Vina Morales chases down snatcher of her cellphone on EDSA

by James Patrick Anarcon
Oct 3, 2020
Vina Morales falls victim to a cellphone snatcher. She says, "Etong message ko just letting you know na mag ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya."
PHOTO/S: @vina_morales on Instagram

Naging biktima si Vina Morales ng pang-aagaw ng cellphone sa gitna ng EDSA.

Sa kanyang Instagram post kahapon, October 2, isinalaysay niya ang nangyari.

Ayon kay Vina, naiwan niyang bukas ang bintana habang nakaparada ang kanyang sasakyan sa harap ng isang gas station.

Hawak-hawak raw niya ang cellphone nang bigla na lang itong agawin sa kanya.

Saad ni Vina (published as is), “Ngayon ko lang po naranasan eto, may nag snatch ng Phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po, naiwan ko pong bukas ang Window habang nasa edsa, tapat po ng Phoenix gasoline station, meron pong CCTV ang gasoline station.”

Mabilis ang naging reaksiyon ni Vina: hinabol niya ang snatcher.

Mabuti na lang daw at sumaklolo ang mga pulis.

Inimbitahan ang aktres na mag-file ng blotter sa presinto subalit tumanggi siya dahil sa banta ng COVID-19.

Patuloy ni Vina, “[R]eaction ko po ay hinabol ko, meron po akong nakita na tao sabi may alam po sya, biglang may mga pulis na dumating at tinangay yung tao…

Continue reading below ↓

“Nakausap ko po si LT. Alvin Bagay at pinapapunta po ako ng presinto para mag report, sabi ko wag na lang po kasi po may covid. Telepono lang naman yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganung tao. [sad face].”

Sa huli ay ni-remind ni Vina ang kanyang followers na maging maingat.

“Salamat po sa mga tao na tumulong sa akin. Etong message ko just letting you know na mag ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya [praying emoji].”

Continue reading below ↓

Ilang kaibigan naman sa showbiz ang nag-comment sa post ni Vina.

Kabilang dito sina Jessy Mendiola, Sunshine Cruz, at Jennifer Sevilla.

Vina Morales

Vina Morales

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales falls victim to a cellphone snatcher. She says, "Etong message ko just letting you know na mag ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya."
PHOTO/S: @vina_morales on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results