Alex Gonzaga mourns passing of YouTuber Lloyd Cafe Cadena

by Arniel C. Serato
Sep 4, 2020
Alex Gonzaga on YouTuber Lloyd Cafe Cadena's death: "Nakakabigla parang di totoo...... Rest in Peace Lloyd Cadena."
PHOTO/S: Courtesy: @cathygonzaga on Instagram

Ikinabigla ng Kapamilya TV host-actress at celebrity vlogger na si Alex Gonzaga ang pagpanaw ng kapwa YouTuber na si Lloyd Cafe Cadena ngayong Biyernes, September 4.

Pumanaw si Lloyd sa edad na 26.

Sa pamamagitan ng Twitter, inihayag ni Alex ang kanyang saloobin sa biglaang pagpanaw ng kapwa vlogger.

Sabi ni Alex, 32, sa kanyang unang tweet, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kay Lloyd.

Sinabi rin niyang ang presensiya ni Lloyd ay sapat na upang makapagbigay ng saya sa paligid kung saan mang lugar ito mapadako.

Mensahe ni Alex, “Nakakabigla parang di totoo...... Rest in Peace Lloyd Cadena..

"Sa saglit natin pagsasama sa vlog I witnessed how your mere presence can bring joy and sunshine sa mga tao na nakapaligid sayo..

"Marami kami nagmamahal at napasaya mo.”

Continue reading below ↓

Sa isa pang tweet, sinabi ni Alex na mami-miss niya ang mga tawa ni Lloyd.

Humingi rin siya ng dasal para sa pamilya at kaibigan ng namayapa.

Ani Alex, “Marami kami napasaya at napatawa mo..

"We will miss how your laugh can make us laugh..

"We will miss you..

"Let's pray for his whole family and friends.. ang lungkot talaga bigla grabe.”

Continue reading below ↓

Isa sa vlogs na pinagsamahan nina Alex at Lloyd, kasama ang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga, ay ang “Maging YOUTUBER o ARTISTA? (with Alex Gonzaga & Toni Gonzaga-Soriano) | Itanong Mo #28” noong November 17, 2018.

LLOYD’S DEATH

Bukod kay Alex, ikinabigla rin ng maraming netizens na nakasubaybay sa vlogs ni Lloyd ang balita ng kanyang biglaang pagpanaw.

Hindi pa sinasabi ng pamilya ni Lloyd ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Pero ayon sa usap-usapan sa Twitter, cardiac arrest daw ang dahilan ng kanyang pagyao.

Maituturing na isa sa mga pioneer pagdating sa vlogging sa bansa si Lloyd.

Sinimulan niya ang pagba-vlog noong 2010.

Mayroon siyang combined eight million subscribers sa kanyang dalawang YouTube channel, ang Lloyd Café Cadena at Lloyd Café Cadena VLOGS

Marami rin ang naka-follow sa kanyang iba pang social media accounts.

Mayroon siyang 1.3 million followers si Lloyd sa Twitter, 5.5 million likes sa Facebook, at 1.2 million followers sa Instagram.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga on YouTuber Lloyd Cafe Cadena's death: "Nakakabigla parang di totoo...... Rest in Peace Lloyd Cadena."
PHOTO/S: Courtesy: @cathygonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results