Pregnant Janella Salvador spends time with mom, Markus Paterson's dad in England

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2020
Markus Paterson's dad (in pinstriped collared shirt) drives a top-down car as he takes Janella Salvador (wearing a mask) and her mom Jenine Desiderio (sitting in the backseat) to a supermarket in Wiltshire, England.
PHOTO/S: @superjanella / @j9desire / @markus Instagram

Masaya si Janella Salvador sa England.

Ito ay base sa mga larawang ipinost niya sa kanyang Instagram feed.

Makikitang mainit ang pagtanggap sa kanya ng ama ng nobyong si Markus Paterson.

Ang ama ni Markus na si George Trevor Paterson ay dating British Air Force pilot na naninirahan sa Wiltshire, England.

Base sa anggulo ng litrato, si Janella ang may hawak ng camera nang kunan niya ang pagsakay niya sa top-down car kasama si George at ang ina ng aktres na si Jenine Desiderio.

Si George ang nagmamaneho, si Janella ang nakaupo sa passenger seat, at nasa backseat naman si Janine.

Continue reading below ↓

Kahapon, October 3, ipinost ni Janine ang mga litrato.

May iba pang kuha ang mag-ina, at kitang-kita na masaya sila sa kanilang joy ride patungong supermarket.

Sabi pa sa caption ni Jenine, "Yes, no masks. Masks are only required here inside supermarkets, restos & public transport. Face shields are unheard of in here."

Continue reading below ↓

Ayon sa datos ng Public Health England, may 1,565 COVID-19 cases ang Wiltshire, na lugar nina Markus.

Mahigit isang taon na ring magkakilala ang mga pamilya nina Janella at Markus.

Sa timeline na inilabas ng PEP.ph noong September 23, 2020, nakasaad na ang unang pagkakataong namataang magkasama sina Janella at Markus ay noong April 2019.

Continue reading below ↓

Kumakain sila noon sa isang restaurant kasama ang mga magulang ni Markus.

Noong late December 2019 to first week of January 2020, nagbakasyon din si Janella sa Wiltshire base sa tagged locations ng mga litrato ng aktres.

Naroon din si Markus, pero hindi nag-post ang magkasintahan ng litratong magkasama sila.

Nito lamang September 12, 2020 isinapubliko nina Janella at Markus na sila ay isang taon at walang buwan nang magkarelasyon.

Noon namang September 16, inulat ng PEP.ph na buntis si Janella, at ang ama ay ang nobyo niyang si Markus.

Nakasaad dito na isang source ang nagsabing nakatakdang manganak si Janella ngayong Oktubre.

Sa kasalukuyan ay tikom pa rin ang bibig ng dalawa hinggil dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson's dad (in pinstriped collared shirt) drives a top-down car as he takes Janella Salvador (wearing a mask) and her mom Jenine Desiderio (sitting in the backseat) to a supermarket in Wiltshire, England.
PHOTO/S: @superjanella / @j9desire / @markus Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results