Gladys Guevarra tearfully narrates how fiancé ran away with her earnings from kakanin business

by Arniel C. Serato
Sep 3, 2020
Gladys Guevarra: "Di ba ang sakit sa loob na karelasyon mo pa? Well, I’m not saying tinakbo yung pera, but some of it itinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag."
PHOTO/S: Courtesy: Gladys Chuchay Guevarra on Facebook

Isang emosyunal na Gladys Guevarra ang humarap sa kanyang followers sa Facebook kagabi, September 2.

Dito ay inihayag ng singer-comedienne na itinakbo diumano ng kanyang fiancé, si Leon Sumagui, ang bahagi ng advance payments sa kanyang kakanin business.

Nagsimula si Gladys sa kanyang negosyo nitong nagkarooon ng lockdown dala ng COVID-19 pandemic.

Ipinakilalala ni Gladys si Leon sa pamamagitan ng social media noong January 2020.

Nito lang Martes, September 1, nag-Facebook Live pa sila at pinag-usapan ang payment system ng kanilang negosyo.

Nagbigay rin si Gladys ng update na fully-booked na raw ang orders nila hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre.

Continue reading below ↓

CANCELLED ORDERS

Pero kinabukasan, September 2, solong humarap si Gladys sa kanyang Facebook Live.

Umiiyak na sinabi ni Gladys na kanselado na ang mga order ng palitaw, kalamay sa latik, at puto na mga bayad na.

Nagkaroon daw kasi ng kaguluhan sa personal niyang buhay. Nagkaroon sila ng matinding away ni Leon na humantong sa kanilang breakup at sa paghahabol ngayon ni Gladys sa perang hawak ni Leon.

Nauna nang nagbigay ng abiso si Gladys sa kanyang followers sa Facebook bago siya mag-live.

Nakalagay dito: "Hi guys! Kailangan ko po mag announce, na lahat po ng naka order na at nakapag bayad para sa Palitaw at kalamay at puto, ikina-cancel po muna namin lahat, sa mga di inaasahang pangyayari.

"And yes, kinakailangan po naming i-refund lahat ng pera ninyo.

"Maraming salamat po. Aayusin na po namin ito sa lalong madaling panahon.

"Thank you po sa pang unawa. magla live po ako a liitle bit later to explain ano nangyari.

Continue reading below ↓

"For the meantime, pinapa-deposit ko po pabalik sa inyo ang mga pera ninyo.

"Wag po kayo mabahala, at wala po sa akin ang pera. Pero inaayos ko na pong maibalik sa inyo lahat."

Kasunod nito ay idinetalye ni Gladys sa Facebook Live kung bakit niya kinansela ang mga order ng kakanin.

Continue reading below ↓

“Ito po ay may kinalaman sa personal kong buhay, okay. Ito po ay may kinalaman sa ipinakilala ko sa inyong jowa ko.

“Ipinakilala ko sa inyong partner ko, which is si Dada, si Tiger, okay.

“Meron po kaming hindi pagkakaunawaan from last night, so I’ve decided na kanselen lahat ng orders."

Ayon din kay Gladys, bago siya nag-Facebook Live ay pinilit niyang bawiin ang pera na ibinayad ng mga nag-order para ngayong September.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Gladys, “Yung sinasabi kong hindi inaasahang kadahilanan ay yun aking pong partner.

"And as you guys noticed, nung mga una pong nag-o-order kayo, ang ibinibigay ko pong bank details ay BDO account ko, okay.”

Nagmagandang-loob daw ang kanyang partner na bank account na lang nito ang gamitin.

Dahil kailangan ni Gladys ng online account para ma-monitor ang mga bayad at kung sino na ang mga nagbayad ng kanilang orders, pumayag ito.

Lahad ni Gladys, “Ang salita po ng partner ko, ang ilalagay na lang siya sa system, at sa page is yung BDO account niya, BPI account niya, at GCash niya, sa kadahilanang wala akong BDO online.

"So, hindi ko mamu-monitor lahat ng perang papasok or lahat ng ibabayad sa orders.

"So, pumayag ako out of trust, out of good faith, dahil nga partner ko siya at karelasyon ko siya.”

Dahil sa hindi nila pagkakaintindihan noong September 1, dumating sa puntong naghiwalay na sila.

Continue reading below ↓

“Okay, fine, hiwalay na po kami today, wala na po kami today,” sabi ni Gladys.

Kaya pinilit daw ni Gladys na mahabol lahat ng nagbayad sa bank accounts ni Leon dahil ayaw niyang masira ang kanyang pangalan pagdating sa pera.

“Never pong nasira ang pangalan ko tungkol sa pera,” diin pa ni Gladys.

“ANG SAKIT SA LOOB”

Masama raw ang loob ni Gladys sa pangyayari dahil pinagkatiwalaan at minahal niya si Leon, pero niloko raw siya nito sa pera.

Sabi niya, “Di ba, ang sakit sa loob na karelasyon mo pa?

“Well, I’m not saying itinakbo yung pera, but some of it tinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag.

“At mapapatunayan ko naman po 'yan at mapapatunayan ng lahat ng umorder dahil lahat po ng finorward niyong payments, nakita ninyo kung kanino nakapangalan yung BDO account at yung GCash.

“Hindi sa akin. Hindi sa akin.”

Continue reading below ↓

Saad pa niyang may diin, “Yun nga ang masakit kasi karelasyon ko pa.”

Ipinakita rin ni Gladys ang opisina para sa kanyang negosyo na parang ginalugad ng magnanakaw.

Down din daw ang system nila ng orders at payments.

Ayon pa kay Gladys, binura ni Leon ang lahat ng records. Kaya malaki raw ang kanyang problema ng kung paano maibabalik ang pera ng mga nagbayad na.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Ang sakit. Tang*na, kung sino pa...pinagkakatiwalaan mo. Grabe talaga ang sakit.”

Mensahe pa niya sa dating nakarelasyon, “Alam mo, kung mapapanood mo 'to, Leon, hindi na masakit ang pagkawala mo, e.

“Ang masakit dun ay ilan 'tong taong ito na tatanggalin mo ang tiwala sa akin dahil sa ginawa mo.”

Sa isang bahagi ng video, sinabi rin ni Gladys, “Hindi ako naiiyak, Leon, kasi nawala ka.

"Wala kang kuwentang tao, Leon. Bawat kibot sa 'yo, pera.

"Kung hindi ito nagma-matter sa 'yo, ang tingin sa 'yo, negosyo lang? Passion sa akin ‘to, kasi pagluluto ‘to.

“Grabe 'tong ginawa mo sa akin, Leon, grabe.”

Continue reading below ↓

Nangako naman si Gladys na ibabalik lahat ang pera ng mga umorder sa kanila.

Matapos daw nito, saka na siya babalik sa pagluluto ng mga kakanin.

Samantala, wala pang post si Leon sa kanyang Facebook ukol sa akusasyon ni Gladys.

Nagpadala na rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Leon sa Facebook upang hingin ang kanyang reaksiyon sa mga sinabi ni Gladys.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Guevarra: "Di ba ang sakit sa loob na karelasyon mo pa? Well, I’m not saying tinakbo yung pera, but some of it itinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag."
PHOTO/S: Courtesy: Gladys Chuchay Guevarra on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results