Fourth Solomon marries model Grizelle Gratela in an intimate ceremony

by Arniel C. Serato
Aug 28, 2020
Fourth Solomon and Grizelle Gratela are now married after their intimate wedding ceremony at Las Casas in Quezon City, Thursday, August 27.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @fourthsolomon on Instagram

Kasal na ang dating Pinoy Big Brother: All In housemate na si Fourth Solomon sa fiancée nitong TV and print ad model na si Grizelle Gratela.

Ikinasal ang dalawa sa isang intimate ceremony na ginanap sa Las Casas, Quezon City, kahapon, August 27.

Ngayong hapon ng Biyernes, August 28, ibinahagi ni Fourth sa Instagram ang ilang mga larawang kuha mula sa kanilang kasal.

Maiksing caption niya: “Simple and Memorable. Officially my wifey @grizellegratela

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram post, isang madamdaming mensahe naman ang ibinahagi ni Grizelle ukol sa pag-iisang dibdib nila ni Fourth.

Sabi niya, “Yesterday was full of happy tears! Officially Mrs. Grizelle Anne P. Gratela-Pagotan.

"Can't wait to Spend the rest of forever with you @fourthsolomon"

THE ENGAGEMENT

December 2019, na-engage ang dalawa nang mag-propose si Fourth kay Grizelle sa Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.

Continue reading below ↓

Post pa noon ni Fourth sa kanyang Instagram matapos ang proposal, “Ngayon lang ulit ako kinabahan sayo @grizellegratela hehehe! Thank you and I love you #Proposal

Si Fourth ay nakilala sa publiko nang pumasok siya bilang housemate sa PBB: All In noong 2014, kasama ang kambal niyang si Fifth Solomon.

Continue reading below ↓

Sina Fourth at Fifth ay nakababatang kapatid ng Kapuso actress na si Chariz Solomon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fourth Solomon and Grizelle Gratela are now married after their intimate wedding ceremony at Las Casas in Quezon City, Thursday, August 27.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @fourthsolomon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results