Solons Alan Peter Cayetano, Lord Allan Velasco want to celebrate birthdays as House Speaker

by Jet Hitosis
Oct 3, 2020
Alan Peter Cayetano, Lord Allan Velasco
Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco (right) is set to replace Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (left) as House Speaker on October 14.
PHOTO/S: congress.gov.ph

Ano ang espesyal sa pagdiriwang ng birthday bilang isang House Speaker?

Ito ang maitatanong matapos aminin ni House Speaker Alan Peter Cayetano (Nacionalista Party) na hiniling niyang ma-extend nang ilang linggo ang kanyang pamumuno.

Plano raw ni Cayetano na maipasa muna ang panukalang PHP4.5-trillion 2021 national budget—na nakatuon sa pandemic recovery—bago siya umalis sa puwesto.

Bukod dito, gusto raw ni Cayetano na siya pa rin ang House Speaker kapag ipinagdiwang niya ang kanyang 50th birthday sa October 28.

Sa October 14 nakatakdang bumaba sa puwesto si Cayetano para bigyang-daan ang bagong House Speaker na si Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco (PDP-Laban).

Alinsunod ito sa term-sharing deal sa pagitan ng dalawang kongresista noong July 2019.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang namagitan sa deal—na unang beses na nangyari sa kasaysayan ng Kamara.

Batay sa agreement, si Cayetano ang magsisilbing lider ng Kamara sa unang 15 buwan ng 18th Congress.

Pagsapit ng October 2020, bababa sa puwesto si Cayetano para magbigay-daan kay Velasco.

Continue reading below ↓

Si Velasco ang magsisilbing House Speaker sa natitirang 21 buwan ng 18th Congress, o hanggang sa July 2022.

THE BIRTHDAY CELEBRATORS

Sa privilege speech ni Cayetano nitong Miyerkules, September 30, sinabi niyang bahagi ng term-sharing deal na bababa siya sa puwesto pagkatapos ng kanyang 50th birthday.

Pero ayaw daw pumayag ni Velasco at iginiit na umalis sa puwesto si Cayetano sa October 14 bilang respeto sa kanilang kasunduan.

Katwiran daw ni Velasco, malapit na rin ang birthday nito.

Pinagtalunan ito nina Cayetano at Velasco sa harap ni Pangulong Duterte, na nag-mediate sa dalawang mambabatas kaugnay ng bangayan sa speakership.

September 29 ng gabi nang nagharap-harap sina Duterte, Cayetano, at Velasco sa Malacañang matapos lumutang ang posibilidad na hindi matupad ang term-sharing agreement.

Nabalita kasing suportado ng karamihan ng mga kongresista ang pananatili ni Cayetano sa puwesto bilang House Speaker, dahil kasagsagan ng budget hearing ngayon sa Kamara.

Batay sa agreement, hanggang September 30, 2020 lang dapat sa puwesto si Cayetano.

Continue reading below ↓

Pero dahil hindi pa naipapasa ang napakahalagang national budget, humiling si Cayetano na manatili sa puwesto hanggang sa maaprubahan ng Kamara ang budget para sa 2021.

Kinontra raw ito ni Velasco at iginiit ang term-sharing deal.

Dahil dito, inatasan ni Duterte ang House leaders na ipasa ang budget hanggang sa October 14.

Sa petsa ring iyon, napagkasunduang magre-resign si Cayetano at uupong House Speaker si Velasco.

SENTIMENTAL CAYETANO

Naghimutok si Cayetano sa kanyang privilege speech.

“Very clear ang usapan,” kuwento niya. “I have budgets na ipapasa. And magbi-birthday ako na ako ang Speaker.

“Sabi niya [Velasco], ‘E, birthday ko rin, e!’

Forty-three years old na si Velasco sa November 9.

Ayon kay Cayetano, sinabihan siya ni Velasco ng “babaw mo” dahil sa kagustuhan niyang mag-birthday bilang House Speaker.

Patuloy ni Cayetano: “Sabi ko, ‘Pare, 50th birthday ko. Sentimental lang sa akin.

“Sabi niya, ‘Ang babaw mo naman.’

“Sabi ko, ‘Oo, mababaw talaga ako.’ Mababaw talaga ako, e. Sentimental. Sino ba naman ang nagpi-fifty years old sa atin na hindi sentimental?”

Continue reading below ↓

Iginiit daw ni Cayetano na pagbigyan siya ni Velasco: “Pare, ang dami mo pang birthdays. Ang bata mo pa, e.”

Sa huli, ayon kay Cayetano, si Velasco raw ang nanaig.

Mismong si Pangulong Duterte na ang nagdeklara sa meeting na ipatutupad ang term-sharing at mauupong House Speaker si Velasco pagsapit ng October 14.

Lord Allan Velasco, Alan Peter Cayetano, Rodrigo Duterte(L-R) Rep. Lord Allan Velasco, Speaker Alan Peter Cayetano, Senator Bong Go, President Rodrigo Duterte

Continue reading below ↓

THE HOUSE SPEAKER

Ang Speaker of the House ang pinakamataas na opisyal ng Kamara.

Siya ang ikaapat na pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno, ayon sa congress.gov.ph.

Ito ay dahil ang House Speaker ay pangatlo sa presidential line of succession, kasunod ng Vice President at Senate President.

Ang presidential line of succession ay ang pagkakasunud-sunod ng mga opisyal ng pamahalaan na magte-takeover sa pamamahala sa bansa sakaling ang presidente ay pumanaw, nag-resign, o na-impeach.

Naluluklok sa puwesto ang isang House Speaker sa pamamagitan ng majority vote ng lahat ng miyembro ng Kamara.

Ang House Speaker ang nagpe-preside sa sesyon, pumipirma sa mga panukala, resolusyon, memorials, writs, warrants at subpoenas, at nagdidisiplina o nagsususpinde sa mga miyembro ng Kamara.

SEPARATION OF POWERS

Ang Kamara at ang Senado ang bumubuo sa Kongreso, o ang Legislative branch ng gobyerno.

Trabaho nilang gumawa at mag-apruba ng mga batas.

Co-equal ng Kongreso ang dalawa pang sangay ng gobyerno—ang Executive at Judiciary.

Continue reading below ↓

Ang Executive ay binubuo ng presidente, ng bise presidente, at ng appointed Cabinet officials.

Sila ang nagpapatakbo sa pamahalaan.

Nakapaloob naman sa Judicial branch ang Supreme Court (SC) at lahat ng korte sa bansa.

Tungkulin nitong resolbahin ang mga usaping legal sa bansa, at may kapangyarihan ang SC na ideklarang unconstitutional ang mga batas, presidential decree, executive order, at treaty.

Malinaw ang pagkakaiba-iba ng tungkulin ng tatlong sangay na ito, kaya umiiral ang separation of powers sa kanila.

Ibig sabihin, hindi dapat nanghihimasok ang isang branch sa kanyang co-equal.

SEPARATION OF POWERS AND POLITICS

Sa kaso nina Cayetano at Velasco—na parehong taga-Legislative—hiniling nilang mag-mediate si Duterte—Chief Executive—tungkol sa liderato ng Kamara.

Ganito rin ang nangyari noong 2019, kaya nauwi sa term-sharing ang mediation ni Duterte.

Ang direktang opinyon ni Duterte sa pag-uupo ng House Speaker ay dahil sa kanyang impluwensiyang politikal.

Paliwanag ni Presidential Spokesperon Harry Roque, namagitan ang Pangulo sa bangayan sa Kamara bilang pinuno ng ruling party na PDP-Laban.

Continue reading below ↓

Bukod dito, bahagi rin si Duterte sa pagbuo ng term-sharing agreement nina Cayetano at Velasco noong nakaraang taon.

Si Duterte ang chairman ng PDP-Laban.

Miyembro ng PDP-Laban si Velasco.

Nagmula naman si Cayetano sa Nacionalista Party, na isa sa mga partidong kaalyado ng PDP-Laban.

Kapwa personal na malapit kay Duterte sina Cayetano at Velasco.

CAYETANO AND DUTERTE

Si Cayetano ay isang lawyer-diplomat.

Anak siya ni dating Senator Rene Cayetano, kapatid ni incumbent Senator Pia Cayetano, at ng dating direktor at ngayon ay mayor ng Taguig City na si Lino Cayetano.

Nasa Kamara rin ang misis ng Speaker, si Taguig 2nd District Representative Lani Cayetano.

Unang naging kongresista ng Taguig City si Alan Peter Cayetano noong 2008 hanggang 2007.

Naging senador siya noong 2007-2017, at muling nahalal na congressman noong 2019.

Noong 2016, kumandidatong vice president si Cayetano.

Siya ang running mate ni noon ay Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na presidential candidate.

Continue reading below ↓

Rodrigo Duterte, Alan Peter Cayetano

Screengrab from Rodrigo Duterte and Alan Peter Cayetano's campaign ad in 2016

Nanalo si Duterte pero bigo si Cayetano.

Si dating Camarines Sur Representative Leni Robredo ng Liberal Party ang naluklok bilang bise presidente.

Makalipas ang isang taon, itinalaga ni Duterte si Cayetano bilang secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Continue reading below ↓

Nang makabalik sa Kamara noong July 2019, nagpahayag si Cayetano ng interes na maging House Speaker—posisyong pinupuntirya rin ni Velasco.

Pinaboran ni Pangulong Duterte si Cayetano para unang pagsilbihan ang term-sharing sa House Speakership.

VELASCO AND DUTERTE

Si Velasco ay isa ring abogado.

Panganay siyang anak ni retired Supreme Court Associate Justice at ngayon ay Marinduque Governor Presbiterio Velasco Jr.

Bago naging kongresista, nagtrabaho siyang court attorney sa Supreme Court at naging provincial administrator din ng Marinduque.

Malapit si Velasco sa buong pamilya ni Pangulong Duterte.

Kamag-anak ang turing ng mga Duterte—lalo na ni Davao City Mayor Sara Duterte—sa pamilya Velasco.

Madalas na kasa-kasama ni Pangulong Duterte si Velasco, at ang misis nitong si Rowena Velasco, sa mga biyahe ng Pangulo sa labas ng bansa.

Continue reading below ↓

Kasama rin ng Duterte family ang pamilya ni Velasco sa mahahalagang okasyon.

Dumalo ang Pangulo sa binyag ng anak ni Velasco noong September 2019.

Nag-Pasko naman si Velasco sa bahay ng Presidente sa Davao City noong 2016.

Continue reading below ↓

Regular ding bumibisita ang mga anak ni Velasco sa Malacañang para makapiling si Duterte.

CAYETANO OFFERS RESIGNATION

Bago matapos sa kanyang privilege speech nitong Miyerkules, nag-alok si Cayetano na bababa na sa puwesto nang araw na iyon.

Patuloy na himutok ni Cayetano: “Cong Velasco told the President that he is ready. Then I think the best time to prove it is now.”

Continue reading below ↓

Kung ipinipilit daw ni Velasco na pamunuan ang Kamara simula ngayong October, pagbibigyan daw ni Cayetano ang kapwa kongresista.

Hindi makumpirma kung nasa plenary hall si Velasco habang nagsasalita si Cayetano.

Sabi ni Cayetano kay Velasco: “Gusto mo ng September 30? Sige.

“If colleagues want you today, sige, ikaw na.”

Mensahe ng Speaker sa mga kapwa kongresista: “I am offering my resignation here and now to you, my dear colleagues.

“My fate and the fate of the 2021 budget and leadership of the House is in your hands.”

Kaagad namang tinutulan ni Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor ang pagre-resign ni Cayetano.

Si Defensor ay malapit na kaalyado ni Cayetano.

Hinimok ni Defensor na pagbotohan ng mga kongresistang nasa sesyon kung tatanggapin o hindi ang resignation ni Cayetano.

Bumoto ang mga kongresistang nasa Batasan, ang mga naka-online via Zoom, at ang nasa Viber thread.

May kabuuang 184 kongresista ang pabor na manatili sa puwesto si Cayetano, isa ang tumutol, at siyam ang nag-abstain o hindi nakibahagi sa botohan.

Continue reading below ↓

Nasa 299 ang kabuuang bilang ng mga kongresista sa 18th Congress.

ALAN VS ALLAN

Sa press briefing nitong Huwebes, October 1, hiningan ng reaksiyon ang Malacañang sa pagtutol ng halos 200 kongresista sa pagre-resign ni Cayetano.

Pero ayaw na raw makialam ni Pangulong Duterte sa “internal affairs” ng Kamara, sabi ni Spokesman Roque.

Ikinatuwa naman ni Cayetano ang pahayag na ito ng Malacañang.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, sinabi ni Cayetano na ang pagrespeto ng Pangulo sa independence ng Kamara ay katumbas ng “putting this controversy to rest.”

Continue reading below ↓

Sa panig naman ni Velasco, “political maneuverings and theatrics” ang ginawa ni Cayetano.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, sinabi ni Velasco na naging “distraction” pa si Cayetano sa apurahang pagtalakay ng mga kongresista sa prayoridad na budget.

Dahil sa nangyari, walang linaw ngayon kung maisasakatuparan ang term-sharing deal sa October 14.

Continue reading below ↓

Walang kasiguruhan kung magiging House Speaker si Velasco ngayong buwan, gaya ng napagkasunduan.

Magre-resign pa ba si Cayetano, gayung malinaw na 184 ng mga kapwa niya kongresista ang pabor na manatili siya sa puwesto?

Kung hindi makakakuha si Velasco ng majority votes para maging Speaker, hindi ba malinaw na pagsuway iyon ng mga kongresista sa utos ni Pangulong Duterte?

Kaabang-abang ang October 14 para sa mga sumusubaybay sa House Speakership row.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco (right) is set to replace Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (left) as House Speaker on October 14.
PHOTO/S: congress.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results