Kim, Liza, Moira sympathize with John Legend, Chrissy Teigen over pregnancy loss

Oct 3, 2020
Kapamilya artists Kim Chiu (left), Liza Soberano (right), and Moira dela Torre (not in photo) repost Chrissy Teigen's (center) heartbreaking photos after the American model-author loses third child to pregnancy complications. Crissy is the wife of U.S. singer John Legend.
PHOTO/S: @chinitaprincess, @moirarachelle, @lizasoberano on Instagram

Nakikisimpatiya sina Kim Chiu, Liza Soberano, at Moira dela Torre sa pagpanaw ng anak ng American model-author na si Chrissy Teigen.

Asawa ni Chrissy, 34, ang American singer-songwriter at “All Of Me” hitmaker na si John Legend, 41.

Nitong Huwebes, October 1, ibinahagi ni Chrissy sa Instagram ang mga litrato nilang mag-asawa habang nasa ospital.

Emosyunal ang tatlong black-and-white photos.

Isa rito ay pinakitang humahagulgol si Chrissy habang nakaupo at mistulang nananalangin.

May litrato ring nakahiga sa hospital bed si Chrissy at binabantayan siya ni John. Nakahilig ang ulo ng singer sa balikat ng misis habang magkahawak-kamay sila.

Sa isang litrato, nasa ibabaw ng dibdib ni Chrissy ang kanilang baby boy.

Umiiyak ang modelo habang masuyong pinagmamasdan ang anak, na noon ay hinahalikan ni John sa ulo.

Jack ang ipinangalan ng couple sa sana ay ikatlo nilang anak.

August 13 nang ianunsiyo nina John at Chrissy ang pagbubuntis muli ng huli.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ilang buwan na si Jack sa sinapupunan ng kanyang ina.

“KIND OF DEEP PAIN YOU ONLY HEAR ABOUT”

Nagkaroon daw ng kumplikasyon ang pagbubuntis ni Chrissy.

Isinugod siya sa sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California noong nakaraang linggo dahil sa excessive bleeding.

Para kay Chrissy, ang nangyari ay “the kind of deep pain you only hear about, the kind of pain we’ve never felt before.”

Ito raw ang "darkest of days" para sa kanilang pamilya.

Mensahe ni Chrissy kay Jack: “I’m so sorry that the first few moments of your life were met with so many complications…

“that we couldn’t give you the home you needed to survive.

“We will always love you.”

Continue reading below ↓

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay, pagmamahal, at pananalangin para sa pamilya nina Chrissy at John.

May dalawa pa silang anak: sina Luna, 4, at Miles, 2.

KIM, LIZA, MOIRA SHARE CHRISSY’S EMOTIONAL PHOTOS

Ibinahagi ng Kapamilya stars na sina Kim, 30, Liza, 22, at Moira, 26, sa kanilang Instagram Stories ang mga litrato mula sa post ni Chrissy.

Walang inilagay na caption si Liza sa ni-repost niyang picture nina Chrissy at John habang magkahawak-kamay sa hospital bed.

Continue reading below ↓

Ang picture ni Chrissy na humahagulgol ang nasa Instagram Stories ng singer na si Moira.

Isang loudly crying at apat na broken heart emojis ang caption dito ni Moira.

Ibinahagi naman ni Kim ang art card ng U.S. TV show na E! News.

Sa art card, naka-insert sa litrato nina Chrissy at John ang screenshot ng komento ng American actress na si Zelda Williams.

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol ni Zelda si Chrissy, na umani ng batiko sa Twitter dahil sa pagsasapubliko ng pagluluksa nito sa pagpanaw ng anak.

Pagtatanggol ni Zelda kay Chrissy: “However someone chooses to grieve, publicly or privately, is VALID.

“Let people grieve however they choose, not however you believe they should, and hope the world returns the favor for you one day.”

May one-word caption dito si Kim: “THIS.”

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya artists Kim Chiu (left), Liza Soberano (right), and Moira dela Torre (not in photo) repost Chrissy Teigen's (center) heartbreaking photos after the American model-author loses third child to pregnancy complications. Crissy is the wife of U.S. singer John Legend.
PHOTO/S: @chinitaprincess, @moirarachelle, @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results