Sarah Geronimo calls dad Delfin "aking habambuhay" on his birthday

by James Patrick Anarcon
Oct 3, 2020
Sarah Geronimo to father Delfin Geronimo on his birthday: “Ang aking habambuhay. Maligayang kaarawan po tatay Delfin ko.”
PHOTO/S: @justsarahgph / @rjdelacruz on Instagram

Isang maikli ngunit sweet na birthday greeting ang ipinost ni Sarah Geronimo para sa kanyang amang si Delfin Geronimo.

Nagdiwang ng kaarawan si Delfin kahapon, October 2.

Ang photo na ginamit ni Sarah sa kanyang Instagram post ay kuha mula sa kanilang duet ni Daddy Delfin para sa The Great Unknown Unplugged concert ng singer noong 2016.

Saad ni Sarah sa kanyang post, “Ang aking habambuhay. Maligayang kaarawan po tatay Delfin ko.”

Continue reading below ↓

Ito ang unang pagkakataong nagpost si Sarah ng tungkol sa pamilya pagkatapos ng kanyang kontrobersiyal na kasal kay Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

Ayon sa mga ulat, hindi alam ng mga magulang ni Sarah na ikakasal na siya kay Matteo.

Nagkaroon pa ng komosyon sa reception ng kasal nang sumugod ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

Kasama ni Divine ang bodyguard na si Jerry Tamara, na umano'y nasuntok ni Matteo.

Samantala, noong October 2019 sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ang huling panayam ni Delfin kasama si Sarah.

Ang sabi niya sa anak, “Kailangan maging matatag tayo.

"Kaming mga magulang, gusto namin na lahat ng mga anak namin, mapunta sa magagandang buhay na patutunguhan.

“Naging anak rin tayo, naging magulang tayo. Siya rin, magiging magulang, magkakaroon din siya ng mga anak sa magiging pamilya niya.

"Hindi puwedeng ipagpalit ang pamilya basta-basta."

Sa kasalukuyan, wala pang naiulat na nangyaring pagkakaayos o pag-uusap sa pagitan ni Sarah at ng kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo to father Delfin Geronimo on his birthday: “Ang aking habambuhay. Maligayang kaarawan po tatay Delfin ko.”
PHOTO/S: @justsarahgph / @rjdelacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results