Beauty queen Sharifa Akeel breaks silence on alleged illicit affair with Cong. Toto Mangudadatu

by Bernie V. Franco
Sep 3, 2020
Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (left) speaks up about smear campaign against her by a certain Miss Desperada. Last June, Mylene Maligaya-Mangudadatu (right photo, right) went on air to accuse Sharifa of having an illicit affair with Mylene's husband, Maguindanao 2nd District Rep. Esmael "Toto" Mangudadatu (beside Mylene).
PHOTO/S: @sharifaakeel on Instagram / YouTube (Raffy Tulfo in Action)

Nagsalita na ang beauty queen na si Sharifa Akeel, 23, matapos akusahang kabit umano siya ni Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu, 52.

Noong Hunyo, mismong asawa ni Congressman Mangudadatu na si Mylene Maligaya-Mangudadatu, 32, ang nagsiwalat na kabit diumano ng kanyang mister si Sharifa noon pa mang 2019.

Mahigit dalawang buwan ang inabot bago nagpasya si Sharifa na magsalita tungkol sa paratang laban sa kanya.

Si Sharifa, isang Filipino-Qatari, ay kinoronahang Miss Asia Pacific International noong 2018. Siya ay tubong-Sultan Kudarat, sa Mindanao.

Si Mylene naman ay kasalukuyang konsehal sa First District ng Muntinlupa City. Naging kandidata rin siya sa Binibining Pilipinas 2006, at ginawaran ng special award na Miss Friendship.

Si Congressman Mangudadatu, mula sa political dynasty sa Maguindanao, ay isang beteranong pulitiko.

Nagsilbi siyang mayor sa Buluan, Maguindanao, noong 1998 hanggang 2007; at sumunod na naging vice mayor mula 2007 hanggang 2010.

Naging gobernador siya ng Maguindanao mula 2010 hanggang 2019, at naihalal na congressman noong 2019 elections.

Continue reading below ↓

Isa si Mangudadatu sa 70 kongresistang bumoto ng “yes” para hindi mapagkalooban ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

MYLENE ACCUSES SHARIFA OF BEING A KEPT WOMAN

Noong June 2020, nagsalita si Mylene sa Tulfo In Action, ang public-service program ni Raffy Tulfo. Dito ay inakusahan niya si Sharifa na may illicit affair umano sa asawa niyang si Congressman Mangudadatu.

Ani Mylene, hindi magandang halimbawa ang ipinapakita ng beauty queen sa publiko.

“Being a beauty queen po, she should be a good example to everyone, lalung-lalo na sa sambayanang Pilipino, at lalung-lalo na sa mga kabataan na umiidolo sa kanya.

“But [what] she is doing right now, having an illicit affair with my husband, is not good example at all."

Giit ni Mylene, hindi dahilan ang pagiging titleholder ni Sharifa para manira ng pagsasama ng mag-asawa.

“Meron ka na bang karapatan na mang-agaw ng asawa ng iba at manggulo ng buhay?” sumbat ni Mylene.

Continue reading below ↓

Sa kanyang kuwento, sinabi ni Mylene na nakapag-usap na sila ni Sharifa via direct messaging.

“[S]he admitted to me na, hindi bluntly, na may relasyon sila ng asawa ko… is parang sinasabi niya na kasi matanda na ako.

“So, anong gusto niyang sabihin? Kasalanan ko pa because I age?

Continue reading below ↓

"Iniinsulto niya ang pagkatao ko kasi siya yung kasama ng asawa ko during the period of lockdown."

Malayo raw sa isa't isa sina Mylene at asawa nito. Manila-based si Mylene, habang si Congressman Mangudadatu ay nasa Mindanao.

Sabi ni Mylene, “Hindi po ako papayag na tatapak-tapakan ng isang beauty queen, na nagtatago na mabait ho siya, sa harap ng maraming tao.”

Sinabihan daw siya ng masasakit na salita ng beauty queen.

“Kasama po yung pang-iinsulto na tanungin ko daw yung sarili ko kung bakit naghanap ng iba yung asawa ko. Ganyan po siya kasakit magsalita.

“For someone who’s advocacy is women empowerment, yung pinagsasabi niya sa akin is not empowering at all,” himutok ni Mylene.

MYLENE: “I DID NOT MARRY A SAINT.”

Tanggap daw ni Mylene na hindi perpekto ang kanyang asawa. Noong una ay nanahimik lang daw siya tungkol sa isyu.

Sabi niya, “Kilala ko naman po yung asawa ko. I did not marry a saint.

Continue reading below ↓

“As a wife, siyempre po tanggap naman natin na hindi perfect na tao yung asawa natin. They have their own flaws.

“So, nanahimik ako. Then, after so many months, akala ko wala na po silang relasyon.

“Then, bigla ko pong napanood sa FB Live ng asawa ko na lumabas si Miss Sharifa sa reflection sa pond, doon po sa may bahay namin sa Mindanao.”

Doon na raw nagsimula si Mylene na i-stalk ang asawa sa pamamagitan ng panonood ng Facebook Live ng kongresista.

“Naririnig ko po yung bulong ng babae, coaching my husband what to do, where to go.

“And minsan po, yung isa nilang video na naglalandian pa po sila through bulong-bulong din po.”

Sumingit dito si Raffy at sinabing maaaring kasalanan din ng kanyang mister, na pwedeng hindi nito tinitigilan ang babae at nauwi sa illicit affair.

Sagot ni Mylene, kinausap na niya ang asawa tungkol dito pero hindi raw ito umamin.

Continue reading below ↓

“Actually po, kasi I talked to my husband about this, pero po todo deny yung asawa ko. Todo deny po.

“Hindi po umaamin yung asawa ko kasi alam niya rin po na mali.”

Iginiit ni Mylene na bukod sa chat nila ni Sharifa, may iba pa siyang ebidensiyang may namamagitan talaga sa asawa niya at kay Sharifa.

“May nag-send din po sa akin ng pictures na yung isa naming sasakyan yung ginagamit ng babae sa pag-ikot po dun sa probinsiya, parang ang hirap na pong i-deny, di ba?

“Pero po yung asawa ko, pinaninindigan niya talaga na hindi totoo. Wala.

“So, paano po namin pag-uusapan kung hindi niya ina-accept sa sarili niya na meron siyang ginawang kasalanan sa akin bilang asawa niya?”

MYLENE’S NEXT COURSE OF ACTION

Dahil sa hindi pag-amin ng asawa, tila si Sharifa ang pinagbuntunan ng galit ni Mylene.

Ang gusto raw ni Mylene ay mapigilan si Sharifa na makasali pa sa malalaking national pageants, katulad ng Binibining Pilipinas at Miss Universe Philippines.

Continue reading below ↓

“Ang akin po ay para mapahinto po siya sa pagsali sa mga pageants na ito dahil questionable na po ang kanyang dignidad bilang isang babae.

“At wala na po siyang karapatan na irepresenta ang Pilipinas sa kahit anuman pong pageant na dinadala po ang pangalan ng Pilipinas.”

Nabanggit ni Mylene sa puntong iyon ang tungkol sa mga “kabastusan” na nararanasan dahil sa mga natatanggap na mga mensahe, na may iba pa raw babae ang kanyang mister.

Sinabi ni Mylene na balak niyang kasuhan si Sharifa at ang kanyang asawa.

“Binabalak ko po sanang sampahan ng kaso si Miss Sharifa Akeel ng psychological abuse under VAWC [Violence Against Women and Children] and also po alienation of affection under Article 26 po of Family Code of the Philippines.”

Ani Mylene, sa buong panahon ng lockdown, nasa Mindanao ang mga anak nila ni Congressman Mangudadatu.

Ayon sa Facebook page ng Family Code of the Philippines, ang pagsasampa ng civil case laban sa third party ay may dalawang intensiyon:

Continue reading below ↓

“(1) There’s still hope for a reconciliation between you and your spouse, and filing a case for damages could scare away the third party into leaving your spouse.

“(2) You’re willing to separate from your unfaithful spouse but will be asking for financial support for you and your children. At the same time, however, you want to teach the third party a lesson for wrecking your home.”

Hinimok ni Raffy si Mylene na sampahan din niya dapat ng kaso ang kanyang mister.

“Inaasikaso na po ng abogado ko,” sagot ng konsehala.

Sabi pa niya, “Ako po ay nagsasalita hindi lang bilang asawa ng aking esposo, kundi asawa po ng bawat Pilipinong lalaki na naloloko.”

Ipinunto ni Raffy na sa relihiyong Muslim ay pinapayagan ang lalaking magkaroon ng hanggang apat na asawa.

Ayon kay Mylene, “Mayroon na po. Actually, kumpleto na yung slot. Sa list of marriages, kumpleto na po.”

Paliwanag pa niya, sa relihiyong Islam, kung nais magpakasal uli ng isang lalaking Muslim, kailangan pa rin nitong kunin ang permiso ng mga naunang asawa.

Continue reading below ↓

Sa isang question-and-answer forum sa aboutislam.net, isang netizen ang nagtanong kung kailangan pa bang hingin ng lalaking Muslim ang permiso ng una nitong asawa para magkaroon ng iba pang asawa.

Sagot ng Muslim British writer na si Idris Tawfiq, ang permisong makapag-asawa ng higit sa isa ay nakasaad na sa Koran, ang sacred scripture ng Islam. Pero nakalagay rin dito na kailangang pantay-pantay ang pagbibigay ng lalaki ng mga pangangailangan ng kanyang mga asawa.

Balik kay Mylene, sinabi rin niyang mayroon silang prenuptial agreement ni Congressman Mangudadatu.

“Before kami na ikasal, kung saan po sinasabi ni Congressman Toto Mangudadatu na hindi siya magko-contract ng marital relations sa ibang babae nang wala pong consent ni Mylene.”

SHARIFA WRITES MESSAGE FOR “MS DESPERADA”

Noong August 28, o mahigit dalawang buwan matapos lumantad si Mylene sa programa ni Raffy Tulfo, isang open letter ang ibinahagi ni Sharifa sa Facebook.

Ang liham ay in-address niya para kay “Miss Desperada.”

Continue reading below ↓

Walang direktang pinangalanan si Sharifa sa kanyang open letter, subalit tugma ang kanyang tugon sa mga akusasyon ni Mylene.

Iginiit ni Sharifa ang kanyang pananahimik, pero hindi raw tumitigil si "Miss Desperada" sa paninira sa kanya, at gumagawa ng mga dummy account para siraan siya.

Bungad ni Sharifa, “To Miss Desperada, I am not tearing you down. You are the one bad-mouthing me, right, yet I remained silent after all that you did.

"I don’t even care about you. I compete with no one. I do what I need to do, if my posts threaten you, that’s your own issue.

“Ilang dummy na ba nagawa at nakausap mo? Wag kang magmamatapang sa social media. Yan lang ba kaya mong gawin? Puro paninira na lang? Puro pambubully? Puro pagyayabang?

"Bakit puro social media ka?? Akala ko ba kakasuhan mo ako?? Wag ka puro salita at pasikat.”

Sinita rin ni Sharifa si "Miss Desperada" na nag-iimbento raw ng mga kuwento tungkol sa sa kanya para kamuhian ng iba.

Continue reading below ↓

“I was born and raised in a poor family setting at hindi ako nagpapanggap, hindi ako umaapak sa estado ng buhay ng iba at higit sa lahat hindi ako nanghahamak ng kapwa.”

Giit pa ng beauty queen, pinaghirapan niya kung anuman ang narating niya sa buhay na hindi kailangang gamitin ang ibang tao.

“It’s you who did a good job of showing your true colors all on your own. Don’t blame me with your failed marriage and failed life.

“Blame your attitude that defines WHO YOU ARE right now.

“You feel perfectly entitled to push boundaries, lie and criticize. How dare you shout for women empowerment when you don’t even know how to empower your own.

"You can never be an idol of women because all you say is TRASH.”

Continue reading below ↓

Bilang panghuli, sinabihan ni Sharifa ang tinutukoy na tao na huwag gamitin ang Islam sa argumento nito.

Hinamon niya si "Miss Desperada" na sampahan siya ng kaso at magkita sila sa korte.

Ani Sharifa: “One more thing, NEVER EVER USE ISLAM RELIGION as part of your defense because I know that you are ignorant in it.

“Again, if you are really brave enough, don’t do the fighting over social media. We have the right place and proper venue to do such..

“You really want to see me behind bars then proceed to court and flaunt all your evidence, if there are. Express all your agony, hatred and false accusations in court. I will see you there!”

netizens react

Mabilis nakakuha ng simpatiya si Sharifa mula sa kanyang mga tagasuporta.

Ikinatuwa ng kanyang followers na sa wakas ay sumagot na ang beauty queen sa akusasyon laban sa kanya.

Pero may ilan ding netizens ang nagtanong kung may katotohanan ba ang bintang sa kanya, na hindi direktang sinagot ni Sharifa sa kanyang mahabang sagot.

Continue reading below ↓

May mga nagpayo rin sa kanyang hindi raw tama ang pakikiapid sa may asawa.

Narito ang ilan sa magkahalong reaksiyon ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (left) speaks up about smear campaign against her by a certain Miss Desperada. Last June, Mylene Maligaya-Mangudadatu (right photo, right) went on air to accuse Sharifa of having an illicit affair with Mylene's husband, Maguindanao 2nd District Rep. Esmael "Toto" Mangudadatu (beside Mylene).
PHOTO/S: @sharifaakeel on Instagram / YouTube (Raffy Tulfo in Action)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results