Jinkee Pacquiao says marriage with Manny Pacquiao stronger after 21 years

by Rachelle Siazon
Sep 11, 2020
Jinkee Pacquiao reminisces about simple wedding (right photo) to boxing champ-turned-senator Manny Pacquiao 21 years ago.
PHOTO/S: @jinkeepacquiao Instagram

Nagbalik-tanaw si Jinkee Pacquiao sa simpleng wedding nila noon ni Senator Manny Pacquiao, na unang nakilala bilang Pambansang Kamao.

Ikinasal sila sa isang civil ceremony noong 1999.

Biro ni Jinkee kay Manny, "Blond pa ang hair mo @mannypacquiao [laughing emoji] ikaw murag [parang] si jimuel ako murag [parang] si queenie."

Base ito sa Instagram post ni Jinkee ngayong Biyernes, September 11, 2020.

Sa loob ng 21 taon, madami raw pinagdaanang pagsubok ang pagsasama nina Jinkee at Manny.

Pero hindi raw mabubuwag ang kanilang relasyon.

Parehong 41 taong gulang ngayon sina Manny at Jinkee.

Sabi ni Jinkee: "21 years and counting! Grabe, how time flies.

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon!

"I love you, babe! God is good all the time!"

Naglagay rin si Jinkee ng Bible verse tungkol sa pagbubuklod ng Diyos sa mga mag-asawang tulad nila ni Manny.

Continue reading below ↓

"The two are united into one. Then the Lord said, It is not good for man to be alone. I will make a helper just right for him," saad sa Bible verse.

Dagdag ni Jinkee, "God gave me you. "

MOMMY Dionisia AGAINST MANNY-JINKEE MARRIAGE

Tunay ngang maraming dinaanang pagsubok ang buhay mag-asawa nina Manny at Jinkee.

Continue reading below ↓

Noon lamang March 2020, naikuwento ni Manny na mahigpit na tinutulan ng ina niyang si Dionisia ang pagpapakasal niya kay Jinkee.

Hindi nga raw sumipot si Mommy Dionisia sa kasal nina Manny at Jinkee noong 1999.

Sabi ni Manny sa isang online interview: "Yung magulang lang ni Jinkee ang nandoon. Nandoon mga relatives niya. Ang kasama ko, yung kapatid ko, isa. Wala na. Ayaw ng mama ko kay Jinkee noong araw pa."

Continue reading below ↓

Itinuloy man niya ang pagpapakasal kay Jinkee, hindi raw hinayaan ni Manny na magkasira sila ng kanyang ina.

Sinikap daw nilang mapalapit si Jinkee kay Mommy D, kahit hindi maganda ang pakikitungo ng ina sa asawa.

Kuwento pa ni Manny, "Pero later on, nung nakita niya na masaya kaming pamilya, at nagkaroon na siya ng apo, yun.

"Unti-unti na niyang naintindihan na kailangan palang suportahan ang anak para maging masaya at maging masaya din ang magiging lola.

"Nakita niya na masaya ang pamilya namin.

"Ta's tinutulungan namin siya—kahit na hindi niya kami sinipot, nagagalit siya sa amin, nagagalit siya kay Jinkee, sa akin."

Hanggang sa naging malapit na rin daw ang loob ni Mommy Dionisia kay Jinkee.

Pero hindi roon nagtapos ang kalbaryo noon sa buhay nina Manny at Jinkee.

Continue reading below ↓

MANNY'S "PAMBABABAE" IN THE PAST

Aminado si Manny na marami siyang pagkakasala kay Jinkee noong panahong malayo ang loob ng boxing-champ-turned-senator sa Panginoon.

Sa panayam ng 700 Club Asia noong 2011, inilista ni Manny ang kanyang pambababae bilang isa sa mga dating bisyo.

"Gumagawa ako ng masama, e. Monday to Saturday—magsinungaling ako, magmura ako.

"'Tapos mag-inom ako, manakit ako, magsugal ako, mambababae ako... Wala akong pakialam."

Maging sa ibang mga panayam ay consistent si Manny sa pag-amin ng mga pagkakamali niya noon.

Sa 2014 interview niya sa Ka Tunying ng ABS-CBN, sinabi ni Manny na may hindi siya malilimutang pag-aaway nila ni Jinkee.

"Umabot yung panahaon na may hawak siyang kutsilyo, may hawak akong baril.

"Noon pa yun, nung marami pa akong bisyo," saad ni Manny.

Continue reading below ↓

MANNY'S DECISION TO START AFRESH

Nagdesisyon si Manny na talikuran ang mga bisyo, pati ang pambababae, nang magbalik-loob daw siya sa Diyos.

Taong 2010 nang mapagtanto raw niyang napapalayo ang loob niya sa kanyang pamilya.

Kasabay nito ay nagkaroon daw siya ng panaginip na nag-udyok sa kanyang magbasa ng Bibliya at palakasin ang pananampalataya sa Diyos.

Mula sa pagiging Roman Catholic ay nagpa-convert siya bilang Evangelical Christian.

Inayos din daw ni Manny ang pagsasama nila ni Jinkee bilang mag-asawa.

Dagdag ni Manny sa kanyang 2014 TV interview, "Sabi ko kay Jinkee, 'Ayoko mangako sa iyo kasi ilang beses na ako nangako sa iyo, 'tapos di ko naman natutupad.

"'Nasa iyo kung gusto mo pa ako, pero ako talagang ni-surrender ko na ang sarili ko sa Panginoon.'"

Sina Manny at Jinkee ay may limang anak—sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie, at Israel.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao reminisces about simple wedding (right photo) to boxing champ-turned-senator Manny Pacquiao 21 years ago.
PHOTO/S: @jinkeepacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results