Ipinagluluksa pa rin si Ogie Alcasid, 53, ang pagpanaw ng kanyang amang si Herminio Alcasid Sr., isang abogado.
Sa kanyang Instragam post noong September 15, inanunsiyo ni Ogie—Herminio Jose Alcasid Jr. sa tunay na buhay—ang tungkol sa pagyao ng 87 anyos na ama.
Hindi tinukoy ni Ogie ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.
Sa kanya namang Facebook Live noong Lunes, September 21, inamin ng singer-comedian na malaking dagok ito sa kanya dahil ngayon lang siya namatayan ng isang taong talagang malapit sa kanya.
“My father passed away last week, so it’s been very difficult for the past week.
“I still find myself crying at times, naiiyak pa rin po ako.
“I’m sure lahat po ng nawalan ng magulang o minamahal ay ganyan din ang nararamdaman.
“So we can only just rest on the grace of God, and at the same time, try to process things.
“Ngayon lang po ako nawalan ng mahal sa buhay na talagang malapit po sa akin. It’s my first time to experience this.
“Sabi ko nga sa asawa ko,” pagtukoy niya kay Regine Velasquez, “hindi ko po alam kung papano, how to be… how to conduct myself.”
Kahapon, September 23, ginunita ang ika-siyam na araw ng pagkamatay ni Herminio Sr.
Mas nagiging emosyonal daw si Ogie sa mga taong nagpaabot ng kanilang pakikiramay.
Saad niya, “Lahat ng kamag-anak namin, all of our friends, who have given their support and encouragement and their condolences during this very, very difficult time, it’s… I guess dun din ako naiiyak.
"Pag nakikita ko na ang dami-dami ho talagang nagmahal sa tatay ko, at the same time, really care for the family.”
OGIE’S APOLOGY TO HIS PARENTS
Noong 2019, sa guest appearance ni Ogie sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, humingi siya ng sorry sa kanyang mga magulang.
May mga pagkakataon daw kasing nagkukulang siya ng panahon para sa mga magulang dahil sa pagiging abala niya sa trabaho.
Sabi ni Ogie noon, “Pag nakikita ko ang nanay [Herminia Alcasid] at tatay ko, kasi siyempre hindi na sila yung dating maliksi, malakas. But their hearts are so pure.
“Blessing sa akin na nakikita ko silang magkasama pa. As senior as they are, they’re still strong. Their spirits are strong.
"Yung tatay ko, makulit pa rin. Yung nanay ko, ka-text ko lagi.”
Mensahe niya noon sa mga magulang, “Ma, Dad, alam niyo naman kung gaano ko kayo kamahal. And basta lagi tayong magba-bonding.
“Pasensiya na dun sa mga times na medyo busy ako, but I cherish all the times, kaya lagi tayong nagba-bonding.”
Ang ama ni Ogie ay nagsilbing presidente at chief executive officer ng subsidiary ng Philippine National Oil Company (PNOC), ang PNOC Development and Management Corporation (PDMC).
Ang nagtalaga noon kay Hermino Sr. ay si former President Benigno Aquino III.
Pangunahing layunin ng PDMC ang pagma-manage at pagde-develop ng real estate assets, pati na rin sa mga itinalagang environmental projects ng PNOC at energy group ng gobyerno.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
