Who is Cathy Sanchez-Babao?

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2020
Cathy Sanchez-Babao on going public about mom Caridad Sanchez's dementia: "A wise friend who had been on a similar journey told me this: 'I suggest you write it, still. Your Mom’s a well-respected figure. No one will mock her for her dementia, your revelation about her going through it is sure to benefit more people.'"
PHOTO/S: Facebook

Ang magkasalungat na pahayag ng magkapatid na Cathy at AJ Babao tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang ina—ang respected veteran actress na si Caridad Sanchez—ang pahiwatig na tila may malalim na hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Si Cathy ang panganay at si AJ ang bunso sa dalawang anak ni Caridad at ng pumanaw na asawa nitong si Vicente Babao.

Pitong taon ang agwat ng mga edad nina Cathy, 56, at AJ, 49.

Nasa “spotlight” ngayon ang magkapatid dahil sa kanilang magkaibang kuwento tungkol sa sitwasyon ng kanilang 87 anyos na ina.


Continue reading below ↓

Ipinagtapat ni Cathy na may dementia si Caridad kaya hindi na ito aktibo sa pag-arte.

Nagpasya si Cathy na isapubliko ang sakit ng ina para higit daw maunawaan ng mga tao ang karamdamang madalas ipinagwawalang-bahala dahil sa maling akalang bahagi ng pagtanda ang pagiging ulyanin o makalilimutin.

"I held back about writing about her condition because of who she is.

"But just like how it is with mental health conditions, we add to the stigma if we don’t write or speak up about it.

"A wise friend who had been on a similar journey told me this: 'I suggest you write it, still. Your Mom’s a well-respected figure. No one will mock her for her dementia, your revelation about her going through it is sure to benefit more people,'" ang paliwanag ni Cathy tungkol sa pasya niyang ipaalam sa publiko ang kundisyon ng kanyang ina.


Continue reading below ↓

Pero hindi ito nagustuhan at kinontra ni AJ.

Sa panayam ng PEP.ph kay AJ noong October 4, itinanggi niyang may sakit na dementia ang nanay nila ni Cathy.

Pinaratangan ni AJ ang kapatid ng paglabag sa privacy, honor, at legacy ni Caridad.

Paglilinaw pa nito, mild cognitive impairment lamang na resulta ng katandaan ang nararanasan ng kanilang ina.

Ayon kay AJ, ikinadismaya niya ang kawalan ng respeto ni Cathy sa nanay nila kaya may posibilidad na kumonsulta siya sa abogado para sa hakbang na gagawin.

At ayon pa rin kay AJ, ikinagalit din ng ina nila ang ginawa ni Cathy.

CARIDAD SANCHEZ'S ACCOMPLISHED DAUGHTER

Sino si Cathy Sanchez-Babao?

Hindi man siya naging artista tulad ni Caridad, naging bahagi si Cathy ng industriya dahil naglingkod siya bilang board member ng Movie and Television Review and Classfication Board (MTRCB) mula 2011 hanggang 2013.

Graduate si Cathy ng Bachelor of Science in Business Management sa Ateneo de Manila University noong March 1986.

Continue reading below ↓

Noong March 2012, nagtapos siya ng Master of Arts in Family Psychology and Education sa Miriam College.

Sa kasalukuyan, isang columnist, freelance communications professional, at grief educator and coach si Cathy.

May labinlimang taon din siyang karanasan bilang corporate communications executive, kadalasan sa mga pharmaceutical companies.


Naging Communications Manager siya ng pharmaceutical company na Merck Sharp and Dohme (MSD) mula January 2015 hanggang March 2016.

Continue reading below ↓

Bilang suporta sa pamahalaan, konsepto niya ang media campaign para sa cervical cancer vaccine sa pamamagitan ng isang special sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya, na nakatulong para magkaroon ng nationwide awareness tungkol sa cervical cancer.

Malaki rin ang kinalaman ni Cathy sa radio segment buy na Radyo Bakuna, ang community-based campaign ng Department of Health para sa cervical cancer vaccination ng mga batang babaeng may edad na siyam at sampu.

Bukod sa concept ni Cathy, siya ang supervisor ng media campaigns ng Radyo Bakuna.

Nagtrabaho rin siya bilang communications manager sa consumer department ng Asia Pacific Johnson & Johnson, mula March 2014 - December 2014.

Ang Johnson & Johnson ay isang American multinational corporation na itinatag noong1886, na nagde-develop ng medical devices, pharmaceutical at consumer-packaged goods.

Dito ay nanalo siya ng James Burke Award, Diversity category, para sa Indie Film Project, at Leadership Award mula sa J&J Philippines.

Continue reading below ↓

Communications manager naman sa multinational pharmaceutical company na Glaxo Smith Kline (GSK) ang posisyon niya noong July 2013 - March 2014.

Sa ika-walong buwan ng paglilingkod niya sa GSK, tumanggap si Cathy ng special citation para sa exemplary leadership sa rehabilitation and outreach activities noong sinalanta ng Typhoon Yolanda ang bansa.

Dating communications consultant din si Cathy ng Janssen Pharmaceuticals, mula February 2011- March 2013.

Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Innovation Fund grant (US$ 200,000) noong Setyembre 2012 para sa isang special project na nakatulong sa public awareness tungkol sa mental health at mental illness sa Pilipinas.

Napanalunan ni Cathy ang kanyang pangalawang Innovation Fund Grant (US$95,000) noong February 2013 para sa Prostate Cancer Advocacy.

Naglingkod din si Cathy bilang communications consultant ng The Medical City (2010–2011); chief correspondence ng Non-immigrant Visa, American Embassy Manila (March 2006–April 2007); editor in chief, CMP Medica (November 2004–February 2006), na pinarangalang Child Friendly magazine for 2005 ng United Nations’s Children’s Fund; at editor in-chief ng Mega Magazine (March 2003–November 2004).

Continue reading below ↓

Tumanggap si Cathy ng Harvard University/Nieman Foundation Scholarship para sa isang Narrative Journalism workshop noong 2004.

Sa taon ding iyon, kasama siya sa mga pinarangalan na Outstanding Women in the Nation Service for Women and Children’s Health at Reader’s Digest Everyday Hero Award for Community Service.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cathy Sanchez-Babao on going public about mom Caridad Sanchez's dementia: "A wise friend who had been on a similar journey told me this: 'I suggest you write it, still. Your Mom’s a well-respected figure. No one will mock her for her dementia, your revelation about her going through it is sure to benefit more people.'"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results