PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arron Villaflor in a relationship with aspiring beauty queen

Arron Villaflor: “This is my lovey, Camille."
by Bernie V. Franco
Published Sep 23, 2020
ABS-CBN actor Arron Villaflor announces that he is now in a relationship with Filipino-Chinese aspiring beauty queen Camille Buenaventura.
PHOTO/S: @camillebuenav and @arronvillaflor05 on Instagram

Kasabay ng pagkabawi ng kanyang Instagram (IG) account ay ang pagpapakilala ni Arron Villafor sa kanyang bagong girlfriend.

Karelasyon ngayon ng 30-anyos na ABS-CBN actor ang aspiring beauty queen na si Camille Buenaventura, 26.

“This is my lovey, Camille,” pag-i-introduce ni Arron sa nobya sa pamamagitan ng Instagram Live noong September 8.

Iyon din ang araw na nabawi ni Arron ang kanyang IG account, pagkatapos nitong ma-hack higit isang buwan na ang nakalilipas.

“I’m back and alive,” tuwang-tuwang pag-anunsiyo ni Arron habang nasa loob ng kotse, kasama ang bagong girlfriend.

Bagamat inusisa sila ng netizens sa IG Live, hindi binanggit nina Arron at Camille kung gaano na sila katagal magkarelasyon.

In-announce din ni Camille na kandidata siya sa Mr. & Ms. Chinatown Philippines 2020, ang taunang beauty male and female pageant para sa Filipino-Chinese youth sa bansa.

September 11, o tatlong araw pagkatapos ng IG Live ni Arron, ipinost din ni Camille ang picture nila ni Arron para opisyal na ianunisyong in a relationship na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARRON’S “LOVEY”

Sa IG Live ni Arron, nabanggit ni Camille na Bisaya ang kanyang ama.

Sumagot din si Camille sa wikang Bisaya sa mga netizen na nagtatanong tungkol sa kanya.

Si Camille ay mula sa Quezon City. Nag-aral siya sa St. Paul College Pasig, at nagtapos ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University.

Nagsisilbi siya ngayong operations head ng plastic manufacturing company na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

Nabanggit din ni Camille sa video na bukas siyang pumasok sa showbiz kapag nabigyan ng pagkakataon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Mr. & Ms. Chinatown 2020 ang kanyang kauna-unahang pageant na sinalihan.

Nakatakdang ganapin ang grand coronation nito sa October 18 at ipalalabas sa Kapamilya Channel.

Si Arron naman ay huling napanood sa ongoing ABS-CBN primetime teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

ARRON’S EX-GIRLFRIEND

Bago naging sila ni Camille, ang huling napabalitang nakarelasyon ni Arron ay si Jane de Leon, 21.

Sina Arron at Jane ay kapwa ABS-CBN stars at talents ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya network.

Naging magkarelasyon sina Arron at Jane noong 2016, subalit naghiwalay pagkatapos ng isang taon.

Sa isang interview noong Enero 2020, nausisa si Arron kung bakit naghiwalay sila ni Jane.

Sagot niya, “Wala, hindi talaga nag-work out. Tingin ko, timing.

"Nagsisimula pa lang din siya sa industriya natin kaya ayun.”

Bagamat hindi tinumbok ni Arron, matutukoy sa kanyang pahayag na career move ang posibleng ugat ng paghihiwalay nila.

Sabi noon ni Arron, “Feeling lang namin, if we’re gonna push through it, parang it will suffer lang din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinag-usapan namin, ‘Go with your dreams. Enjoy your work.’ Ganun-ganun.

"Matagal na niyang inaantay yung break, dumating na yun sa kanya.

“Actually, mutual kami, e. Napag-usapan namin yun nang maayos."


Noong July 2019, inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagkakapili kay Jane upang gumanap bilang superhero icon na Darna para sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kasunod ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo at kasalukuyang pandemic, “postponed indefinitely” ang proyekto.

Inanusiyo ang postponement ng produksiyon ng Darna sa pamamagitan ng official statement ng ABS-CBN noong Augusto 21.

Nakuha ng ABS-CBN ang rights ng Darna noong 2013.

Bukod sa Darna, nakuha rin ng ABS-CBN ang acquisition rights sa labindalawa pang fiction characters na likha ng Filipino comic book writer na si Mars Ravelo, gaya ng Captain Barbell at Dyesebel.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN actor Arron Villaflor announces that he is now in a relationship with Filipino-Chinese aspiring beauty queen Camille Buenaventura.
PHOTO/S: @camillebuenav and @arronvillaflor05 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results