Trina Candaza reveals untold details about relationship with Carlo Aquino; shows ring Carlo gave her

by Rachelle Siazon
Oct 2, 2020
Model Trina Candaza speaks about how Kapamilya actor Carlo Aquino won her heart after they met at a car-show event in May 2018.
PHOTO/S: @trinacandaza Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkuwento si Trina Candaza tungkol sa isang taong relasyon nila ng boyfriend na si Carlo Aquino.

Si Trina ay 24 taong gulang, habang 35 ang edad ni Carlo.

Isa-isang sinagot ni Trina ang katanungan ng netizens sa pamamagitan ng Q&A sa kanyang Instagram Stories kagabi, October 1.

Nagkakilala raw sila ni Carlo noong May 2018.

Continue reading below ↓

Nangyari iyon sa car show event kunsaan modelo si Trina.

Sabi ni Trina, "Sa event, nag wowork ako nun, napadaan siya sa booth namin."

Nauna raw si Carlo na nagsabing gusto nitong magpa-picture kasama si Trina, pero humingi rin daw siya ng souvenir picture kasama ang aktor.

Naging masugid na manliligaw raw ni Trina ang aktor.

Continue reading below ↓

"Lagi may flowers tsaka lagi ako binubusog," paglalarawan ni Trina sa ligaw style ni Carlo.

Ipinakita ni Trina ang litrato ng limang bouquet of flowers na natanggap niya mula kay Carlo.

Sadyang "sweet" daw ang aktor.

Ayon kay Trina, opisyal silang naging magkasintahan ni Carlo noong January 2019.

Ipinakita niya ang litrato kunsaan masuyo siyang hinalikan ni Carlo habang sila ay nasa beach.

Continue reading below ↓

BACKGROUNDER

Tugma ito sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 2019, kunsaan namataan si Carlo kasama ng isang non-showbiz girl sa La Union.

Natukoy ang babae bilang si Trina Candaza.

Nakasaad din sa ulat na noon pa lang October 2018 ay nakunan din si Carlo na kasama si Trina, kumakain sa isang restaurant sa Makati.

Continue reading below ↓

Naging kontrobersiyal ang pagkakaugnay noon ni Carlo kay Trina.

Noong panahon kasing iyon ay tampok ng espekulasyon ang pagiging malapit ni Carlo at ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

On cam, naging matagumpay ang balik-tambalan nina Carlo at Angelica (CarGel) sa pelikulang Exes Baggage, na ipinalabas sa sinehan noong September 2018. Magkasama rin sila sa teleseryeng Playhouse, na umere mula September 2018 hanggang March 2019.

Off cam, makailang-beses silang nakikitang magkasamang nagha-hangout, kung hindi minsan ay kasama ang kanilang common friends at kung minsan ay silang dalawa lang.

Napabalita rin ang pagpunta ni Carlo sa bahay ni Angelica noong gabi ng December 25, 2018.

Pero makalipas ang ilang linggo, lumabas ang balitang nag-uugnay kay Carlo sa isang non-showbiz girl.

HOT STORIES

UNFAZED BY BASHERS

Hindi nabanggit sa Q&A ni Trina ang kontrobersiyang kinasangkutan noon ni Carlo kaugnay ng nasirang pagkakaibigan nito at ni Angelica.

Pero may isang netizen ang nagtanong kay Trina kung dumating ba sa puntong iniwan niya si Carlo dahil sa bashers.

Continue reading below ↓

Hindi kaila sa publiko ang dinaanang pambabatikos kay Carlo dahil sa mga CarGel fans na hindi pabor sa pagsinta ng aktor kay Trina.

Sabi lang ni Trina, "Hindi."

May pagkakataon daw na naghiwalay sila ni Carlo, pero isang oras lang ang itinagal at nagbalikan din agad sila.

Hindi naman binanggit ni Trina kung ano ang dahilang ng breakup nila ni Carlo noon.

Continue reading below ↓

TRINA'S PREGNANCY

Nagkuwento rin si Trina tungkol sa panahong ipinagbubuntis pa lang niya ang anak nila ni Carlo.

Nitong buwan ng September ipinanganak ni Trina ang baby girl nila ni Carlo na si Enola Mithi.

Ang una raw nakaalam na buntis si Trina ay mga malapit na kaibigan ni Carlo dahil "nandon sila nang malaman na namin."

Continue reading below ↓

Nang ipaalam ni Trina sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang kalagayan, kuwela raw ang naging reaksiyon ng mga ito.

Ang sabi raw ng Papa niya: "oo alam ko na."

Hirit naman ng Mama ni Trina: "hindi to prank?"

ON KEEPING HER PREGNANCY FROM THE PUBLIC

Pero hindi isinapubliko nina Carlo at Trina ang tungkol dito.

Continue reading below ↓

Kinumpirma lamang ni Carlo na isa na siyang ganap na ama sa pamamagitan ng Instagram post noong September 13, 2020.

Isang netizen ang nagtanong kay Trina kung sadyang itinago nila ni Carlo ang kanyang pagbubuntis noon.

Sagot ni Trina, "Not really tinago, alam naman ng mga taong nakakasama namin and malapit samin.

"Siguro ganun lang din talaga kami ni carlo, importante yung privacy."

Continue reading below ↓

TRINA GETS A RING FROM CARLO

Tila malaman naman ang paglantad ni Trina ng pinakapaborito niyang material gift na natanggap mula kay Carlo.

Binigyan daw ni Carlo si Trina ng singsing.

Sinamahan ito ni Trina ng litrato ng kanyang kaliwang kamay na may suot na singsing sa kanyang ring finger—kunsaan karaniwang inilalagay ang wedding ring.

Pero walang binanggit si Trina kung iyon ba ay promise ring, engagement ring, o wedding ring.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Model Trina Candaza speaks about how Kapamilya actor Carlo Aquino won her heart after they met at a car-show event in May 2018.
PHOTO/S: @trinacandaza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results