Angelica Panganiban reveals falling in love with a committed guy in the past

by Bernie V. Franco
Oct 6, 2020
Actress Angelica Panganiban reveals she once fell in love with a committed guy. "Mahirap ikwento, e. Masyadong personal."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Inamin ni Angelica Panganiban, 33, na na-in love siya noon sa isang lalaking committed na.

Isa ito sa personal na kuwentong ibinahagi ni Angelica sa kanyang online show na Ask Angelica noong Biyernes, October 2.

Dito ay sinasagot ng ABS-CBN actress ang mga tanong ng netizens.

Sumagot ang aktres sa tanong kung na-attach ba siya noon sa isang committed guy.

Sabi ni Angelica, hindi lang siya na-attach, kundi na-in love siya sa lalaking may karelasyon. Nahulog din daw ang loob ng lalaki sa kanya.

“Di ko alam kung aamin ako o hindi, e,” may agam-agam na bungad ni Angelica.

Pero pag-amin niya, “Na-in love ako. Na-in love kami sa isa’t isa habang in a relationship kami. Pareho.”

Sa kabila nito, hindi raw nagpadala si Angelica at ang lalaki sa kanilang mga damdamin. Pareho raw nilang alam na mali iyon dahil may kanya-kanya nga silang karelasyon.

“So, dumistansiya naman. Hindi naman yung… alam… mahirap, mahirap ikuwento, e. Masyadong personal,” pakli ng aktres.

Continue reading below ↓

“Pero, ‘tsaka past na iyon, e. Kaya lang, siguro nung nangyari iyon, dumistansiya kami sa isa’t isa talaga. Kasi hindi pwede, e.

“Kahit na boyfriend-girlfriend pa lang, alam mong may mali na.”

ANGELICA ACCUSED OF BEING A THIRD PARTY

Sinagot din ni Angelica ang tanong kung nakatanggap na ba siya ng hate messages dahil pinagselosan siya.

Kuwento ni Angelica, pinagselosan daw siya dati ng girlfriend ng kaibigang lalaki ng aktres. Pinagsuspetsahan daw ng babae na may relasyon ang boyfriend nito at si Angelica.

“Napag-awayan na ako ng ano, pero pag alam mo naman kasi yung totoo, na wala kang tinatago, di ba?

“Yung malinis ang konsensiya mo, hindi yun magma-matter dapat sa iyo,” sabi niya.

Aminado si Angelica na malapit siya sa kanyang mga katropa, mapa-lalaki man ang mga ito. Kaya binigyan daw ng kulay ng babae ang pagiging close ng boyfriend nito sa kanya.

“Sa experience ko, malapit ako sa guy friends ko. Then, may isang beses na pinag-initan ako ng girlfriend ng isa kong kaibigan dahil di lang daw kami magkaibigan.

Continue reading below ↓

“More than friends daw kami. 'Tapos parang ako…

“Ninakawan pa ako ng cellphone nun, a. Para lang tingnan yung messages namin. Totoo ito.”

Ipinaliwanag ni Angelica kung paano niya nalamang kinuha ng selosang girlfriend ang kanyang cellphone.

Nang mabawi raw ni Angelica ang nawawalang cellphone, lumabas daw ang information ng babae nang mai-set up ng aktres ang kanyang mobile phone.

“Di ba, yung mga iPhone, pagka kinonek mo ulit… di ba, nawala?

"So, connect mo, ‘tapos nung sine-set up ko siya, yung pangalan nung babae yung lumabas na bagong pangalan ng ID ko.”

Umabot pa raw sa puntong nag-eskandalo na ang babae. Hindi na lang pinatulan ni Angelica dahil alam niyang wala katotohanan ang paratang sa kanya.

“Di ko na lang din pinalaki. As in sinisigaw niya sa bar yung pangalan naming magkaibigan. Nababalitaan ko na lang.

“Pero wala, kung alam mo yung totoo... Siyempre, maiinis ka, di ba?”

Sa tanong kung kinumpronta ba niya ang babae, sabi ni Angelica, "Hindi na. Alam niyo, kahit matapang akong tao, hindi ako confrontational.

Continue reading below ↓

“So, yun lang 'yan, choose your battles.”

ANGELICA’S PAST BOYFRIENDS

Apat na taon nang single si Angelica.

Ang una niyang boyfriend ay ang kapwa dating child star na si Carlo Aquino. Naging magkarelasyon sila noong teenagers sila.

Nagtagal ng six years ang relasyon nila.

Anim na taon din ang itinagal ng relasyon ni Angelica kay Derek Ramsay. Naghiwalay sila noong 2012.

Ang huling nakarelasyon ng aktres ay si John Lloyd Cruz. Nag-break sila noong 2016, matapos ang apat na taong pagsasama.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban reveals she once fell in love with a committed guy. "Mahirap ikwento, e. Masyadong personal."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results