Liza Soberano bothered by "sarap ipa-rape" comment of internet service-provider employee

by Arniel C. Serato
Sep 21, 2020
Pagkatapos mag-rant ni Liza Soberano tungkol sa masamang serbisyo ng dati niyang internet service provider, isang empleyado ng telcom company ang nagkomentong gumagawa ng ingay ang aktres para "magkapera lang." Sinabi rin ng empleyadong "sarap ipa-rape" ng aktres.
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Instagram

“Don’t worry we won’t let this one pass.”

Ito ang reaksiyon ni Liza Soberano sa "rape" comment ng isang netizen patungkol sa kanya.

Nag-ugat ito sa reklamo ni Liza tungkol sa kanyang dating internet service provider.

Tweet ni Liza noong September 6, 2020: “Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer.”

Continue reading below ↓

Isang netizen na empleyado ng Converge telecommunication company ang nag-react sa tweet ng Kapamilya actress.

Base sa kumalat na screenshot, pinarunggitan ng netizen si Liza na "wala ng trabaho" kaya gumagawa ng ingay "magkapera lang."

Malamang ay may kinalaman ang komento ng netizen sa pagsasara ng kinabibilangang network ni Liza, ang ABS-CBN, kung saan isa siya sa itinuturing na prime stars.

Ngunit lalong lumala ang sitwasyon nang idagdag ng empleyado ng telcom company na "sarap ipa-rape" ng aktres.

Nakalagay sa screenshot: “wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga….. ewan.”

Continue reading below ↓

Nakarating sa 22-year-old Kapamilya star ang komento ng netizen.

Ayon kay Liza, hindi niya ito palalampasin dahil may record ang telcom company ng kanyang address.

Tweet ni Liza, “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.”

Nauna nang nagbabala si Liza ukol sa pagpapakalat ng kanyang tinitirhan.

Continue reading below ↓

Saad niya sa tweet noong September 9, “And to that employee of my ex internet provider who divulged personal information.

"Don’t try to turn this on me. My whole rant was about bad customer service.

"That’s pretty sketchy of you trying to make it look like it’s my fault why I have bad internet.”

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Umalma rin ang maraming netizens sa komento ng netizen.

Kahapon, September 20, nag-trending ang “rape is not a joke” sa Twitter. Dito ay inulan ng batikos ang netizen dahil sa komento nito tungkol kay Liza.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PUBLIC APOLOGY

Nakarating sa netizen na kumalat na ang kanyang pahayag tungkol kay Liza.

Sa pamamagitan ng Facebook nitong Linggo ng gabi, September 21, ay isang public apology ang ibinahagi niya.

Depensa ng netizen, galing ang kanyang komento sa isang pribadong usapan sa Facebook at hindi raw niya alam kung paano ito naisapubliko.

Lahad niya, "Six hours ago, napakasimple at tahimik ng buhay namin ng mga anak ko.

"Hanggang may nagparating sa akin ng mensahe na tanggalin ko daw ang post ko sa Twitter.

"Nagulat ako dahil wala akong account sa Twitter, o kahit sa IG.

"Hindi rin po ako madalas magpost sa FB o magcomment sa mga FB friends sa kani-kanilang mga posts.

"Bihira po ako magkomento. Hanggang makarating nga sa akin ang isang 'pagsubok sa katatagan ng aking pagkatao at paniniwala sa Diyos' - ang isang post sa Twitter na in-screenshot ang aking FB comment sa isang pribadong usapan at ngayon ay nagtetrending na."

Continue reading below ↓

Alam daw ng netizen kung gaano kaseryoso ang sitwasyong kinasusuungan niya ngayon, pero aminado itong nasasaktan pa rin siya sa masasakit na salitang ipinupukol sa kanya.

Saad niya, "Hindi ko po ipapaliwanag ang aking sarili, dahil alam kong wala rin itong magiging bearing sa mabigat na sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon.

"Pero gusto ko pong iparating sa lahat na lubha po akong nasasaktan sa nagaganap.

"Marami saking nagpi-pm ng mga masasakit na salita.

"Maraming nagreretweet at nagko-comment ng napapapikit na lang ako para palampasin ang sakit sa aking kalooban.

"Masakit po dahil, alam ko po ang katotohanan ng pagkatao, integridad at dignidad ko.

"Pero hahayaan ko na lng po kayo lahat maglabas ng inyong sama ng loob, inis o anu pa mang emosyon meron kayo sa ngayon."

Alam din daw niyang hindi dapat ginagawang biro ang rape, kaya humihingi siya ng paumanhin sa kanyang "maling biro."

Saad ng netizen, "Nauunawaan ko po kayong lahat... hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE.

Continue reading below ↓

"Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya — random thought sa isang pribadong usapan.

"Ang salitang RAPE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact.

"Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment. Dahil dito, ako ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko."

Humngi rin ng paumanhin ang netizen sa pinapasukang kompanya.

"Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari.

"Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe.

"Sa mga anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, mga kamag-anak ko, sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo.

"At sa mga kaibigan na nakakakila sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat.

Continue reading below ↓

"At lalo't higit, sa inyong lahat... isang taos pusong paghingi ng paumanhin po."

Hindi binanggit ng netizen ang pangalan ni Liza, at hindi rin siya humingi ng direktang paumanhin sa aktres.

CONVERGE STATEMENT

Nakarating na sa Converge ICT Solutions Inc. ang viral comment ng kanilang empleyado.

Ayon sa kumpanya, kasalukuyan nila itong iniimbestigahan.

Continue reading below ↓

Narito ang kanilang buong pahayag:

“We are deeply concerned about the wrongful comments and behavior of some employees over social media.

“We do not tolerate such actions toward any customer and emphasize that their personal opinions do not reflect the company’s perspective, values, and culture.

“We are currently dealing with this matter and we will carry out disciplinary measures accordingly.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos mag-rant ni Liza Soberano tungkol sa masamang serbisyo ng dati niyang internet service provider, isang empleyado ng telcom company ang nagkomentong gumagawa ng ingay ang aktres para "magkapera lang." Sinabi rin ng empleyadong "sarap ipa-rape" ng aktres.
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results