Alden Richards to make love life "top priority" after pandemic

by Rose Garcia
Oct 2, 2020
Alden Richards, 28, is ready to enter a relationship. He says, "Kailangan nating i-prioritize iyon kasi, I’m not getting any younger."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram

Ngayong panahon ng pandemya, mas pabor ba kay Alden Richards na wala siyang love life?

Siyempre, mas masarap pa rin iyong meron,” ang sabi ng binata nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa virtual presscon ng I Can See You noong September 25, 2020.

Sa pagpapatuloy niya, “Siyempre, mas masarap pa rin iyong every day, may nangangamusta sa iyo, may nag-aalaga sa iyo."

Pero dahil sa threat ng COVID-19 sa kalusugan, ayaw daw mag-date ni Alden kahit pa mas marami siyang time nitong quarantine.

"Sa ngayon, since limitado ang contact, hindi naman talaga natin puwedeng i-risk iyon just because we wanted to have it.

So far, na-e-enjoy ko naman ang buhay ko ngayon."

Pero handa na ba siyang pumasok sa isang relasyon?

Ang huling relationship niya ay noong college student siya.

Bagamat nagkagusto siya sa isang aktres, sinabi niya sa late-night talk show ni Boy Abunda noong July 2019 na "hindi po umabot sa naging kami."

Continue reading below ↓

Hindi raw sila "nagkakaintindihan."

Besides, nag-focus muna ito sa kanyang showbiz career—naging Kapuso leading man siya; phenomenal star kasama ang dating ka-love team na si Maine Mendoza; box-office king sa pelikulang Hello, Love, Goodbye with Kathryn Bernardo,

Sa pagbubukas ng 2020, isa sa birthday wishes ng aktor, na nag-28th birthday noong January 2, ay ang magkaroon ng love life.

Pero naudlot ulit dahil sa COVID-19.

Kaya pag natapos ang pandemiya, "top priority" raw ni Alden ang makahanap ng girlfriend.

Aniya, "Eventually, siyempre, everything will be back to normal. Kailangan nating i-prioritize iyon kasi, I’m not getting any younger. I’m 28 and I’m turning 29 on January.

Nasa top priority naman siya, pero sa ngayon, chill muna ngayong may pandemic pa."

Ilan sa mga pinagkaabalahan niya noong quarantine ay ang online gaming at pagiging "runner" ng kanyang pamilya sa Laguna.

Pero mas abala na ngayon si Alden dahil sa daily show niyang Eat Bulaga! at ang Sunday variety show na All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito, balik-taping na ang mga shows ng GMA-7.

In fact, matatapos mamayang gabi, October 2, ang episode niyang "Love on the Balcony" para sa mini-series na I Can See You.

Makakatambal ni Alden rito si Jasmine Curtis-Smith, kasama si Pancho Magno.

"Ano lang din siya, parang iyong character, wedding videographer and then nagkaroon ng pandemic.

"Parang meron siyang dinadala sa sarili niya na ayaw niyang pag-usapan even to his best friend, iyong character ni Pancho," pagtatapos ng Pambansang Bae.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards, 28, is ready to enter a relationship. He says, "Kailangan nating i-prioritize iyon kasi, I’m not getting any younger."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results