"I was proud of myself because, for the first time, I stood up for myself. For the first time, I defended myself. And for the first time, I protected myself."
Ito ang sagot ni Julia Barretto nang tanungin tungkol sa naging pakiramdam niya matapos magsampa ng reklamo laban sa former broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes, September 25.
Cyberlibel at paglabag sa Safe Spaces Act ang mga reklamong inihain ng aktres laban kay Sonza.
Nag-ugat ito sa Facebook post ni Sonza noong September 21, kung saan sinabi niyang buntis si Julia at ang ama ng dinadala nito ay si Gerald Anderson.
Tinawag na "FAKE NEWS" ni Julia ang ipinakalat na tsismis ng dating broadcaster at, bagamat nakalipas ang isang linggo na walang aksyon ang aktres, ngayon ay nagsampa siya ng mga reklamo laban dito.
"It’s the first time I actually put an action, to do that for myself," saad ni Julia sa virtual presscon niya sa Viva office nitong Miyerkules ng hapon, September 30.
"And like I always say, as much as it’s important to protect your loved ones, it’s also important to protect yourself.
"Ang dami ko na rin kasing pinagdaanan, so gusto ko na lang din na pahalagahan yung sarili ko."
Bagamat malinaw na si Sonza ang pinatutungkulan niya, ni minsan ay hindi binanggit ni Julia ang pangalan nig broadcaster, na source ng news na buntis siya.
Nang hingan ng pahayag tungkol sa development ng kanyang reklamo laban kay Sonza, sinabi ni Julia na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI.
"Right now, they’re all under investigation. So what I’m waiting for is a feedback from NBI, and then we can go ahead with our case."
JULIA: "I'M OKAY."
Iginiit ni Julia na maayos ang kalagayan niya matapos masangkot sa isang isyu tinawag niyang "fake news."
"I am okay," sambit niya.
"Like I always say and I always answer, ang daming nakapaligid sa akin na pamilya‘t mga kaibigan na todo talaga ang alalay sa akin sa kahit ano pang dumating sa life ko.
"I’m okay because I think I just become much braver and wiser. I have a very good support system also, saka lalo na kapag fake news, di ba?
"Marami na akong pinalagpas na mga false information about me, na usually dinededma ko lang.
"Pero, siguro, I just felt like it was about time to make an action, to try to stop it.
"And siguro kasi ako, as a normal na tao, mahilig din akong makibalita sa mga current events.
"Sumusunod ako sa mga current na nangyayari, lalo na sa bansa natin, sa ibang bansa, about the pandemic, whatever.
"And it really bothers me every time I stumble upon fake news or false information or kapag napapabalita ang mga bagay na wala naman kumpirmasyon, walang katotohanan?
"Di ba, parang everything we wanna read, gusto natin as much as possible yung totoo."
Dagdag pa niya, "So, parang, more than... it’s not just for me. I think it’s also for everybody na, you know, just to protect ourselves.
"Especially yung mga ganoong klaseng ibinabalita niya, hindi naman maganda ang pagkakasulat. Napakabastos."
Idinagdag ni Julia na siya lamang, ang kanyang pamilya, at ang mga sangkot ang puwedeng magkumpirma sa mga isyu, hindi ang ibang mga tao.
"At saka yung mga ganoong bagay, if you are to confirm something like that, it’s not supposed to come from you.
"It’s always supposed to come from the people who are involved. Somebody close to me, from a family member, from a friend.
"Yung gumawa naman po ng article, wala rin naman pong effort ng time na ‘yon to really get in contact with me and ask for the truth.
"Walang ganoon, e. He just confirmed it with no basis.
"And I think, I had just enough and I’m putting my foot down and showing people that enough is enough.
"I can’t tolerate fake news anymore especially involving me or my family and anyone close to me."
Lumipat na ng bakuran si Julia mula sa management team ng Star Magic ng ABS-CBN papuntang Viva Artist Agency ni Vic del Rosario.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika