PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado not thrilled about reduced physical distancing in PUVs: "Pagandahan na lang ng ruler."

Netizens react to Jennylyn's joke about DOTr's new rule for commuters.
by Jet Hitosis
Published Sep 16, 2020
Jennylyn Mercado
Kapuso star Jennylyn Mercado seems amused by the Department of Transportation's new policy to reduce the distance among commuters in PUVs, from one meter to 0.75 meters and other fractionals, effective September 14.
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram

Idinaan sa biro ni Jennylyn Mercado ang reaksiyon niya sa pagbabawas sa one-meter physical distancing rule sa mga pasahero ng pampublikong transportasyon.

Simula nitong Lunes, September 14, binawasan ng Department of Transportation (DOTr) ang distansiya ng commuters sa isa't isa kapag nasa public utility vehicles (PUVs).

Kabilang sa PUVs ang mga jeepney, bus, UV Express, taxi, at tren.

Mula sa one-meter (3.25 feet) physical distance—base sa global health protocol para sa COVID-19 pandemic—binawasan ito ng DOTr at ginawang 0.75 metro (2.5 feet).

Sa September 28, babawasan pa uli ang physical distancing ng 0.5 metro (1.6 feet).

At pagsapit ng October 12, magiging 0.3 metro (o hindi aabot sa isang talampakan) na lang ang distansiya ng commuters sa bawat isa, ayon sa DOTr.

Layunin nitong makapagsakay ng mas maraming pasahero habang unti-unting nakakabawi ang ekonomiya ngayong may pandemya.

JENNYLYN CHALLENGES FANS

Ang eksaktong sukat ng bagong physical-distancing rules sa PUVs ang nakapukaw sa pansin ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-retweet niya ang link ng ulat sa anunsiyo ng DOTr.

Nagbahagi rin si Jennylyn ng litrato ng tatlong makukulay na pambatang glitter rulers, na may imprentang cute animal characters.

Pabirong hamon ng actress-singer sa fans, magpagandahan daw sila ng ruler na gagamitin sa pagko-commute.

Base ito sa Twitter post niya nitong Martes ng hapon, September 15.

Caption ni Jennylyn: “Bessies Pagandahan nalang ng ruler pag nagcommute... [upside down face emoji]”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Bessy" ang tawag ng actress-singer sa halos 431,000 Twitter followers niya.

Ang punto ni Jen, alanganin ang sukat, kaya mahirap tantiyahin ang physical distancing na 0.75 meters, 0.5 meters, at 0.3 meters sa PUVs.

Kaya tila mangangailangan pa ng ruler para masundan ang eksaktong sukat ng pagitan ng mga commuters.

THE RULER

Tawang-tawa naman ang maraming followers ni Jennylyn.

Napakomento tuloy sila sa kani-kanilang ruler na gagamitin pagsakay ng PUVs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isang Twitter user, nagpatawa at sinabing baka magkaubusan ng supply ng ruler at tumaas ang presyo nito dahil magbibilihan ang mga pasahero.

Sabi naman ng isang netizen, bihira na nga lang daw lumabas sa bahay ang iba, pagsusukatin pa ng distansiya nila sa katabing commuters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suggestion ng isang Twitter follower ni Jennylyn, kung mayroon daw “pagandahan” ng face mask at face shield, tiyak na magkakaroon din ng pagandahan ng rulers.

“NO TALKING, NO DROPLET”

Sa news release ng DOTr nitong September 12, sinabi ng kagawaran na ang pagbabawas sa physical distancing sa PUVs ay aprobado ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang IATF ang pangunahing policy-making body ng gobyerno sa pagtugon sa pandemic.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez, chief implementor ng IATF policies at third in command sa IATF, puwede nang bawasan ang physical distancing basta istriktong naipatutupad ang pagsuot ng commuters ng face mask at face shield.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsasalita, pagkanta, paggamit ng mobile phones, at pagkain sa loob ng mga pampublikong transportasyon, partikular na sa loob ng tren.

“It's a matter of risk management,” sabi ni Galvez sa taped public briefing nitong Lunes, September 14. “Ang importante, no talking, no droplet, no using of cellphone,” aniya.

July 2020 nang ipagbawal sa mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 ang pagsasalita at paggamit ng mobile phone sa loob ng tren.

Paliwanag ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) Corporate Communications Head Jacqueline Gorospe, may mga pasahero raw kasing hinuhubad ang mask pagpasok sa tren, lalo na kung may kausap sa mobile phone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang LRMC ang nangangasiwa sa operasyon ng LRT Lines 1 at 2.

Batay sa bagong patakaran ng DOTr, ipatutupad na rin ang "no talking" policy ng LRT sa iba pang pampublikong sasakyan.

Ito ay dahil na rin sa findings na ang pagsasalita, pagkanta, pagbahin ay nakakapag-iwan ng droplets sa ere. Ang absorption ng droplets ang panggagalingan ng hawaan ng virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HEALTH SECTOR AGAINST REDUCED PHYSICAL DISTANCING

Mariin namang kinontra ng Department of Health (DOH), ng medical experts, at ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang pagbabawas sa physical distancing sa PUVs.

Sa panayam ng DZBB nitong Martes, iginiit ni Año na hindi raw inaprubahan ng IATF ang pagluluwag sa physical distancing rules sa mga pampublikong sasakyan.

Sabi ni Año: “Importante doon is consultation with health sectors.

“Kaya lang, ang nangyari, nagpalabas ng operational guidelines yung DOTr nang wala namang consultation sa health experts.

“Naglabas na sila ng 0.75 [meter], 0.50, 0.3... hindi yan dumaan sa IATF,” giit ni Año.

Hindi naman naipaliwanag ni Año kung bakit salungat ito sa sinabi ni Galvez.

Ayon sa saliksik ng PEP.ph, totoong approved ng IATF ang bagong DOTr policy sa physical distancing, katulad ng inanunsiyo ni Galvez. Nasa minutes ito ng meeting ng IATF.

Samantala, tutol din si DOH Secretary Francisco Duque III sa pagbabawas ng physical distancing sa PUVs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gamit ang findings ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), nagbabala si Duque na kung babawasan ang one-meter physical distancing at itataas sa 50 percent ang ridership sa PUVs, aabot sa 686 ang maitatalang bagong kaso araw-araw.

Makalipas ang isang buwan, ayon kay Duque, katumbas nito ang 20,580 magpopositibo sa COVID-19.

Kung imu-multiply ito sa kasalukuyang case fatality rate na 1.6, nasa “3,951 deaths per year” ang maitatala sa Pilipinas, sabi ni Duque.

DUTERTE TO DECIDE ON PHYSICAL DISTANCING POLICY

Matapos magtalu-talo ang Cabinet secretaries sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, nag-meeting uli ang IATF noong Martes.

Ang IATF and highest body sa laban sa COVID-19.

Ang enforcer ng guidelines na aprubado ng IATF ay ang National Task Force Against COVID-19.

Si Secretary Ed Año ang vice chairman ng National Task Force Against COVID-19, habang ang chairman ay si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Si Secretary Galvez ang chief implementor ng IATF policies, dahil si Galvez ay nasa ilalim ng National Command Authority, na direktang nasa ilalim ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hierarchy, una si Lorenzana, pangalawa si Año, pangatlo si Galvez.

President Rodrigo Duterte at the IATF meeting on September 14. (pcoo.gov.ph)

Pinag-usapan ang hindi pagkakasundu-sundo ng mga opisyal ng gobyerno sa binawasang physical distancing sa PUVs.

Suportado ng economic advisers ang DOTr sa bagong polisiya nito, na makatutulong daw sa pagbangon ng ekonomiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakaisa naman sa pagtutol dito ang DOH, medical experts, at si Año, dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Ngayong Miyerkules, September 16, nailatag na kay Pangulong Duterte ang punto at rekomendasyon ng magkabilang panig.

Si Duterte na ang magpapasya kung ipagpapatuloy ang 0.75-meter physical distancing sa PUVs o ibabalik ito sa isang metro.

COMMUTERS’ PROTECTION AGAINST COVID-19

Anuman ang maging pasya ng Pangulo, mahalagang protektahan ng commuters ang sarili laban sa COVID-19. Narito ang safety tips ng HPAAC sa mga pasahero:

  • Manatili sa bahay at mag-isolate kung masama ang pakiramdam.
  • Ugaliing magsuot ng face mask at face shield.
  • Laging mag-sanitize ng mga kamay, lalo na kung humawak ng pera o kumapit sa hand rails.
  • Kung hindi punuan ang bus o tren, panatilihin ang isang-metrong distansiya, o mas malayo pa, sa ibang commuters.
  • Kung nauubo o nababahing, takpan ang bibig gamit ang likod ng siko, hindi ang palad.
  • Iwasang magbiyahe kapag rush hour.
  • Huwag magsalita o kumanta habang nasa loob ng pampublikong sasakyan.
  • Kung maaari, buksan ang bintana ng sinasakyan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Jennylyn Mercado seems amused by the Department of Transportation's new policy to reduce the distance among commuters in PUVs, from one meter to 0.75 meters and other fractionals, effective September 14.
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results