Julie Anne San Jose evades question about her love life: “Ha?! We’ll be right back!”

by Bernie V. Franco
Oct 2, 2020
Kapuso singer-host Julie Anne San Jose appears to be caught off guard when she was asked if she is "romantically happy." A PEP.ph source says Julie Anne is now romantically involved with That's My Bae's Kim Last.
PHOTO/S: via Zoom (GMA Network)

Umiwas at idinaan sa tawa ni Julie Anne San Jose nang mausisa tungkol sa kanyang love life.

Hindi naman siya ulit nakaiwas nang may sumundot ng tanong tungkol dito.

Nangyari ito sa virtual press conference ng The Clash Season 3 nitong Miyerkules, September 30.

Bukod kay Julie Anne, humarap din sa presscon ang kapwa niya main host na si Rayver Cruz, at ang Journey hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Potal) sina Rayver at Julie Anne kung paano nila inaalagaan ang kani-kanilang relasyon ngayong may pandemya.

Bukas na sa publiko ang relasyon ni Rayver sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez. Habang si Julie Anne naman ay tila inililihim sa publiko kung sino ang nagpapatibok ng puso niya ngayon.

Unang sumagot si Rayver sa tanong.

“Well, there’s always FaceTime,” pagtukoy ng actor-dancer sa videotelephony app.

“Di kagaya ng before na maya’t maya magkasama kayo, di ba? Walang kasiguruhan ngayon.

Continue reading below ↓

“Siyempre, iingatan niyo ang bawat isa. But through technology that we have right now, okay naman.

"Kasi, like now, malaking tulong yung mga applications.

“'Tapos, kapag pwede na, pag may swab test na, negative, na alam mong safe ka naman, pwede ka namang bumisi-bisita. Kaya naman.

“Kayang i-work out yung ganoon. LDR [long-distance relationship] muna sa umpisa.”

Makahulugang hirit pa ni Rayver kay Julie Anne, “Right, Julie?”

“Bakit ako?” natatawang sagot ni Julie Anne sa tinuran ni Rayver.

Pa-safe ang sagot ni Julie Anne sa tanong.

Saad niya, “Siguro in general na lang, yun nga, kasi mahirap talaga na yung pinagdadaanan natin ngayon…

“Of course, yung pandemic na meron tayo, siguro ang masasabi ko lang din, tama si Rayver.

“Good thing na meron tayong Internet, meron tayong online services, at meron tayong mga iba't ibang applications to reach out to other people na we’re involved with.

“Yung mga tao na alam nating malayo sa atin. The people we love. ‘Tsaka sobrang importante talaga ng oras.”

Continue reading below ↓

Follow-up question ng PEP kay Julie Anne: siya ba ay “romantically happy?”

“Ha?! We’ll be right back!” sabay tawa niya. Ginamit niya ang linya sa pag-cue ng commercial break.

Kitang-kita naman sa screen ang pagtawa ni Rayver. Hirit niya kay Julie Anne, "Please answer.”

Umiwas pa rin si Julie Anne, at tila humingi ng saklolo kay Rita: “Rita, ikaw na [ang magsasalita].”

Komento pa ni Julie Anne, “Bigla tayong natahimik lahat, ‘no?”

“I love your question!” natatawang hirit sa amin ni Rayver na nag-thumbs up pa.

Continue reading below ↓

Sinegundahan naman ito ni Gorgy Rula ng PEP Troika ang aming tanong.

Tinanong niya kung masaya ba ang lagay ng puso ngayon ni Julie Anne.

Matipid na sagot ng Kapuso singer-host, “I think I am. Yes, I’m okay. I’m okay. My heart is fine.”

IS JULIE ANNE DATING KIM LAST?

Ayon sa source ng PEP.ph, ang lalaking nauugnay ngayon kay Julie Anne ay si Kim Last.

Si Kim, isang Filipino-British, ay miyembro ng dating dance group ng Eat Bulaga! na That’s My Bae.

Continue reading below ↓

Nagkasama sina Julie Anne at Kim sa Kapuso Sunday variety show na Sunday PinaSaya (2015-2019), kung saan sila sinimulang tuksuhin.

May mga bumansag din sa love team nila na KimLie.

Sa isang event noong January 2020, tinanong si Julie Anne tungkol sa pag-uugnay sa kanya kay Kim.

Continue reading below ↓

Tinanong siya kung ready na ba siyang magmahal muli.

Sagot ni Julie Anne, “I think I am ready, but right now, I just wanna focus sa lahat ng mga gagawin ko this year.

“I just wanna focus sa lahat ng mga opportunities. Sobrang grateful po talaga ako with everything.”

Inusisa siya tungkol sa pagli-link sa kanila ni Kim.

Tugon ni Julie Anne, “We’re very close, we’re very close. Yes, we’re very, very close.”

Base sa pagkakaalam ng publiko, ang huling naging boyfriend ni Julie Anne ay si Benjamin Alves.

January 2019 naman nang kumpirmahin ni Julie Anne sa PEP na naghiwalay sila ni Benjamin noong late 2018.

Ngayong umaga ng Biyernes, October 2, nagpadala kami ng mensahe kay Kim para tanungin sa relasyon nila ni Julie Anne, pero hindi kami nakatanggap ng sagot.

Samantala, magsisimulang umere ang The Clash Season 3 sa GMA-7 ngayong Sabado, October 3.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso singer-host Julie Anne San Jose appears to be caught off guard when she was asked if she is "romantically happy." A PEP.ph source says Julie Anne is now romantically involved with That's My Bae's Kim Last.
PHOTO/S: via Zoom (GMA Network)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results