Melissa Ricks now engaged to non-showbiz boyfriend Michael Macatangay

by Arniel C. Serato
Aug 29, 2020
Melissa Ricks proudly shows her engagement ring from fiancé Michael Macatangay. The surprise proposal happened in Batangas, today, Saturday, August 29, and was witnessed by their closest friends.
PHOTO/S: Courtesy: @gretsfullido on Instagram

Engaged na ang actress-vlogger na si Melissa Ricks, 30, sa non-showbiz boyfriend nitong si Michael Macatangay.

Ito ang inanunsiyo ng ABS-CBN Star Patroller na si Gretchen Fullido sa kanyang Instagram at Facebook ngayong gabi ng Sabado, August 29.

Nangyari raw ang sorpresang proposal ni Michael kay Melissa sa Batangas.

Nakalagay sa post ni Gretchen, “My dearest @mellyricks09 & Michael Macatangay are engaged!!!

“The intimate surprise engagement happened in Batangas & witnessed by close family and friends.

“Love you Nini! Finally!

“Answered prayer! Thank you Lord!!!#engagement #surprise #love #answeredprayer

Continue reading below ↓

Makikita naman sa mga litratong ibinahagi ng showbiz anchor ng TV Patrol na piling-piling mga tao lamang ang nasa venue.

Kasama rin ni Melissa sa engagement ang kanyang anak sa unang nakarelasyon na si Kiera Kelly.

“ANSWERED PRAYER”

Noong huling bahagi lamang ng 2019 ipinakilala ni Melissa sa publiko ang bagong nobyo.

Binati pa nga niya ito sa kaarawan nito noong nakaraang November 24.

Sabi pa ni Melissa sa kanyang pagbati sa nobyo, "Happy Happy Birthday my Love.!!! You are my answered prayer.

“Thank you for showing me how love is supposed to be, for taking care of us and I Cant wait to see what the future holds.:)

“I hope and pray that all of your hopes, prayers and dreams come true, that you find peace, happiness and success in all you do. Basta ako, I’ll be right beside you"

Continue reading below ↓

Hindi naman niya pinangalanan noon si Michael.

Ang huling napabalitang karelasyon ni Melissa ay ang non-showbiz guy na si Charles Togezaki.

Siya ang ama sa kanyang limang-taong-gulang na anak na si Kiera.

Bago pa kay Charles, napabalitang nakarelasyon din noon ni Melissa sa showbiz sina Jake Cuenca at Paul Jake Castillo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks proudly shows her engagement ring from fiancé Michael Macatangay. The surprise proposal happened in Batangas, today, Saturday, August 29, and was witnessed by their closest friends.
PHOTO/S: Courtesy: @gretsfullido on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results