Trans woman impersonator Kaladkaren announces engagement to British boyfriend

by Bernie V. Franco
Sep 9, 2020
Indeed, "Love Wins" for ABS-CBN personality Kaladkaren (in black) and her British boyfriend. Kaladkaren announced their engagement this Wednesday night, September 9.
PHOTO/S: @kaladkaren on Instagram

“May… Nagkatuluyan.”

Bahagi ito ng caption ni Kaladkaren—Jervi Li sa totoong buhay—nang i-announce niya ang engagement nila ng kanyang British boyfriend na si Luke Wrightson.

Si Kaladkaren, isang trans woman, ay nakilala dahil sa kanyang pag-i-impersonate sa ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila. Naging segment host din siya ng ilang ABS-CBN programs, kabilang ang early morning show na Umagang Kay Ganda.

Si Luke naman ay isang merchant sailor.

Inanunsiyo ni Kaladkaren ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram ngayong Miyerkules ng gabi, September 9.

Kapansin-pansin ang suot na diamond-studded ring ni Kaladkaren.

Mensahe ni Kaladkaren sa caption: “The man of my dreams asked me to marry him… in our own little balcony.

"It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters”

Walong taon nang magkarelasyon sina Kaladkaren at Luke.

Hindi malinaw ang eksaktong petsa ng engagement, ngunit kasabay ng Instagram post ni Kaladkaren ay ang pag-upload ng YouTube video kung paano nangyari ang pag-propose sa kanya ng boyfriend.

Continue reading below ↓

TOGETHER SINCE 2012

Sa previous YouTube contents ni Kaladkaren, nagkuwento siya tungkol sa relasyon nila ni Luke.

Nagkakilala raw sila sa Hong Kong noong 2012.

Lahad ni Kaladkaren, “Eight years ago, we met in Hong Kong. And the rest is history.

"Siyempre, nagbakasyon kami together and stuff like that. After ng three months, dumiretso na siya ng Pilipinas.”

Ipinakilala na raw ni Kaladkaren ang nobyo sa kanyang pamilya.

“Sabi ko kasi sa kanya, 'Ipapakilala kita sa parents ko.'

"‘Tapos naloka siya. Pagdating namin doon [sa restaurant] yung buong barangay nandun. Kasi nandun yung mga pinsan ko, mga tito at tita ko, mga lolo’t lola ko.”

Continue reading below ↓

Sinegundahan ni Luke ang kuwento ng kanyang fiancée.

Mismong siya raw ay nagulat dahil dinala ni Kaladkaren ang buong pamilya nito.

Pagbabalik-tanaw ni Luke, “When I met your family, I just thought it was just your mom, dad, and brother.

“And then, ‘Oh, my cousins are coming, grandad is coming, so and so is coming.’ And then I really realize that Filipinos are bringing all their family to this event.

“So we had, like, one small table booked at this seafood restaurant and then it turned into, like, we have nearly the entire top floor of this place full of your family.”

ACCEPTED BY LUKE’S FAMILY

Walang duda na tanggap agad ng pamilya ni Kaladkaren si Luke.

Sinabi naman ni Luke na tanggap din ng kanyang pamilya si Kaladkaren.

Pahayag ni Luke sa isang video: “My parents really care for you, ‘Hey, we’re really happy.’ I remember my dad had learned some Tagalog so he can say hello to you when he first met you.

Continue reading below ↓

“And then my aunties and uncles are all happy to meet you too. And my sister.

“But, of course, my mum and dad, they were very welcoming.”

Sa video na iyon ay ipinakita rin ang bonding moments ni Kaladkaren sa pamilya ni Luke sa United Kingdom.

Samantala, tanggap naman ni Kaladkaren na may mga taong hindi pa rin lubusang tanggap ang mga relasyon ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, aka LGBTQ++.

Pero hindi na raw sila apektado ni Luke sa ganitong batikos.

Continue reading below ↓

Ani Kaladkaren, “Who are you to dictate about how are we going to live our lives? And we are both very happy and we are going to live our lives the way we want it to be.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indeed, "Love Wins" for ABS-CBN personality Kaladkaren (in black) and her British boyfriend. Kaladkaren announced their engagement this Wednesday night, September 9.
PHOTO/S: @kaladkaren on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results