rin nakuhang kopya, we can always ask for copies from the bank."

Ipinunto ni Aileen na may bahagi sa panayam ni Tulfo kung saan mismong ang kasamang babaeng caretaker ni John ay nakita ang "resibo" mula sa banko.

Iyon daw ang katibayang may natirang cash donation na nagkakahalaga ng "PHP115,151.20."

Binanggit ni Aileen ang eksaktong quote mula sa babaeng caretaker ni John: "Wala po silang binigay. Mga resibo lang po lahat ito atsaka yung sa bangko na magkano?115..."

Continue reading below ↓

Ayon kay Aileen, ang tinutukoy ng babaeng caretaker na "PHP115" ay ang halagang "PHP115,151.20" na idineposito ng grupo nina Chuckie at Nadia sa personal bank account ni John.

Diin pa ni Aileen, "Ayan! So nakita nyo ang BDO certificate and alam nyo kung magkano ang available cash.

"KAYA WAG KANG MAG PRESS RELEASE NA WALA KANG NAKUHA NI SINGKONG DULING!"

May bahagi rin ng Facebook post ni Aileen na naka-all caps na ang kanyang mensahe para kay John.

Pahayag ni Aileen (published as is): "SO ANO ANG SINASABI MONG NI SINGKONG DULING WALA KANG NAPAKINABANGAN??

"NAKA PRIVATE ROOM KA! PAANO KA MAKAKALABAS NG OSPITAL KUNG HINDI NAMIN BINAYARAN ANG HOSPITAL BILL MO FROM THE CASH DONATIONS???

"KUNG WALA KANG NAPAKINABANGAN, EH DI SANA NASA HOSPITAL KA PA NGAYON OR NAGHIHIRAP KA PA RIN SA SAKIT.

"KAHIT PAPAANO BUMUBUTI NA ANG LAGAY MO NGAYON DAHIL NAPAGAMOT KA NG MGA TAONG TUMULONG SAYO!!!

Continue reading below ↓

"DUN NAPUNTA ANG BULK NG CASH DONATIONS!!!"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wife (not in photo) of Chuckie Dreyfus (left) to John Regala (right): "NAKA PRIVATE ROOM KA! PAANO KA MAKAKALABAS NG OSPITAL KUNG HINDI NAMIN BINAYARAN ANG HOSPITAL BILL MO FROM THE CASH DONATIONS??? KUNG WALA KANG NAPAKINABANGAN, EH DI SANA NASA HOSPITAL KA PA NGAYON OR NAGHIHIRAP KA PA RIN SA SAKIT."
PHOTO/S: @chuckiedreyfus Instagram / Aster Amoyo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results