Bela Padilla confirms relationship with foreigner boyfriend via Instagram post

by Rachelle Siazon
Oct 6, 2020
Kapamilya actress Bela Padilla posts sweet photos of her and foreigner boyfriend taken at Rose Valley, a famous tourist destination in Cappadocia, Turkey.
PHOTO/S: @bela Instagram

Sa wakas ay ipinakilala ni Bela Padilla ang foreigner boyfriend niya na nagngangalang Norman Ben Bay.

Ito ay ilang araw matapos kumalat sa social media ang kuha ni Bela na nagbabakasyon sa Turkey kasama ng hinihinalang nobyo niya.

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, October 6, inanunsiyo ni Bela na nakilala niya si Norman sa St. Gallen, Switzerland.

"The one I met in St. Gallen," saad sa caption ng 29-year-old Kapamilya actress.

Sinamahan pa niya ito ng emoji na napapakit upang ipahiwatig ang kanyang kilig.

Posibleng habang nagsu-shooting si Bela ng 2018 movie na Meet Me In St. Gallen, kung saan katambal niya si Carlo Aquino, nakilala ng aktres si Norman.

Kuha ang litrato nina Bela at Ben sa Rose Valley, isang sikat na tourist destination sa Cappadocia, Turkey.

Nag-toast sila ng hawak nilang wine glass habang tanaw sa kanilang background ang napakagandang sunset view.

May isa pang litrato ang couple kunsaan masuyong hinawakan ni Ben sa noo si Bela habang nakatitig sa dalaga.

Continue reading below ↓

SINGLE FOR ALMOST FOUR YEARS

Ito ang unang pagkakataong nagpakilala si Bela ng bagong pag-ibig sa loob ng halos apat na taon niyang pagiging single.

Huling nakarelasyon ni Bela ay si Neil Arce.

January 2017 nang ihayag ni Bela na nakipaghiwalay siya kay Neil matapos ang apat na taong relasyon.

Continue reading below ↓

Ikakasal na si Neil sa aktres ding si Angel Locsin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Bela Padilla posts sweet photos of her and foreigner boyfriend taken at Rose Valley, a famous tourist destination in Cappadocia, Turkey.
PHOTO/S: @bela Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results