Maine Mendoza spotted at Arjo Atayde's family rest house in Nasugbu, Batangas

by Rachelle Siazon
Sep 18, 2020
Arjo Atayde (foreground with sling bag and cap, left) snaps a group photo with his girlfriend Maine Mendoza (in sleeveless top, left) in a place overlooking Taal volcano. Maine is accompanied by her siblings and their partners.
PHOTO/S: CTTO / @mainedcm Instagram

Low-key man ang magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde, kumalat pa rin sa social media ang pagkikita nila sa Nasugbu, Batangas kamakailan.

Makikitang may kuha sila sa isang lugar katabi ng Taal Volcano, at kasama nila ang mga kapatid ni Maine na sina Nicolette, Coleen, at Dean.

Makikita sa likuran nila ang magandang view ng Taal Volcano.

Nakasuot ng face masks at face shields ang buong grupo bilang bahagi ng health protocol na ipinatutupad sa lugar.

Hindi malinaw ang kanilang eksaktong lokasyon, pero sinasabing kuha iyon noon lamang September 13.

Continue reading below ↓

REST HOUSE OF ATAYDE FAMILY

May mga hiwalay na litrato rin ang grupo na kuha naman sa rest house ng pamilya ni Arjo sa Nasugbu, Batangas.

Makikitang nakaupo sa sofa si Maine—katabi niya sa gawing kaliwa ang nakatatandang kapatid na si Nicolette, habang nakatayo naman sa gawing kanan ang kapatid na si Coleen.

Kuha iyon sa poolside lanai ng rest house ng pamilya Atayde.

Continue reading below ↓

Tugma ang outfit nila Maine at ng mga kapatid niyang babae sa naunang group picture kunsaan kasama si Arjo.

Halatang nakapag-bonding ang grupo, at nag-enjoy din mag-swimming si Maine at kapatid na si Coleen base sa isa pa nilang litrato na kuha sa pool area.

Continue reading below ↓

Mahihinuhang ang lugar na kinaroroonan nila ay ang Atayde family rest house dahil tugma ito sa mga lumabas nang litrato ng Nasugbu rest house ng aktor.

Narito ang hitsura ng lanai ng pamilya Atayde, base sa isang Instagram Story ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez.

Nag-video si Sylvia ng isang bisita (left photo) na nasa lanai area ng rest house ng beteranang aktres.

Continue reading below ↓

Narito ang isa pang litrato sa swimming pool waterfall sa bahay ni Sylvia na katulad ng nasa litrato nina Maine at Coleen.

SUPPORTIVE FAMILIES OF MAINE AND ARJO

Lumalabas na bukod sa going strong ang relasyon nina Maine at Arjo ay malapit din ang kanilang pamilya sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Patunay nito ang pagsama ni Maine sa mga kapatid at mga special someone ng mga ito sa rest house.

Noon namang February 2020, ang ina ni Arjo ay naghayag kung gaano kalapit sa puso niya sa Maine.

Ayon kay Sylvia, likas na magiliw si Maine sa tuwing may pagkakataong magka-bonding sila.

Ipinakita pa ni Sylvia ang ilang litrato ni Maine nang bumisita ito sa bahay ng pamilya Atayde sa Metro Manila.

Tuwang-tuwa si Sylvia dahil tinuruan raw sila noon ni Maine ng steps ng viral dance craze at hit song ni Sarah Geronimo na "Tala."

Continue reading below ↓

MAINE AND ARJO'S RELATIONSHIP

Kamakailan naman ay ni-repost ni Maine ang obserbasyon ng isang netizen na "prophetic" daw ang lumang tweets nito dahil daw nagkatotoo.

Isa na rito ay ang paghayag ni Maine ng paghanga sa pagiging "cutie" ni Arjo noong July 2013.

Makalipas ang limang taon, o noong 2018, unang naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakamabutihan nina Maine at Arjo.

Ginagawa pa lang nila noon ang ang 2018 Metro Manila Film Fest entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Coco Martin, at Maine.

May fight scenes doon si Maine at si Arjo, na gumanap na kontrabida sa pelikula.

Tuluyan silang umamin na sila ay magkarelasyon noong early 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde (foreground with sling bag and cap, left) snaps a group photo with his girlfriend Maine Mendoza (in sleeveless top, left) in a place overlooking Taal volcano. Maine is accompanied by her siblings and their partners.
PHOTO/S: CTTO / @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results