Robi Domingo says he frequented bars for an entire year during “darkest moment” of his life

by Bernie V. Franco
Oct 9, 2020
Robi Domingo on non-showbiz girlfriend: “Binibigyan niya ako ng bagong direksyon."
PHOTO/S: YouTube (Robi Domingo)

Nagbahagi si Robi Domingo tungkol pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.

Nangyari raw ito bago niya matagpuan ang kanyang kasalukuyang pag-ibig.

Ang kasalukuyang karelasyon ni Robi ay hindi tiga-showbiz, si Maiqui Pineda, na naging batchmate ng Kapamilya host sa Ateneo de Manila University.

Pero bago raw pumasok sa buhay niya si Maiqui, mabigat ang pinagdaanan ni Robi.

Hindi niya tinukoy ang taon kung kailan nangyari ang maraming “kaguluhan” sa buhay niya.

Pero sa interviews ni Robi noong 2018, sinabi niyang ang paghihiwalay nila noon ni Gretchen Ho, kasabay ng kakulangan ng projects ang mga dahilan ng pagkakaroon niya noon anxiety attacks.

Sina Robi at Gretchen ay naghiwalay noong 2017 pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Inusisa si Robi tungkol sa “darkest moment” ng kanyang buhay sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay, Biyernes, Octobr 9, 2020.

Sa takbo ng usapan, mahihinuhang naranasan ito ni Robi kasunod ng kanyang breakup.

Maingat na kuwento ni Robi, “On my end, ang hirap lang kasi ang daming kaguluhan na nangyayari.

Continue reading below ↓

“At ang hirap gumalaw kasi napaka-fragile. Fragile ako. Sobrang noon, e, sobrang konting usap lang, bagsak agad. Iba yung damdamin ko.

“So, I found myself going to different bars. Matatapos ang trabaho ko mga 11:00 p.m., diretso ako doon.”

“Sa mga senaryong ganito, kasama ko barkada ko. Uuwi ako 6:00 a.m.-7:00 a.m. So, dumaan ako sa phase na iyon. Kapagod pala siya.

“Parang ganoon, hanggang umaga. In-enjoy ko iyon for one whole year.”

Pero sa kabila raw ng paglalakwatsa noon ni Robi, na-realize daw niyang takot siyang masira ang kanyang public image.

“Napagtanto ko rin na all bark ako and no bite. Kaya kong, ‘Huy, hello,’ pero yung follow through, di ko kaya.”

Tila ang tinutukoy ni Robi ay ang pagmi-meet ng mga babae sa bars.

Dugtong niya, “Kasi inisip ko, magkamali lang ako once, sayang lahat ng ipinundar ko lahat sa trabaho ko.”

ROBI FINDS NEW LOVE

Sa isang annual Christmas gathering daw, muli silang nagkita ni Maiqui.

Continue reading below ↓

Taon-taon din daw nakikita ni Robi na kasama ni Maiqui ang kanyang boyfriend.

Sa gathering daw na iyon, hindi kasama ni Maiqui ang kanyang boyfriend kaya nagtanong si Robi tungkol sa estado ng relasyon ng dalaga.

Sagot daw ni Maiqui noon, "Wala na kami months before."

Ang tumakbo raw sa isip ni Robi, “Sa utak ko, wala akong intensiyon na puwede ito [ligawan].”

Dahil sariwa pa noon ang breakup ni Robi, naisip daw niya kung naranasan ni Maiqui ang “rollercoaster ride” na naranasan niya, gaya ng gabi-gabing pagpunta sa bar.

Pagbabalik-tanaw ng host, “Grabe, talaga. Parang rollercoaster ride. Nakakapagod lang. To the point na nasa bar, nandoon na ako sa taas ng table sumasayaw.”

Niyaya raw ni Robi si Maiqui sa isang bar. Ang ending, nag-usap daw sina Robi at Maiqui mula gabi hanggang madaling araw.

“Nagkakakwentuhan lang, parang friends...” paglalarawan ni Robi.

Continue reading below ↓

Mula raw noon ay naging madalas na ang kanilang kuwentuhan at oras sa isa’t isa.

Hindi tinukoy ni Robi kung kailan sila naging magkarelasyon ni Maiqui.

Subalit unang lumabas ang balitang idini-date ni Robi ang non-showbiz girl noong September 2018.

Pagsapit naman ng huling bahagi ng 2019, sinimulan na ni Robi ang pag-post ng mga larawan nila ni Maiqui, na tila pagsasapubliko ng kanilang relasyon.

ROBI SAYS HE FEELS MAIQUI IS THE ONE

Inilarawan ni Robi ang kanyang girlfriend na “napaka-graceful and yet full of substance.”

“Boses pa lang niya, music to my ears,” sabi pa ng Kapamilya host.

Si Maiqui rin daw ang nagsilbing inspirasyon niya para magkaroon ng kahulugan ang kanyang buhay.

“Binibigyan niya ako ng bagong direksyon. Kasi kung ako lang, work, work, work. How, what, when.

"Siya yung nagbibigay ng why.”

Sabi pa ni Robi, nakahanap siya ng katapat sa katauhan ng girlfriend.

“Yung pagka-alpha male ko nawawala kapag nandun siya.”

Continue reading below ↓

Pakiramdam ba niya si Maiqui na ang kanyang pakakasalan?

“I feel it. I really feel na ito na talaga yon, e,” sagot ni Robi.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robi Domingo on non-showbiz girlfriend: “Binibigyan niya ako ng bagong direksyon."
PHOTO/S: YouTube (Robi Domingo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results