Kakai Bautista recovers from COVID-19: “Covid is not a joke. Oo, sakit siya. Virus siya.”

by Arniel C. Serato
Sep 11, 2020
Singer-comedienne Kakai Bautista to persons suffering from COVID-19: "AKAP and PRAYERS SA LAHAT NG MAY PINAGDAANAN sa walanghiyang virus na ito. MATATAPOS din ito guysh!!!!
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram

Laking kagalakan ang nararamdaman ni Kakai Bautista, 42, dahil matapos ang labing-apat na araw ay nalagpasan na niya ang mapinsalang sakit na COVID-19.

Sa kanyang Instagram ngayong tanghali ng Biyernes, September 11, inanunsiyo ng singer-comedienne na "graduated" na siya sa “COVID University.”

Sabi ng tinaguriang Dental Diva (published as is): “Today, On my 14th day… I graduated from COVID University!!!!!

“Yes, I was tested positive for Covid-19 Assymptomatic, and got another test today and the result was negative.

“THANK YOU LORD.”

Isinapubliko raw ni Kakai ang kanyang pinagdaanan upang makapagbigay ng dagdag pang kaalaman sa netizens ukol sa nakakatakot na karamdaman.

“I am making it public so that I maybe able to share my journey to all of you and raise more awareness.”

Babala pa niya sa mga tao: “Guysh, Covid is not a joke. Oo, sakit siya. Virus siya.”

HOW TO COPE WITH COVID-19 INFECTION?

Sa mga susunod na araw ay mag-a-upload daw si Kakai ng video ng journey ng pakikipaglaban niya sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Paalala ni Kakai, isa raw sa ikamamatay ng tao kapag nahawaan ng coronavirus ay ang “fear and anxiety.”

Inilapit daw niya sa Diyos ang kanyang naramdaman at isinurender niya ang sarili sa pangangalaga Nito.

Saad niya, “Pero mas PARANG ikamamatay mo ang FEAR AND ANXIETY pag nagkaroon ka.

“But when I learned that I have it. 2 bagay lang ang sinabe ko kay Lord: ‘Lord, hindi pa ako pwedeng mamatay kase mababawasan ng maganda ang mundo.’

“And, ‘Lord, I surrender everything to you.”

Pilit daw niyang nilabanan ang kaba at takot dahil baka dito pa raw siya madale.

Ani Kakai, “And I was ok. Nagpaka-normal ako, dahil alam kong mas magkakasaket ako kapag HINDI ako umayos sa isip at sa gawa.”

Mensahe pa niya sa mga patuloy pang lumalaban dahil sa virus, “AKAP and PRAYERS SA LAHAT NG MAY PINAGDAANAN sa walanghiyang virus na ito.

“MATATAPOS din ito guysh!!!! KAPIT lang tayo. Sa PAG-ASA at FAITH!!!

Continue reading below ↓

“Isa lang ang dapat positive—MINDSET.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne Kakai Bautista to persons suffering from COVID-19: "AKAP and PRAYERS SA LAHAT NG MAY PINAGDAANAN sa walanghiyang virus na ito. MATATAPOS din ito guysh!!!!
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results