Showbiz History: The EDSA flyover pictorial of Diana Zubiri that brought down a grave-scandal lawsuit

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2020
Eighteen years ago, on October 29, 2002, Diana Zubiri did her infamous bikini photo shoot (right) along EDSA flyover in Mandaluyong City for FHM Philippines. The magazine photo shoot became a national issue after then-Mayor Benjamin Abalos sued Diana and FHM for grave scandal.
PHOTO/S: FHM Philippines

Ang controversial EDSA flyover pictorial ni Diana Zubiri para sa December 2002 edition ng FHM ang balita ng The New York Times noong November 7, 2002.

Si Thomas Crampton ang sumulat ng report tungkol sa kasong isinampa ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr. laban kay Diana at sa FHM staff.

Ito ay dahil sa paglabag sa kanilang kasunduang hindi maaaring mag-pose sa pictorial na two-piece bikini lamang ang suot ng then-aspiring actress.

November 2002 nang ilabas ng The New York Times ang report, pero nangyari ang controversial EDSA Mandaluyong flyover pictorial ng aming alaga na si Diana noong October 29, 2002.

Continue reading below ↓

Bago naganap ang photoshoot, kasama naming nagpunta sa opisina ni Mayor Abalos noong October 28, 2002, araw ng Lunes, ang former FHM editor in chief na si Eric Ramos. Personal kaming humingi ng permiso sa alkalde ng Mandaluyong City na payagan nito ang FHM staff at si Diana na mag-pictorial sa EDSA Mandaluyong flyover.

Ang public information officer ni Abalos at former Journal news reporter na si Odette Galino ang tumulong sa amin para magkaroon ng appointment kay Mayor Abalos.

Originally, sa island sa pagitan ng SM Megamall Building A and B ang planong location ng pictorial.

Pero nanggaling sa photographer na si Xander Angeles ang suggestion na gawin na lamang sa EDSA Mandaluyong flyover ang photoshoot.

Pumayag si Mayor Abalos pero may dalawang kundisyon siyang ibinigay.

Una, kailangang humingi rin kami ng permiso mula sa MMDA dahil jurisdiction nito ang naturang lugar.

Pangalawa, hindi pwedeng pagsuotin si Diana ng two-piece bikini para hindi magkaroon ng scandal, lalo pa’t sakop din ng Mandaluyong City ang Archbishop Palace na hindi kalayuan sa EDSA Mandaluyong flyover.

Continue reading below ↓

THE PICTORIAL

The following day, October 29, Tuesday, saka pa lang kami nakakuha ng permit mula sa MMDA kaya natuloy ang pictorial ng alas-tres ng hapon.

Inimbitahan namin si Mario Dumaual ng TV Patrol para i-cover ang pictorial na sandali lamang tumagal para hindi maabutan ng rush hour.

Naganap ang photoshoot sa right lane ng EDSA Mandaluyong flyover (papuntang Maynila).

Pero walang trapik na nangyari gaya ng mga maling akala, maliban sa mga motorista sa left lane na binagalan lamang ang pagpapatakbo ng kanilang mga sasakyan para makiusyoso.

Red bikini top and shorts—hindi bra at panty, taliwas sa report noon ng mga tabloidang suot ni Diana para sa pictorial bilang pagtugon sa kundisyon na hiningi ni Mayor Abalos.

Pero sa huling sandali, nagdesisyon si Eric na ipahubad kay Diana ang shorts na may nakapaloob na skimpy red bikini.

Continue reading below ↓

Kinagabihan, umere sa TV Patrol ang report ni Mario Dumaual tungkol sa EDSA Mandaluyong flyover.

Napanood ito ni Mayor Abalos at ikinagalit niya ito.

Kinabukasan, October 30, sinampahan ni Abalos ng kasong grave scandal si Diana at ang FHM staff.

Malaking gulo dahil mainit talaga sa isyu si Mayor. Nagpakumbaba at humingi ng tawad sina Diana at ang mga sangkot sa pictorial, kasama na ang pamunuan ng Summit Media, na siyang publisher ng FHM.

Saka lang nagpasya si Abalos na iurong noong Enero 2003 ang demanda niya.

Labingwalong taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente.

Seventeen years old noon si Diana.

Pumayag siyang gawin ang pictorial basta ibili lamang siya ng Nokia 7650, ang bagong labas na model ng cellphone na may camera noong October 2002. Hiram lang kasi ang Nokia 8210 na kanyang ginagamit noon dahil can't afford pa siyang bumili.

Pagkatapos ng pictorial, sinamahan namin siya para bilhin ang latest model ng cellphone na gustung-gusto niya.

Continue reading below ↓

As expected, sold out ang FHM. At dahil sa ingay at kontrobersiyang nilikha ng photoshoot sa EDSA Mandaluyong flyover, nag-reprint pa ang FHM December 2002 edition.

Ito rin ang naging daan para ituring si Diana na FHM icon.

Pero hindi inilabas ng FHM ang litrato ni Diana na nakasuot ng two-piece red bikini para hindi na madagdagan ang galit ni Abalos.

"Binihisan" si Diana ng FHM staff dahil biglang naging shorts na ang skimpy bikini na gamit niya sa pictorial.

Continue reading below ↓

Ang December 2002 edition ng FHM ang unang cover pictorial ni Diana at nasundan pa ito ng maraming beses.

Kung binihisan si Diana sa December 2008 issue ng FHM para hindi na lumala ang kontrobersya, kabaligtaran naman ang nangyari sa photo shoot niya para sa July 2008 edition ng magazine dahil “hinubaran” naman siya ng FHM.

Sa pictorial na nangyari sa bahay ng photographer na si Doc Marlon Pecjo sa Ayala Hillside Estates, Quezon City, skin tone ang kulay ng two-piece bikini na suot ni Diana.

Sa tulong ng modern technology, binura na lamang ang kasuotan niya para magmistulang hubad siya sa larawang ginamit sa cover.

Continue reading below ↓

AFTER EIGHTEEN YEARS....

Eighteen years ago, dahil na rin sa kabataan niya, walang naramdamang takot si Diana nang idemanda siya ni Mayor Abalos.

Hanggang ngayon, hindi pa sila nagkikita nang personal, taliwas sa fake news noon na gimmick lamang nila ang flyover scandal para mapag-usapan.

Eighteen years later, happily married na si Diana kay Andy Smith at maligaya sila sa piling ng kanilang tatlong anak.

Walang nararamdamang pagsisisi si Diana sa kanyang flyover pictorial para sa FHM.

Bukod sa nagkaroon siya noon ng latest model na cellphone, malaki ang naitulong ng insidente kaya nagkaroon siya ng pictorial para sa FHM Thailand, Singapore, at Indonesia.

Ginamit din ng FHM USA ang mga litrato niya mula sa FHM Philippines.

Continue reading below ↓

Hinding-hindi rin malilimutan ni Diana ang Seiko Films producer na si Robbie Tan na nagbigay sa kanya ng malaking break sa pelikula. Tumatayong pangalawang ama ang movie producer dahil ninong pa nila ito ni Andy nang ikasal sila noong May 10, 2015.

Trivia: Hindi original concept ang hitchhiker pose ni Diana sa EDSA Mandaluyong flyover. Offshoot lamang ito ng pictorial ni Aubrey Miles para sa 2003 calendar ng FHM.

Sina Aubrey (representing Regal Films), Maui Taylor (representing Viva Films), at Diana (representing Seiko Films) ang calendar girls ng FHM noong 2002.

Continue reading below ↓

Nangyari sa Tagbilaran Bohol ang kanilang photo shoot mula September 15 hanggang September 19.

May hitchhiker pose si Aubrey na kinunan sa magubat na lugar ng Tagbilaran, pero hindi ginamit sa kalendaryo ang pictorial niya dahil masyado itong revealing sa panlasa ng kanyang dating manager na si Dondon Monteverde.

Nang makipag-meeting ang editor ng FHM sa amin sa isang restaurant sa Megamall para sa December 2002 cover pictorial ng magasin, ang unpublished picture ni Aubrey ang aming suggestion na maging re-enactment ni Diana pero sa jungle city.

And the rest is history.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eighteen years ago, on October 29, 2002, Diana Zubiri did her infamous bikini photo shoot (right) along EDSA flyover in Mandaluyong City for FHM Philippines. The magazine photo shoot became a national issue after then-Mayor Benjamin Abalos sued Diana and FHM for grave scandal.
PHOTO/S: FHM Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results