PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erich Gonzales drops clues about relationship with Mateo Lorenzo

Erich Gonzales celebrates 30th birthday with mystery guy.
by Bernie V. Franco
Published Sep 29, 2020
Erich Gonzales is seen with a mystery guy, whom she later names as Mateo Lorenzo (right photo, in white polo shirt). Mateo, a businessman, is Erich's boyfriend.
PHOTO/S: YouTube (Erich Gonzales) / @gretchenho on Instagram

Unti-unti na bang ipinakikilala ni Erich Gonzales sa publiko ang kanyang boyfriend?

July 2019 pa nang kumpirmahin ni Erich na may boyfriend na siya. Gayunpaman, hindi niya inilantad ang identity ng kasintahan dahil private person daw ito.

Pero tila nagbago na ang ihip ng hangin.

Base sa kanyang latest YouTube video, may mga pahiwatig si Erich tungkol sa lalaking karelasyon niya.

ERICH CELEBRATES BIRTHDAY WITH MYSTERY GUY

Ipinagdiwang ni Erich ang kanyang ika-30 kaarawan noong September 20, 2020. Two days after, noong September 22, nag-post siya ng video.

Ipinakita rito ng aktres kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang birthday.

Sa simula ng video, mapapanood si Erich na kinakanta ang “Happy Birthday” song, habang nakaupo sa passenger seat ng kotseng Mercedes Benz.

Biglang maririnig ang boses ng isang lalaki: “Happy birthday.”

“Thank you,” sweet na sagot ni Erich, sabay ngiti at tingin sa camera.

Hindi ipinakita ni Erich ang hitsura ng lalaking nagda-drive ng kotse. Nahagip lamang ang kanang braso nito at makikitang nakasuot ito ng white T-shirt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa thumbnail photo ng YouTube video ni Erich, hagip ang pagkakaroon ng makapal na patilya at balbas ng lalaki.

Sumunod ay mapapanood si Erich na nasa loob ng isang restaurant at umiinom ng iced coffee.

Sinundan ito ng candle-lit meal na may pasta-and-meat dish at cake.

Sumunod na eksena ay gabi na at nasa loob ng kotse si Erich.

Maririnig na nagpasalamat si Erich sa lalaki, “Thank you for today.”

Sagot ng lalaki, “You’re welcome.”

Lumalabas na birthday salubong ang “date” ni Erich kasama ang mystery guy, dahil ang sumunod na eksena ay isang alarm clock na saktong alas-dose.

“It’s officially my birthday,” sambit ni Erich.

ERICH DROPS THE NAME "MATEO LORENZO"

Sa 16-minute video, ang parte ng "date" ni Erich kasama ang mystery guy ang tanging bahagi ng video na hindi ipinaliwanag ng aktres.

Sa mga sumunod na segments ng video, idinetalye ni Erich kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan—mula paggising niya hanggang sa matapos ang araw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinangalanan din niya ang mga bumati at nagbigay ng regalo, gaya ng kanyang pamilya, mga kaibigan, fans, at ang dating ka-love team na si Enchong Dee.

Sa parte ng kanyang gift-opening, huling binuksan ni Erich ang regalo ng taong espesyal sa kanya.

“Last but not the least, ito po iyon,” sabi ni Erich, sabay turo sa isang paper bag.

“And meron ding pa-letter yung tao na ito. Alam talaga na mahilig po ako sa kape.”

Ang regalo kay Erich ay isang luxury coffee-and-espresso machine.

Pagkatapos ay binanggit ni Erich kung kanino galing ang regalo.

“Okay, yung huling gift po na binuksan natin, galing po iyan kay Mateo Lorenzo.”

Sinabi rin ni Erich ang handle name ni Lorenzo sa Instagram, @mr.todomundo.

“So, meron din po siyang pa-letter. Mahaba ang kanyang nobela.”

Pero pagbawi ng aktres, “Sasarilinin ko na lang po muna ito, ha!,” sabay tawa niya.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Erich ang link ng kanyang birthday video. Naka-tag dito si Mateo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila kumpirmasyon ito ni Erich na si Mateo nga ang lalaking kasama niya sa date.

ERICH has a BOYFRIEND

Dalawang taon na ang nakalilipas, ipinaliwanag ni Erich kung bakit nagdesisyon siyang huwag isapubliko ang pangalan ng kanyang boyfriend.

“Well, I think it’s for the best,” sabi niya sa isang YouTube vlog noong July 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I want to protect something so precious to me and something beautiful.

“I don’t wanna ruin it, so sa akin na lang yun.”

March 2018 naman nang aminin ng aktres sa isang presscon na may idine-date siya.

Inilarawan niya ang lalaki na “consistent and persistent suitor.”

Ang clue na ibinigay ni Erich noon tungkol sa suitor ay kapatid ito ng boyfriend ni Claudia Barretto. Ang boyfriend ni Claudia ay si Basti Lorenzo.

Lumutang din noon ang larawan ni Erich kasama ang isang lalaking may bigote, na kinilala ng netizens bilang si Mateo Lorenzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mateo Lorenzo and Erich Gonzales in Japan for a painting event of Erich's sister.

Consistent naman ito sa mga larawang lumabas noong January 2020.

Kuha ang mga larawan sa birthday ni Love Capulong, isang handler sa Star Magic, ang talent management arm na kinabibilangan ni Erich.

Makikita sa photos at videos na laging magkadikit at magkatabi sina Erich at Mateo, na trademark ang makapal na facial hair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mateo, isang negosyante, ay isa sa labindalawang anak ng businessman na si Martin Ignacio Lorenzo.

Ang ama ni Mateo ay ang chairman at president ng Teriyaki Boy Group, Inc. at Dencio's Food Specialists Inc. Siya rin ang vice president for operations ng Del Monte Philippines, at may negosyo rin sa real estate.

Mayroon ding sugar-milling business ang pamilya ni Mateo.

Sa kanyang Instagram account, nabanggit ni Mateo na mahilig siya sa mga kotseng may kalidad, sa horse show jumping, at sa agrikultura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erich Gonzales is seen with a mystery guy, whom she later names as Mateo Lorenzo (right photo, in white polo shirt). Mateo, a businessman, is Erich's boyfriend.
PHOTO/S: YouTube (Erich Gonzales) / @gretchenho on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results