Alden Richards no online dating encounter; speaks about quarantine realizations

by Rachelle Siazon
Oct 1, 2020
Alden Richards talks about family time in Laguna, unexpected long break during ECQ, his struggling businesses, and getting back to work on GMA-7.
PHOTO/S: Love On The Balcony presscon

Nilinaw ni Alden Richards, 28, na wala siyang nakilalang potential girlfriend o kahit man lang "quaranfling."

Ang quaranfling, ayon sa urban dictionary, ay tumutukoy sa online dating encounter na nagsimula nang ipatupad ang enforced quarantine at magtatapos din kapag na-lift na ito.

Sa virtual presscon ng "Love On The Balcony" para sa I Can See You noong Biyernes, September 25, tinanong si Alden kung nakahanap ba siya ng quaranfling.

Ang kanyang co-star na si Pancho Magno ay napahirit na gusto rin daw niyang malaman kung may nagpapakilig na kay Alden.

Pero paglilinaw ni Alden, hindi niya nasubukan ang online dating nitong quarantine.

"Parang masyado ako na-focus into my gaming.

"So, parang wala naman in the past six months. Wala naman nangyaring ganun."

Safe din ang sagot ni Alden nang tanungin kung mayroon ba siyang taong gustong makasama na ma-stuck sa isang lugar.

"No one. Hahaha! No one as of the moment!" natatawang saad niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

RUNNER OF THE FAMILY

Kung mayroon man siyang napagtuunan ng pansin, iyon ay ang mas maging malapit sa kanyang pamilya.

"Yun ang na-enhance na ECQ, mas naramdaman ko na part ako ng family," nakangiting saad ni Alden nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon.

Diretsong tatlong buwan daw siya namalagi sa bahay nila sa Laguna nang unang ipatupad ang enforced quarantine sa bansa.

Siya raw ang itinalagang "alay" o runner para sa mga errands, dahil noong ECQ ay isang tao lang kada household ang pinapayagang lumabas para sa essential activities.

"Na-enjoy ko being the runner, kasi siyempre ako yung pwedeng-pwede isakripsiyo kasi bata pa.

"I'm living with my grandparents, my dad, my two sisters who are very young.

"Yun siguro ang na-miss ko—yung paglabas-labas, pagpunta ng grocery.

"'Tapos, pagpasok mo ng grocery, hindi mo malaman kung paanong iwas yung gagawin mo.

"Kasi when you go out, you have to treat that everyone is positive [with COVID-19] for you to be safe.

Continue reading below ↓

"'Tapos yung pag-uwi, dun na ako nagpapalit ng damit sa garahe namin sa Laguna."

UNEXPECTED LONG BREAK

Noong unang mga buwan daw ng ECQ, pakiramdam ni Alden ay para siyang nasa isang mahabang holiday break.

Kuwento pa ni Alden sa PEP.ph: "Kasi the past ten years, basically since I started working in showbiz, wala talaga akong long breaks.

"The only break that I get is every December. From December 18 to 28 every year for Christmas season.

"Kasi pagpasok ng New Year, nasa GMA Countdown ako. So in the past 10 years that I've been in the industry, yun lang ang breaks na nakukuha ko every year.

"Because I've been working constantly 24/7, shoots, taping, of course Eat Bulaga!"

Nagkaroon din si Alden ng pagkakataong mag-online streaming sa kanyang Facebook page ng paborito niyang online multiplayer battle game.

"Gigising ka every day na wala ka lang ibang aatupagin kundi mag-exercise, kumain, 'tapos maglaro. Yun siguro yung nakaka-miss nung ECQ."

Continue reading below ↓

ALDEN'S STRUGGLING BUSINESSES

Pero ramdam ni Alden ang hirap na dala ng pandemya dahil apektado ang kanyang mga negosyo.

Mayroon siyang pag-aaring dalawang restaurants na specialty ang Pinoy dishes at isang fast food restaurant.

Paliwanag ni Alden: "Kaya lang, siyempre ang kapalit naman nun [hard lockdown], since no work, wala rin tayong suweldo, wala rin tayong income.

"So, yun ang medyo mahirap lang din. Masaya lang pala siya sa una, pero pag tumatagal na pala siya, you can really feel the effect.

"Especially in the business side as well, yung mga restaurants namin is not really performing, but ang hinahabol lang namin talaga is to cover expenses, not even gain income from it. Yun lang naman po."

BACK TO WORK

Sa kabila ng mga problemang hinaharap, nagpapasalamat naman si Alden dahil dalawang buwan na siyang balik-trabaho sa GMA-7.

Una siyang sumalang sa kanyang hosting stint sa Eat Bulaga. Pagkatapos ay naging abala na siya sa hosting para sa All-Out Sundays at sa special documentary na Lockdown: Food Diaries.

Continue reading below ↓

"So far, slowly, everything is getting back to normal on my part, sa work part ko po.

"Not everything will be okay, pero slowly muna. Kasi hindi pa tayo sure, e. We're really not sure of what's going to happen."

Dagdag ni Alden ukol sa pandemya, "Living every day now is a challenge, e. The main goal now is malampansan natin ito.

"Iyon ang pinaka-objective talaga ng bawat isa sa atin: How can I survive? How can my family survive? How can the people I love survive?

"That's what I do. Naghahanap ako ng different ways para ma-sustain yung living as of the moment. Kumbaga, just to get us by every day."

ALDEN'S SWAB TESTS

Sa ngayon ay naninirahan si Alden sa kanyang sariling condo unit at umuuwi lamang sa bahay nila sa Laguna kada tatlong linggo.

"'Tapos quick hello lang yun. Hindi ako run nag-stay nang matagal. Morning pupunta ako dun, 'tapos babalik na ako ng late night.

Continue reading below ↓

"I don't stay there kasi I'm always out.

"Although, so far, sa awa ng Diyos, all of my swab results are negative the past five swab results na kinuha ko."

Regular daw ang pagsailalim niya ng swab test para masigurong siya ay fit to work sa tapings niya sa GMA-7.

"'Tapos meron ulit po October po. Yun kasi nagdi-dictate kung makakapagtrabaho ka or hindi, e."

Ayon pa kay Alden, hindi niya maiwasang mag-alala para sa iba na hindi nakakapagtrabaho dahil nagpopositibo sa COVID-19 kahit na asymptomatic ang kondisyon.

Hiling niya ay sana matapos daw ang kalbaryo na dala ng pandemya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards talks about family time in Laguna, unexpected long break during ECQ, his struggling businesses, and getting back to work on GMA-7.
PHOTO/S: Love On The Balcony presscon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results