Dawn Chang, Rhap Salazar support Janine Berdin’s transformation: “Her body, her choice.”

by Bernie V. Franco
Oct 8, 2020
Dawn Chang (left) and Rhap Salazar (right) defend Tawag Ng Tanghalan Season 2 grand winner Janine Berdin (center) after her makeover transformation drew mixed reactions from netizens.
PHOTO/S: @thedawnchang, @ml_salon_and_spa, and @rhapsalazar on Instagram

To the rescue ang mga kaibigan ni Janine Berdin, 18, kasunod ng mga pumupuna sa transformation ng singer.

Si Janine ay kilalang grand winner ng "Tawag ng Tanghalan" Season 2, ang singing contest sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Magkahalo ang komentong natanggap ni Janine nang makita ng publiko ang bago niyang itsura. Nag-trending pa nga si Janine nitong Martes, October 6.

Marami ang pumuri sa makeover ni Janine, subalit may ibang pinuna siya at inakusahan siyang sumailalim umano sa cosmetic surgery.

RHAP AND DAWN TO THE RESCUE

Matapang namang nagpahayag ng suporta ang mga kaibigan ni Janine na sina Dawn Chang at Rhap Salazar.

Nag-tweet si Rhap at sinabing karapatan ni Janine kung anuman ang gusto niyang gawin sa kanyang katawan.

Sabi ni Rhap: “Janine is beautiful. Her body, her choice. Periodt."

Continue reading below ↓

Sumagot din si Dawn sa netizen na bumatikos kay Janine.

Sermon ng netizen, huwag daw magpayo si Janine sa iba na mahalin ang sarili. Pinatunayan daw kasi ni Janine na hindi nito mahal ang sarili sa pagpapabago ng itsura nito.

Banat ni Dawn sa netizen, huwag itong makialam sa iba kung paano nila gustong alagaan ang kanilang mga sarili.

Sabi ni Dawn, “Let people look after themselves however they want and not the way you think they should.”

Mensahe naman ni Dawn kay Janine: “Ang ganda mo Janine at mabait pa. Support kita all the way. Lamo yan.”

Continue reading below ↓

Sina Janine at Dawn ay naging co-hosts sa Showtime Online, ang online program ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Sa pahayag na ipinadala ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi niya tahasang sinagot ang akusasyon na siya ay sumailalim sa cosmetic surgery.

Pero makahulugan niyang pahayag, huwag matakot sa pagbabago lalo pa’t ikabubuti ito ng tao.

“If you truly love yourself, you’ll take time and effort to be better.

"Let’s not be afraid to change ourselves for the better po.

"And let’s also not condemn change, kasi wala namang nagagawang mali," bahagi ng pahayag ng "Tawag ng Tanghalan" Season 2 grand winner.

Samantala, nagpahayag din ng suporta kay Janine ang mga kapwa niya artista, kagaya nina Luke Conde, Jackie “Ate Girl” Gonzaga, Ana Ramsey, na mga pawang kasamahan ni Janine sa It’s Showtime, gayundin si Sherilyn Reyes.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang (left) and Rhap Salazar (right) defend Tawag Ng Tanghalan Season 2 grand winner Janine Berdin (center) after her makeover transformation drew mixed reactions from netizens.
PHOTO/S: @thedawnchang, @ml_salon_and_spa, and @rhapsalazar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results