Maine Mendoza, Vice Ganda mourn death of YouTuber Lloyd Cafe Cadena; Lloyd's friend Michelle Dy sheds tears

by Rachelle Siazon
Sep 5, 2020
Eat Bulaga Dabarkads Maine Mendoza (leftmost) and Kapamilya star Vice Ganda (in black shirt) are saddened by the passing of Youtuber Lloyd Cadena (rightmost). Vlogger Michelle Dy (in striped shirt) still in disbelief over loss of her beloved friend Lloyd.
PHOTO/S: Instagram

Bumuhos ang mensahe ng mga celebrity na nakikisimpatiya sa pagpanaw ng vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Si Lloyd ay 26 taong gulang.

Mayroon siyang dalawang YouTube channel na may kabuuang 8.6 million subscribers.

Karamihan sa mga ito ay personal nakadaupang-palad si Lloyd, habang ang iba naman ay humahanga sa talento niya bilang isang kuwelang vlogger.

Continue reading below ↓

MAINE MENDOZA

Isa na rito ang Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza.

Tweet ni Maine, "Nakakalungkot. Rest in peace, Lloyd Cadena.

"Masaya ako na nameet kita in person at nasabi ko sayo na marami kang napapaligaya, isa na ako doon.

"Idecorate mo ang heaven ng bonggang-bongga at pasayahin mo pa ang mga angels doon.

"Gusto nila yooon! Rest easy, kween."

VICE GANDA

May mga Kapamilya stars ding nalungkot sa balitang sumakabilang-buhay na si Lloyd.

Ayon kay Vice Ganda, nito lamang pandemya ay nakipag-ugnayan pa sa kanya si Lloyd.

Tweet ni Vice, "Nakakalungkot na di ko naiabot sayo yung simpleng hiling mo sakin dahil sa pandemya.

"Sana nakagawa ako ng paraan. Sorry Lloyd.

"Salamat sa pagmamahal mo!!! Mahal din kita! Mahal ka namin! #RIPLloyd"

KIM CHIU

Pati si Kim Chiu ay nagulat sa balitang pumanaw si Lloyd sa mura nitong edad.

Tweet ni Kim: "Lloyd Cadena... is this true??? Grabe bakit?

Continue reading below ↓

"Kakapanood ko lang ng house vlog niya nung isang araw... what happened

"Grabe naman ang buhay... anong nangyayari..."

BARBIE IMPERIAL

Si Barbie Imperial naman ay lumaki raw na napapanood ang vlogs ni Lloyd.

Tweet ni Barbie, "Nakakalungkot at sobrang biglaan, parang kelan lang pinapanood ko lahat ng videos nya bata pa lang ako [crying and broken heart emojis] praying for him and his family."

MICHELLE DY

Lubos ding nagdadalamhati ang vlogger na si Michelle Dy.

Hindi napigilan ni Michelle na bumuhos ang luha dahil sa pagkawala ng minamahal na kaibigan.

Sa kanyang Instagram Stories kagabi, mapapanood ang videos ni Michelle na iyak nang iyak habang nakikinig ng mga kanta ni Mariah Carey na "Butterfly" at "Thank God I Found You."

Continue reading below ↓

Nag-post din si Michelle ng mensahe tungkol sa pagpanaw ni Lloyd.

"Lord why did you take away the only one I had?" saad sa written text sa Instagram Story ni Michelle.

Dugtong niya, "I love you so much lloyd...

"and I thank the Lord that I was able to made you feel how much you mean to me....

"i dont regret anything because i know deep inside i expressed how much i appreciated you and i know you felt that..."

STRONG BOND

Kaunti lang daw ang kaibigan nina Michelle at Lloyd dahil pareho silang madalas ma-misinterpret ng ibang tao.

Patuloy ni Michelle, "We both had strong personalities that not a lot could handle...

"but saaming dalawa, we were our safe place.

"I was the only one that could handle him and he was the only the could handle me..."

Si Lloyd daw ang takbuhan ni Michelle sa tuwing may pinagdadaanan siyang problemang personal o intriga sa social media.

Continue reading below ↓

"Si lloyd ang unang magttxt saakin... as simple as 'i love you' yan ang una nyang text and after that, he will Save me.

"He will save the day. Sya ang sasalo saakin..."

Sa huli, ipinakita ni Michelle ang minsang palitan nila ng "I love you" ni Lloyd.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Lloyd.

Sa opisyal na pahayag ng kanyang pamilya, humiling ang mga ito ng "prayers, respect, and privacy" sa ngayon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga Dabarkads Maine Mendoza (leftmost) and Kapamilya star Vice Ganda (in black shirt) are saddened by the passing of Youtuber Lloyd Cadena (rightmost). Vlogger Michelle Dy (in striped shirt) still in disbelief over loss of her beloved friend Lloyd.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results