BB Gandanghari on David's confession of love to Jonathan: "Bakit parang mas mahal kita kesa ang Diyos?"

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2020
BB Gandanghari (left) on how the love of Rustom Padilla (right) for a man put his faith to the test: "Those were the words na umuusig sa kanya, 'Kung mahal mo ang Diyos, wala ka sa relasyong ito.'"
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube

Dumaan si Rustom Padilla sa "double life" at "self-condemnation" nang umibig ito sa kapwa lalaki sa kauna-unahang pagkakataon.

Ito ang idinetalye ni BB Gandanghari sa kanyang YouTube vlog na uploaded noong October 4, 2020.

Kaugnay pa rin ito ng hati-hating salaysay ni BB tungkol sa relasyong namagitan kina David at Jonathan.

Si BB, 53, ay dating kilala bilang '90s matinee idol na si Rustom.

Umamin si Rustom na siya ay gay sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother noong 2006.

Noong November 2017, ganap na kinilala ng isang U.S. court si Rustom bilang Binibini Gandanghari, na ang gender ay female sa lahat ng kanyang legal identification documents.

Sa vlog ni BB, malinaw niyang tinukoy na sina Rustom at David sa love story na kanyang binabalikan ay iisang tao lamang.

Ipinakita ang mga litrato ni Rustom na guwapo, maganda ang pangangatawan, matikas ang porma, at noon ay naghahangad ng second wind sa showbiz.

Continue reading below ↓

Ang hindi raw alam ng lahat, noong mga panahong iyon ay merong tagong relasyon si David kay Jonathan.

Tandang-tanda raw ni BB na nagdiwang si Rustom ng kaarawan nito noong September 4, 2001.

Naghanda ng dinner si Rustom sa bahay niya at imbitado ang mga kapatid niyang sina Robin, Rommel, at Roy. Naroon rin ang nanay nila.

Wala raw kaalam-alam ang pamilya ni Rustom na pagkaalis ng mga ito ay saka darating si Jonathan.

Lahad ni BB: "Siguro by this time, Rustom was deeply in love. Pero since April up until sa ngayon September, pinasok ni Rustom yung madilim na daigdig ni David sa kloseta.

"He started hiding, he started lying... He started a double life out of fear, and probably out of self condemnation.

"But this particular birthday, he was trying to communicate with God questions all about love."

Sa loob-loob daw ni Rustom, nagtatalo ang lalim ng pananampalataya nito sa Diyos sa tindi ng pag-ibig nito para sa lalaking itinatago sa sariling pamilya.

Continue reading below ↓

"Tanggalin ang physicality, to see beyond gender...

"Pero hindi maliwanag kay Rustom noon. Para sa kanya, lahat yun homosexuality—kasalanan, kabaklaan, kababuyan."

Lubha raw "nakokonsensiya" si Rustom, pero nanaig ang pag-ibig na gusto niyang ipaglaban.

Sa isip daw ni Rustom, walang ipinagkaiba ang nararamdaman niya kay Jonathan sa naranasan niya sa mga dating nakarelasyon.

Ang ex-wife ni Rustom na si Carmina Villarroel ay naging kasintahan niya ng dalawang taon at naging asawa niya ng tatlong taon. Naghiwalay sila noong 1997.

Mayroong college sweetheart si Rustom, at limang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

At tulad ng kanyang naging straight relationships, seryoso rin si Rustom kay Jonathan.

Noong panahong iyon ay wala raw sa konsepto ni Rustom na siya ay gay.

Paliwanag ni BB: "I think one of the reasons why he pursued this kind of relationship is to, at least, once and for all, malaman whether he's gay or not, at least with this relationship. But we'll never know...

Continue reading below ↓

"This is exactly the communication happening between Rustom and his God.

"Yun ang tinatanong niya, 'Puwede ba? Kasi kung hindi, bakit... Bakit ganito ang pakiramdam? Saan nanggagaling ito?

"'Why even feel it kung hindi talaga posible? So why then am I feeling this?'"

Tila naluluhang saad pa ni BB, "This is the first time he opened it up to the Lord God exactly what he's feeling."

HOT STORIES

RUSTOM'S "INTIMATE" BIRTHDAY WITH DAVID

Aminado si BB na sa kabila ng guilt feeling ni Rustom ay hindi nito mapigilan ang damdamin para kay Jonathan.

Paglalarawan niya sa lihim na relasyon nina Rustom at Jonathan: "As would be the case from this day on, parang lagi nang ganun, parang may hide and seek sa bahay.

"Pag nagpupunta, nasa timing lahat. Hindi naman madalas yun kasi ako lang naman mag-isa sa bahay. Pero it was a hide-and-seek thing.

"Maybe nakadagdag sa thrill nung araw because it served my purpose, too.

Continue reading below ↓

"Kasi nagtatago ako sa sarili kong pamilya, sa sarili kong career, sa sarili kong Diyos.

"Na-realize ni Rustom na wala siyang tatakasan kung isyu niya sa Diyos ang isyu niya."

Habang ito ang bumabagabag sa isip ni Rustom—o ni David—ganoon na lang daw ang saya niya nang matapos ang dinner party sa kanyang bahay. Excited siyang makapiling si Jonathan noong gabi ng September 4, 2001.

May lambing sa boses na balik-tanaw ni BB: "So Jonathan came, and it was one of the sweetest birthdays David ever had.

"Isang slice ng cake, a bottle of wine, smoked some weed, and just sound tripping the whole night.

"Holding hands, kissing, embracing, saying I love yous, tapping each other on the back. So much warmth, so much love.

"And they make love—communicated through that—feeling each other, smelling each other, touching each other...

"Those heavy breathing are just like whisper of I love yous."

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay muling aatake ang mga katanungan sa isip ni Rustom.

"Yun ang buhay ni Rustom," napabuntong-hiningang sabi pa ni BB. "Makakalimutan panandali, i-express ang sarili, 'tapos magi-guilty."

Ang pagiging "intimate" raw nina Rustom at Jonathan ay patunay na malalim ang nararamdaman ni Rustom.

Dire-diretsong paliwanag ni BB: "I always say this, and I will be very honest—I think sexual compatibility is very important.

"If you're having gender identity issues, ang isa sa mga bagay na bumabagabag sa isang kalooban is yung...

"Kasi, as you've said, sexual expression is not just sex. It's really a communication of love.

"So sa isip-isip na ni Rustom noon, kung mali ang pag-ibig na ito, how then could I ever express?

"So yun ang dala-dala niyang issue sa harap ng Diyos. Sasabihin ko sa inyo lahat iyan.

"Hindi na siya makabitaw basta-basta at this time."

THE SEPTEMBER 11, 2001 ENCOUNTER

Lubos na inusig daw ang konsensiya ni Rustom nang muli silang nagkita ni Jonathan noong September 11, 2001.

Continue reading below ↓

Binisita raw ni Rustom si Jonathan sa isang shoot, pero nagkita lamang sila sa loob ng kotse.

Nagkaroon daw sila ng "intimate" encounter doon.

Pagkatapos ay bumalik sa trabaho si Jonathan, at naiwan lamang si Rustom na naghihintay sa kotse.

Biglang tumawag ang kapatid ni Rustom upang ibalita ang 9/11 tragedy o terrorist attack na sinapit ng U.S.

Apat na passenger airplanes ang na-hijack ng Al Qaeda terrorist group at ginamit upang pasabugin ang tatlong lugar sa U.S.

Dalawang eroplano ang nag-crash sa World Trade Center sa New York City, isang eroplano sa The Pentagon sa Washington D.C., at isa sa Shanksville, Pennsylvania.

Ang buong akala raw noon ni Rustom ay katapusan na ng mundo.

"Parang binuhusan ng tubig si Rustom, and biglang pumasok sa kanya na, 'Oh my god. Kung eto ay Armageddon, patay siya.'

"Naniniwala siya because that's his faith. Ang dating sa kanya is end of the world.

Continue reading below ↓

"And ang guilt na pumasok sa kanya, 'Had it been the end of the world, I was caught in the act.'"

Nakakatawa man daw isipin ngayon, pero noon ay malaking test of faith daw iyon kay Rustom.

"Rustom was never the same... Totally kinakain ng guilt," ani BB.

Mula noon ay nakaramdam daw si Rustom ng "baggage" sa relasyon nila ni Jonathan.

THE HEART-TO-HEART TALK

Hanggang sa nagkaroon raw ng taimtim na usapan sina Rustom at Jonathan sa patutungahan ng lihim nilang mga pagkikita.

Ayon kay BB, malinaw kay Rustom na noong panahong iyon ay "second wind" na, o ikalawang pagkakataon, ang naibigay sa kanya upang umalagwa ang kanyang career.

Habang si Jonathan ay noon pa lang nakakakuha ng big break at tila "rocket" daw ang bilis ng pag-angat ng career.

Sa puntong ito ay tinukoy ni BB si Rustom bilang David.

"Eto ang hindi dapat i-misinterpret ng lahat. Jonathan is focused, which David totally understands.

Continue reading below ↓

"In the heat of their conversation, na parang, 'Honestly saan papunta yung ano?'

"Nasabi sa kanya ni Jonathan, 'Wait a minute. Hold on. Relax. Papunta pa lang ako. Ikaw galing na diyan.'"

Hindi raw minasama ni David, aka Rustom, ang sinabi ni Jonathan.

"In fact, he realized na, 'Yes, he has to hold off and relax because, tama, may mga possibilities. Tanggap niya."

Ang siste, mas luminaw kay David na nahulog na nang husto ang loob nito kay Jonathan sa loob ng anim na buwang madalas nilang pagsasama.

Tinapat daw ni David si Jonathan.

"At yun ang sinabi ni David kay Jonathan, 'Gaano ba kita kamahal? Kasi kung pagbabasehan ko ang pagmamahal at kung ano ginagawa sa pagmamahal, bakit parang mas mahal kita kesa ang Diyos?

"'Kasi kung mahal ko ang Diyos, dapat hindi ko ito ginagawa.'

"Those were the words na umuusig sa kanya, 'Kung mahal mo ang Diyos, wala ka sa relasyong ito.'"

Continue reading below ↓

Sa puntong ito nagtapos ang paglalahad ni BB.

Kaya hindi malinaw kung ano ang isinagot ni Jonathan kay David sa tanong tungkol sa patutunguhan ng mas lumalalim nilang ugnayan.

Matalinhagang sabi ni BB: "But this proved, maybe life knows, he may need this emotional connection to open his Pandora's box to finally get into himself or herself.

"Get into the soul. Get into the core through love. At least, yun ang pinanggagalingan. Hinanap ang core through love."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari (left) on how the love of Rustom Padilla (right) for a man put his faith to the test: "Those were the words na umuusig sa kanya, 'Kung mahal mo ang Diyos, wala ka sa relasyong ito.'"
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results