Lea Salonga shocked by errors in alleged DepEd modules: “There aren’t enough curse words in my vocabulary for this.”

Oct 9, 2020
International singer Lea Salonga is horrified after noticing the glaring errors in the screenshots of self-learning modules for primary school students that made the rounds online this week.
PHOTO/S: Lea Salonga, Inday Echevarria on Facebook

Nawindang ang international singer na si Lea Salonga nang makita ang mga pagkakamali sa self-learning modules na nagmula umano sa Department of Education (DepEd).

Miyerkules, October 7, nang i-repost ni Lea, 49, sa Facebook ang screenshots ng mga pahina ng printed modules para sa mga estudyante sa primary school.

Makikita sa screenshots ang ilang napakasimple pero nakakadismayang pagkakamali na nakaimprenta sa modules.

Napakasimple dahil basic identification lamang ang mga natukoy na pagkakamali.

Pero nakakadismaya kung paanong nakalusot ang mga maling iyon sa mga gumawa at nag-imprenta ng modules.

Kasunod ng pagsisimula ng school year sa public schools nitong Lunes, October 5, kumalat sa social media ang litrato ng iba’t ibang errors sa self-learning modules.

Gayunman, at press time ay walang kumpirmasyon ang DepEd kung ang mga learning materials na nakuhanan ng litrato ay nanggaling nga sa kagawaran.

NOT ENOUGH CURSE WORDS

Unang ini-repost ni Lea ang screenshot ng tracing activity para sa alphabet letter “O.”

Continue reading below ↓

May visuals ng “orange” at “ostrich” na inihahalimbawa sa mga salitang nagsisimula sa titik "O."

Gayunman, sa halip na drawing ng ostrich, isang kuwago o “owl” ang nakaimprenta bilang ostrich.

Ramdam ang pagkairita sa caption ni Lea.

Hindi raw sapat ang mga murang alam niya para bigyang-reaksiyon ang pagkakamaling iyon sa module.

May mensahe rin si Lea para sa responsable sa error na iyon—isinulat iyon ng singer sa all capital letters.

Caption ni Lea (published as is): “For the love of....... there aren’t enough curse words in my vocabulary for this s***!!! THAT IS AN OWL, YOU IDIOTS!!!”

Continue reading below ↓

“I NEED TO GOUGE OUT MY EYES”

Sa isa pang screenshot na ini-repost ni Lea, maling-mali ang sentence na ito sa module: “L is for rabbit.”

Hindi makapaniwala at exaggerated na komento ng Miss Saigon star, dudukutin daw niya ang kanyang mga mata para hindi makita ang mga mali-mali sa modules.

Saad sa post ni Lea: “This might be never-ending.

“Excuse me, I need to gouge out my eyes. QUE HORROR!!!”

Continue reading below ↓

Sa English, ang Spanish phrase na “que horror” ay “how terrible.”

COLORLESS CRAYONS

Ang ikatlong screenshot ay isang matching test activity sa wikang Filipino.

Gamit ang straight line, ipinatutukoy sa estudyante kung ano ang kulay ng crayons na nakaimprenta sa module.

Gayunman, ang module ay black-and-white kaya imposibleng matukoy ang kulay nito.

Kaya naman tulad sa naunang dalawang screenshots, naghuhumiyaw uli ang matinding pagkadismaya sa caption ni Lea.

Isinalin niya sa English ang instructions sa matching test activity para sa mga Facebook followers niyang hindi nakakaintindi ng Filipino.

Caption ni Lea: “Okay for those of you that don’t understand Filipino, that means, 'Match each crayon to its correct name. A is violet, B is blue, C is green, D is red, and E is yellow.'

“HOW, HA? HOW? TELL ME, HOOOOOOOOW???"

Continue reading below ↓

DEPED: MODULES ARE “QUALITY ASSURED”

Sa isang virtual forum ngayong Biyernes, October 9, sinabi ni Education Undersecretary Toni Umali na “quality assured” ang mga self-learning modules na ipinamahagi ng DepEd.

Gayunman, aminado si Umali na “mayroong nakakalusot na mangilan-ngilan” na error sa modules, batay na rin sa screenshots ng mga ito na kumakalat sa social media.

Nagpasalamat ang opisyal na naipararating sa DepEd ang mga pagkakamali sa modules para maisaayos ang mga ito.

“Puwede nating sabihin na, as a general rule, undoubtedly our self-learning modules are all quality assured, except for some,” sabi ni Umali.

“Inaamin natin na mayroong nakakalusot na mangilan-ngilan.

“Kami po'y nagpapasalamat sa mga nakakakita nito at ipinapaabot sa ating kaalaman,” dagdag ni Umali.

Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, nagpapatupad ng blended distance learning ang DepEd para sa School Year 2020-2021.

Sa blended distance learning, online ang pagkaklase ng guro sa mga estudyante, na nagagabayan ng nakaimprentang self-learning modules.

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
International singer Lea Salonga is horrified after noticing the glaring errors in the screenshots of self-learning modules for primary school students that made the rounds online this week.
PHOTO/S: Lea Salonga, Inday Echevarria on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results