Out and proud ang ilang bida ng mga Pinoy BL series.
Aminado silang mga bading, pansexual, silahis, fluid, o kung ano pa man. Meron ngang ipinangalandakan na magdyowa sa totoong buhay.
Sina Darwin Yu at Enzo Santiago na mga bida ng My Extraordinary, straight ba o may bahid?
Pahayag ni Darwin: “Ako po, I am open when it comes to any kind of relationships. To love without conditions.
“Pag tumibok ang puso ko sa member ng LGBTQ+, I will surely love that person with all my heart.
“Isa pa, pagdating sa love, iba-iba naman ‘yan, e. Pwedeng yung the one mo or pwede ring makabuo ka ng new family and friends, di ba?”
Sabi naman ni Enzo: “I'm very open to love and relationships because I do not classify love by gender/race/status.
“If we vibe, we'll vibe! Whatever my heart dictates toward a certain person, I trust and follow it.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Darwin at Enzo via Messenger nitong Setyembre 21, Lunes ng hapon.

Darwin Yu
STRAIGHT-ACTING OR CROSSDRESSER?
Just in case, sa totoong buhay, mas bet ba nilang ma-fall sa straight-acting, o mas keri sa nag-aayos-babae?
Tugon ni Darwin, “For me, pag natamaan ng love, kahit ano pa siya, tatanggapin ko.”
Halos kapareho niyon ng pananalig ni Enzo, “Hindi po ako bumabase sa gender/race/status ng isang tao.
"Ang pag-ibig kasi, biglaan ka na lang talagang tatamaan niyan lalo na sa sitwasyon na hindi mo inaakala!
“Kaya kung ang puso ko'y tumibok sa isang LGBTQIA++ member in the future, bakit hindi ko susundin ang puso ko?
“Mahal ko ang LGBTQIA++ community dahil marami akong kaibigan at mga relatives na nabibilang diyan na malaki ang naiambag sa buhay ko.
“Kaya't patuloy ko po na susuportahan ang community na ito, at mamahalin ko hanggang sa dulo!”

Enzo Santiago
FIRST BL SERIES ON TELEVISION, LATE TIMESLOT
Ipalalabas na ang Episode 1 ng My Extraordinary ang “The Keeper of Peace,” sa Setyembre 27, Linggo ng 11:00 N.G., sa TV5 at Gagaoolalala.
Linggo ng 11:30 N.G. ang streaming nito sa YouTube channel ng Asterisk Digital Entertainment, maging sa bagong streaming app na Filmcity (na ilulunsad sa Setyembre 25, Biyernes).
Ito ang unang Pinoy BL series sa TV.
Pero sa hanay ng mga Pinoy BL series sa YouTube, pinaka-late ang kanilang timeslot. OK lang ba iyon sa kanila?
Pag-amin ni Darwin, “For me, medyo na-sad. Kasi, medyo late siya, pero OK naman na rin po.
"Kasi, naniniwala ako na marami pa ring manonood and magsu-support.
“Saka it's a good thing, kasi yung mga maaga natutulog, they can watch it on Monday morning to start the day with good vibes from ShaKen.”
Para naman kay Enzo, “Okay lang naman po! Dahil this series is something to watch out for, and I feel na marami pa rin pong manonood despite the late timeslot.
“Available naman din po ang series namin sa YouTube, at siyempre sa Gagaoolala po. Kaya pupwedeng mapanuod ng mga tao ang series namin sa TV at sa online!”
KISSING SCENE
Hanggang smack lang sa TV sina Shake (karakter ni Darwin) at Ken (karakter ni Enzo).
Mas nakakakikilig ba ang kissing scene ng ShaKen sa Gagaoolala, YouTube, at iba pang platform?
Natawa si Darwin, “Hahaha! I don't know. Ayokong mag-spoil!!! Excited na akong mapanood ninyo. Hahahaha!”
Tila nakiliti rin si Enzo, “Hahaha! To see is to believe! Kaya dapat po'y subaybayan ninyo ang series namin sa TV at sa online para malaman ninyo!”
Kumusta ang halikan nila? Anong lasa?
Hirit ni Darwin, “Hahahaha! Sweet? Hahahahaha! Nanghuhuli ang PEP, ah?!”
Halakhak pa ni Enzo, “Hahaha! Hmmmn... very memorable? Charot! Abangan ninyo po!!! wink *wink*”

WHAT CAN MY EXTRAORDINARY OFFER TO BL FANS?
Naglipana na ang mga Pinoy BL series. Sandamukal pa ang ikinakasa.
Ano ang lamang ng My Extraordinary sa iba?
Sagot ni Darwin, “Sa mga lumabas po na Pinoy BL, iba-iba po kasi ng atake and story.
"Hindi kami nag-focus lang sa kilig moments. Nag-focus kami sa mga problemang kinakaharap ng mga nasa LGBTQ+ community.
“Maraming pinagdaanan lahat ng character at may twist and turns ang story. Maraming lessons po talaga.
"Yun yung proud ako and excited na mapakita sa mga manonood.
“Maliban sa pusong Pinoy, hinaluan namin ito ng Thai ingredients at nag-workshop kami under a Thai acting coach!”
Pagmamalaki ni Enzo, “Ang kaibahan namin sa ibang Pinoy BL ay isinulat siya ni Sir Vincent DeJesus. Napakaganda po ng pagkasulat ng love story nina Shake at Ken.
“Sir Vincent made sure na ang My Extraordinary ay malapit sa realidad ng mga LGBTQ+ members sa Pilipinas, at iba't ibang emosyon ang madadama ninyo sa series po namin.”
Walong episodes ang My Extraordinary, na idinirek ni Jolo Atienza.
Nasa cast din nito sina Yayo Aguila, Jojit Lorenzo, Karissa Toliongco, Z Mejia, Kayden Soriano, Keijee Mesina, John Cortez, Sam Cafranca, Philip Dulla, at Catcat Sanchez.
Ang Cebu-based na si Kenji Exaltacion ang kumanta ng ilang awit sa My Extraordinary. Kinanta niya rati ang theme song ng KathNiel teleseryeng Got To Believe.
Nawala si Kenji sa showbiz dahil gusto ng kanyang pamilyang tapusin niya ang kanyang pag-aaral.
May version si Bituin Escalante sa love theme ng ShaKen na "Hindi Ko ‘To Binalak."
Ang gumawa ng English subtitle ng My Extraordinary ay si Miguel Almendras, na lumabas sa Pinoy BL series na Hello Stranger at sa Unlocked episode na "Calvin & Drake."
Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
