Julia Barretto fondly recalls being fined P10,000 by Mr. M for drinking champagne at Star Magic Ball

by Bernie V. Franco
Oct 5, 2020
Julia Barretto on Johnny Manahan: "I’m so, so, so, so thankful to have been part of Star Magic and to have had you as a father."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram / ABS-CBN Entertainment

Ang pinakatumatak daw na alaala kay Julia Barretto tungkol kay Mr. M ay nang pagmultahin siya nito ng PHP10,000.

Uminom daw kasi ng alcoholic drink ang aktres sa isang annual party kahit siya ay menor de edad pa.

Si Mr. M o Johnny Manahan ang founder at chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na dating kinabibilangan ni Julia.

Lumalabas sa halimbawa ni Julia na hindi kinukunsinti ni Mr. M ang hindi magagandang gawain ng talents ng Star Magic.

Ikinuwento ni Julia ang most memorable experience niya kay Mr. M sa virtual golden anniversary celebration ng star marker noong Sabado, October 3.

Gaya ng iba pang artista, natanong si Julia tungkol sa kanyang unforgettable moment kay Mr. M.

Pagbabalik-tanaw niya, “Andami kong masi-share na moments, but siguro ang pinakatumatak talaga sa akin is, may isang Star Magic Ball…

“And siyempre, ang pwede lang uminom ay eighteen [years old] and above.

Continue reading below ↓

“Pero nung mga panahong iyon, seventeen pa lang ako at uminom ako ng champagne.

“And then, nung ASAP the next weekend, na-fine ako, PHP10,000, underage.

“Iyan ang pinaka-memorable moment ko with Mr. M, nung siningil niya ako ng PHP10,000 as fine [for drinking] at seventeen.”

Ang tinutukoy ni Julia ay ang Star Magic Ball na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel noong September 2014.

Napabilang si Julia sa Star Magic Batch 2013, kasama sina Liza Soberano, Janella Salvador, Jerome Ponce, Jane Oineza, Alex Diaz, at Khalil Ramos.

Nito lamang September 30, 2020 ay pumirma ng kontrata si Julia sa Viva Artists Agency, matapos iwanan ang Star Magic.

JULIA’S MESSAGE FOR MR. M

Sa 50th anniversary celebration ni Mr. M ay hiningan ng mensahe ang maraming Star Magic talents.

Lubos-lubos ang pasasalamat ni Julia kay Mr. M, na itinutiring din niyang father figure.

“Kay Mr. M, and I would also like to mention Tita Mariole,” pagtukoy niya sa Star Magic head na si Mariole Alberto.

Continue reading below ↓

“So, sobra, sobra, sobra, sobra, sobra, sobra daming pasasalamat sa kanilang dalawa ni Mr. M.

“Gusto kong magpasalamat sa lahat… for taking me in, for just instilling all the values that I have in me now, with me now… that I will take with me as I grow older.

"And I’m so, so, so, so thankful to have been part of Star Magic and to have had you as a father."

Malaking bahagi raw ng tagumpay ni Julia sa showbiz ay dahil sa Star Magic at kay Mr. M.

“I think I will never be able to thank you enough just for absolutely everything. For making my dreams come true, for believing in me, and just looking after all of us, and treating us like your own.

“I can’t imagine Star Magic without you as our dad.

“So, thank you, thank you so much for everything and I will never forget everything.”

Continue reading below ↓

JULIA’S TRANSFER TO VIVA ARTISTS AGENCY

Sa isang statement, nagpaliwanag si Julia kung bakit nagdesisyon siyang iwan ang Star Magic at lumipat sa ibang talent management group.

May kinalaman daw ito sa pagbibitiw ni Mariole bilang head ng Star Magic sa susunod na taon.

Hanggang December 31, 2020 na lamang si Mariole bilang head ng Star Magic.

Papalitan siya ni Laurenti Dyogi, kasalukuyang TV Production head ng Kapamilya Network, simula sa Januaty 1, 2021.

"With the announcement of Miss Mariole’s retirement, I just felt like it was going to be a good opportunity for me to really explore all my other options and see other opportunities,” sabi ni Julia.

Samantala, napaulat na magkakaroon ng malaking papel si Mr. M sa mga nilulutong bagong programa sa TV5.

Isa na rito ang pagiging direktor niya ng upcoming Sunday variety show na Sunday Ultimate Party (SUP).

Tatampukan ito ng Star Magic talents gaya nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito. Kasama rin nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Continue reading below ↓

Makakatapat ng SUP ang ASAP Natin ‘To, ang musical-variety show ng ABS-CBN na idinirek ni Mr. M. sa loob ng maraming taon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on Johnny Manahan: "I’m so, so, so, so thankful to have been part of Star Magic and to have had you as a father."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram / ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results