Herlene “Hipon” Budol accepts TV project despite pandemic: “Laban lang kasi wala na kaming makain."

by Bernie V. Franco
Sep 5, 2020
Herlene "Hipon Girl" Budol is thankful that she got an opportunity to join showbiz before the pandemic: “Paano kung di ako napasok sa Wowowin? Malamang ngayon… ngayon nga wala na kaming makain. Paano pa kung dati? Baka patay na kami.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram / YouTube (Wowowin)

Malaki ang ipinagpapasalamat ni Herlene Budol, aka Hipon Girl, na nabigyan siya ng pagkakataong makapasok sa showbiz.

Dahil dito, nakapag-ipon siya kahit paano.

Hindi nga raw maisip ni Herlene ang buhay nila ng kanyang pamilya kung hindi siya nakapag-showbiz at saka tumama ang pandemya.

“Opo, siyempre. Dati nga po, sahod ko lang P100 isang araw, P3,000 monthly, 'tapos P500 minsan. Depende po. Raketera lang ako,” pahayag ni Herlene sa virtual conference ng Wish Ko Lang! nitong September 3, Huwebes.

“So, siyempre, mas malaki po yung sinasahod ko sa Wowowin dati, kaya parang may ipon po akong konti.

“Paano kung di ako napasok sa Wowowin? Malamang ngayon… ngayon nga wala na kaming makain.

"Paano pa kung dati? Baka patay na kami."

Pero bunsod ng pandemya, hindi napapanood ngayon ang 23 anyos na TV personality sa game show ni Willie Revillame sa Kapuso Network.

Kaya naman sobrang laki raw ng pasasalamat ni Herlene na nabigyan siya ng raket ng Wish Ko Lang!.

Continue reading below ↓

Tampok si Herlene sa isang episode ng weekend public-service program ng GMA-7 ngayong Setyembre.

Paglilinaw ni Herlene, hindi naman ganoon kalaki ng kanyang ipon, lalo’t maituturing pa rin siyang baguhan sa showbiz.

“Bago lang po ako sa TV. Di naman po ako nakaipon nang ganoon kalaki,” paliwanag niya.

Ngayong pandemya, hindi niya maiwasang mag-alala dahil nawalan siya ng trabaho. Kaya dagdag-panggastos din daw ang kinita niya sa acting raket sa Wish Ko Lang!.

“Pero siyempre, sa tulong din ng pagdadasal nakuha naman… na hiningi kong tulong din. Nakaraos naman po, salamat sa Wish Ko Lang!,” ani Herlene.

TAKING THE RISK

Alam daw niyang pakikipagsapalaran ang taping dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Naiisip daw niya ang kanyang lolo at lola na kasama sa bahay.

“Kahit delikado dahil lola’t lolo ko po, senior citizen, 80-plus na silang dalawa.

“Siyempre, wala po akong ibang pinagkukunan kundi yung taping lang sa Wowowin. E, wala din po akong Wowowin, kaya sapalaran kahit delikado.

Continue reading below ↓

“Laban lang kasi wala na kaming makain. Baka hindi ako mamatay sa COVID, mamatay ako sa gutom,” biro pa niya.

Wala rin daw katiyakan kung kailan o kung makakabalik siya sa Wowowin.

“Wala po akong trabaho. Gusto ko din [makabalik] siyempre. Wala naman din akong ibang pinagkakakitaan.”

Nagbebenta raw siya ngayon ng lip tint sa online para may mapagkakitaan hangga't wala pang ibang TV projects na dumarating.

“Siyempre, kaya din pong pagsabayin, Wish Ko Lang!, baka naman... dagdagan ninyo naman ang role ko,” pabirong pakiusap ni Herlene.

FROM CONTESTANT TO HOST

Mula sa pagiging contestant sa segment ng Wowowin na “Willie of Fortune” noong 2019, kinuha si Herlene bilang regular co-host ni Willie sa kanyang game show.

Ang pagiging komikera ni Herlene ang naging dahilan kung kaya’t kinaaliwan siya ng maraming manonood. Makailang beses ding nag-trending ang show ni Willie dahil kay Herlene.

Hindi naman itinatago ni Herlene ang kanyang simpleng pinagmulan at pagiging raketera para kumita ng pera.

Continue reading below ↓

Ito rin ang naging stepping stone niya para makaarte. Nag-trending pa nga ang acting debut niya sa episode ng Magpakailanman noong November 2019.

Samantala, sa episode niya sa Wish Ko Lang!, makakasama ni Herlene ang iba pang Kapuso stars na sina Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Juancho Trivino.

Ipapalabas ang kanilang episode sa September 19.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene "Hipon Girl" Budol is thankful that she got an opportunity to join showbiz before the pandemic: “Paano kung di ako napasok sa Wowowin? Malamang ngayon… ngayon nga wala na kaming makain. Paano pa kung dati? Baka patay na kami.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram / YouTube (Wowowin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results