Caridad Sanchez’s son refutes sister’s claim about veteran actress: “Wala siyang dementia.”

by Jet Hitosis
Oct 6, 2020
Alexander Joseph Babao (left) and Cathy Babao (right) are the children of veteran actress Caridad Sanchez (middle) with late husband Vicente Babao.
PHOTO/S: @josef_aleksandr on Instagram, Cathy Babao on Facebook

Hindi totoong may dementia ang veteran actress na si Caridad Sanchez.

Ito ang iginiit nitong Lunes, October 5, ni Alexander Joseph “AJ” Babao, bunsong anak ng 87-year-old actress.

Pinabulaanan ni AJ ang sinabi ng nakatatanda at kaisa-isang kapatid na si Catherine “Cathy” Babao na dumaranas ng dementia ang kanilang ina.

Sina Cathy at AJ ay mga anak ni Caridad sa yumaong asawang si Vicente Babao.

Isang grief counselor at mental health advocate si Cathy habang businessman naman si AJ.

Si AJ ang kasa-kasama ni Caridad sa bahay ng huli sa Quezon City.

Ilang taon nang retirado sa showbiz si Caridad, na huling napanood sa GMA-7 drama series na One True Love noong 2012.

Matagal nang walang balita ang publiko tungkol sa kanya.

Kaya naman marami ang nagulat sa latest update tungkol sa beteranang aktres nitong Biyernes, October 2.

CATHY REVEALS CARIDAD’S DEMENTIA

Sa exclusive interview ng ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual nitong Biyernes, ibinalita ni Cathy na may dementia si Caridad.

Continue reading below ↓

“It’s a long goodbye,” paglalarawan ni Cathy sa sakit ng ina.

“Over time, you slowly lose the person. You just prepare for it.”

Una nang nabanggit ni Cathy ang tungkol sa dementia ng aktres sa dalawa niyang Facebook posts noong nakaraang buwan.

Sa nasabing mga posts, idinetalye ni Cathy ang kanyang nararamdaman sa unti-unti raw na panlalabo ng memorya ng ina.

Sa interview, sinabi ni Cathy na pinili niyang magsalita tungkol sa kondisyong medikal ni Caridad upang makatulong sa ibang pamilyang pareho ang pinagdadaanan.

“Why keep it a secret? Hindi naman nakakahiya if we can help others with their journey,” dahilan ni Cathy sa paglalantad niya tungkol sa kondisyon ng ina.

“I believe my mom will be happy, too, knowing she was somehow able to help,” dagdag niya.

Inulit ni Cathy ang paliwanag niyang ito sa isang Facebook post nitong Sabado, October 3.

Continue reading below ↓

SISTER’S STATEMENT “SHOCKED” AJ

Pero paglilinaw ni AJ, hindi totoong may dementia ang kanilang ina.

Binigyang-diin ito ni AJ sa kanyang official statement sa ABS-CBN News nitong Linggo ng gabi, October 4.

“Shocked” daw si AJ sa naging pahayag ni Cathy tungkol sa kondisyong medikal ng kanilang ina.

Ito ay dahil “[it] was done without permission, violating the privacy, legacy and honor of my Mother.”

Ipinost din ni AJ ang parehong pahayag sa kanyang Instagram account nitong Lunes.

Continue reading below ↓

Lunes ng hapon, eksklusibong idinetalye ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkontra niya sa sinabi ng nakatatandang kapatid.

“Wala siyang dementia,” paglilinaw ni AJ tungkol sa medical condition ni Caridad.

“Ang meron lang siya is mild cognitive impairment, which is due to aging.”

Paliwanag ni AJ: “She’s only cognitive impaired. Siyempre, malilimutin, or hindi makaalala ng certain things na more on the short-term memory.

“Her long-term memory is okay. It’s not dementia.”

MILD COGNITIVE IMPAIRMENT AND DEMENTIA

Ayon sa healthline.com, ang mild cognitive impairment (MCI) ay ang bahagyang panlalabo ng memorya o ng kakayahang mag-isip nang malinaw.

Ang kondisyong ito ng short-term memory loss ay dulot ng pagtanda.

Mababasa sa definition ng nabanggit na top health website na magkaiba ang MCI at dementia.

“Doctors don’t consider MCI a form of dementia because it’s not severe enough to interfere with your daily routine or with your ability to function independently,” ayon pa rin sa healthline.com.

Continue reading below ↓

Ang dementia ay “decline in cognitive function” na nakaaapekto sa memorya, pag-iisip, pagsasalita, pagpapasya, at pag-uugali.

Nakasaad sa artikulo sa website na bagamat kabilang ang mild cognitive impairment sa mga paunang sintomas ng dementia, hindi ito awtomatikong nauuwi sa dementia.

Pangunahing sintomas ng dementia ang unti-unti pero kapansin-pansing pag-iiba ng ugali at ang kawalan ng gana ng pasyente sa mga aktibidad na dati nitong ginagawa.

HOT STORIES

CARIDAD LOVES MALLING, DOES MUAY THAI TRAINING

Wala raw ipinakikitang ganito si Caridad, ayon kay AJ.

Gustung-gusto pa rin daw ng beteranang aktres ang maglakad-lakad at mamasyal, lalo na ngayong manaka-naka ay nakakalabas na ito ng bahay kasama ang isang aide.

Paboritong pasyalan daw ng ina ang Greenhills Shopping Center sa San Juan City.

Ibinahagi ni AJ sa PEP.ph ang litrato ni Caridad habang namamasyal sa Greenhills noong huling linggo ng May 2020.

Continue reading below ↓

Dati raw, kuwento ni AJ, bago nagpatupad ng enforced quarantine ay nakakarating pa si Caridad sa SM Mall of Asia sa Pasay City sa pamamasyal.

Paborito raw talaga nito ang maglakad-lakad sa loob ng mall.

“She wants to walk around kasi,” ani AJ.

Nang ma-lockdown sa nakalipas na mga buwan, gardening naman ang pinagkaabalahan ng aktres, ayon kay AJ.

Bukod dito, may Muay Thai training din si Caridad.

Nitong Lunes, ipinost ni AJ sa Instagram ang video kung saan makikitang may Muay Thai trainer ang retired actress.

Continue reading below ↓

AJ: “PARANG DINISRESPETO NANAY KO”

Kaya naniniwala si AJ na “unfair” ang pagsasapubliko ni Cathy tungkol sa kondisyong medikal ng kanilang ina.

Wala na nga raw paalam sa kanilang pamilya ang kapatid, wala pa umanong basehan ang sinabi nito.

“For her to make those claims, it’s really unfair. Kasi parang dinisrespeto nanay ko,” sabi ni AJ sa ginawa ni Cathy.

“Bakit niya ni-reveal na ganun? Ano ang basis niya? Wala naman po siyang basis.”

Katwiran ni AJ, anuman ang medical condition ng kanilang ina, protektado ng batas ang privacy ng mga pasyente, kaya maling isapubliko ito.

Bagamat anak ni Caridad si Cathy, dapat daw ay nagpaalam man lang sa kanila ang kapatid tungkol sa “pagbubulatlat” nito sa kalagayan ng ina.

“The [medical] records cannot be made public unless may permiso.

“Ang sister ko, hindi naman nag-ask ng permiso 'yan. Walang paalam po kasi. 'Yan yung masama.

“Hindi po dapat nire-reveal 'yan sa public," ani AJ.

Continue reading below ↓

CARIDAD WAS “GALIT… FRUSTRATED”

Ayon kay AJ, kahit sa kanilang ina mismo ay hindi ipinaalam ni Cathy na isasapubliko nito ang kalagayan ng aktres.

Ano ang reaksiyon ni Caridad?

“Galit siyempre,” sagot ni AJ. “Nagalit ang mom ko. Frustrated…”

Clueless daw si AJ kung ano ang motibo ng kapatid sa ginawa nito.

“Bakit ganun? Why would she [Cathy] do this? Hindi ko talaga alam bakit niya ginawa.”

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Cathy na nasisiguro niyang ikatutuwa ng ina na makakatulong sa iba ang kuwento ng sarili nitong journey sa pagkakaroon ng dementia.

Tila magkataliwas ang pagkakakilala ng magkapatid sa kanilang ina.

Kung sa opinyon ni Cathy ay masisiyahan si Caridad na ibahagi sa publiko ang kuwento nito, para kay AJ "my mom will never allow that."

Sabi ni AJ: “My mom will never allow that. She’s not that type of person.

“I know my mom very well. My mom is really a very, very private person.”

Continue reading below ↓

AJ TO CATHY: “BAKIT MO GINAWA ITO?”

Aminado si AJ na masama ang loob niya kay Cathy. Ayon sa kanya, masama rin ang loob ng kanilang pamilya sa nakatatandang kapatid.

Ikinabigla raw ng mga kamag-anak nila sa Cebu ang sinabi ni Cathy na may dementia ang retired actress.

Kuwento ni AJ: “Lahat ng relatives namin sa Cebu nag-react. Shocked sila.

“[Sabi raw nila kay AJ] ‘Teka muna, kakakausap ko lang sa nanay mo, ah, bakit ganun?’”

Patungkol kay Cathy ang sumunod na sinabi ni AJ: “Yun ang ikinakasakit ng kalooban naming lahat, ‘Bakit mo ginawa ito?’ Bakit minedia pa?”

Katwiran ni AJ, “private citizen” na si Caridad; ilang taon nang retirado, nananahimik, at masaya na ito sa buhay sa labas ng showbiz.

Sana raw ay hindi na ibinunyag pa ni Cathy ang anumang kalagayan ngayon ng kanilang ina dahil matagal na rin namang hindi ito parte ng entertainment industry.

Kung may gusto man daw malaman ang publiko tungkol sa retired actress, dapat daw na kay AJ manggaling iyon dahil nasa pamamahay niya ang ina.

Continue reading below ↓

“Retired naman na siya,” sabi ni AJ tungkol sa ina.

“If the people want to know [something about her], ako po yung dapat tanungin, kasi ako po yung nag-aalaga talaga sa kanya.”

AJ MULLING LEGAL MOVES “IN DEFENSE OF MY MOTHER”

Sa kabila ng mga nangyari, wala raw balak si AJ na kumprontahin ang kapatid.

“Bahala na ang Diyos sa kanya. I just let her be. Pero para sa akin, mali. Mali talaga.

“Yun lang ang ikinaiinis ko, nasira ang reputation ng mom ko.”

Aminado naman si AJ na kinokonsidera niyang ikonsulta sa abogado kung ano ang maaaring maging hakbang niyang legal para sa ina.

“Kung idadaan ko 'yan sa law, I will do it, because it’s too much. Probably I will do it. In defense of my mother.

“I’m thinking about it. Mukhang dun yata ako pupunta para mabigyan ng justice yung nanay ko,” pagtatapos ni AJ.

CATHY: “DENIAL IS ONLY TO THE DETRIMENT OF THE PERSON WITH DEMENTIA”

Sa pamamagitan ng private message sa Facebook, hiningan ng PEP.ph ng komento si Cathy tungkol sa official statement ni AJ.

Continue reading below ↓

Hindi tumugon si Cathy, at sa halip ay nag-post sa Facebook ng pahayag niya tungkol sa sinabi ng nakababatang kapatid.

Nanindigan si Cathy na may dementia si Caridad.

Ayon kay Cathy, wala siyang intensiyong sirain ang reputasyon ng respetadong aktres nang magdesisyon itong ibahagi sa publiko ang kuwento ng kanilang pamilya.

Post ni Cathy: “It was never my intention to disrespect or disparage my mother’s image when I started to write about her dementia on social media.

“It took me a very long time to decide whether or not I would share our family’s story.”

Sinabi ni Cathy na may dalawang dahilan siya sa pagsasapubliko sa kondisyong medikal ni Caridad.

Una, binigyang-diin ni Cathy na hindi dapat ikinakahiya ang pagkakaroon ng kamag-anak na may dementia, isang kondisyong inilarawan niya bilang “highly misunderstood and sometimes even maligned.”

Pangalawa, inulit ni Cathy ang sinabi niya sa ABS-CBN interview na gusto niyang makatulong para maunawaan ng publiko ang dementia.

Continue reading below ↓

Cathy and mom Caridad

Sa kanyang post, binanggit ni Cathy ang tungkol sa hindi pagtanggap ng ilang family members sa pagkakaroon ng dementia ng kanilang kamag-anak.

Ito raw ang dahilan kaya nagkakaroon ng "discord and misunderstanding" sa pamilya.

Sabi ni Cathy: “In families where there is no total acceptance, where family members are not on the same page, discord and misunderstanding are most likely to occur.

Continue reading below ↓

“Denial is only to the detriment of the person with dementia.”

Nilinaw rin ni Cathy na bagamat totoong malakas pa ang pisikal na pangangatawan ni Caridad, “it is the dementia that is affecting her memory.”

Kasabay ng pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng malasakit at pagmamahal sa kanyang ina, nagpahayag si Cathy ng kagustuhang tuldukan na ang issue.

Sinabi ni Cathy na ang kanyang Facebook post na iyon ay gusto sana niyang huling pagsasalita na niya tungkol sa kondisyong medikal ng ina.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexander Joseph Babao (left) and Cathy Babao (right) are the children of veteran actress Caridad Sanchez (middle) with late husband Vicente Babao.
PHOTO/S: @josef_aleksandr on Instagram, Cathy Babao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results