Pokwang’s mother passes away

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2020
Pokwang's mother, Nanay Gloria, 80, passes away this Saturday morning, October 10, 2020.
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram

Pumanaw na ang ina ni Pokwang, aka Marietta Subong, na si Gloria Subong, 80.

Bandang ika-4:00 ng umaga ngayong Sabado, October 10, binawian ng buhay ang ina ng komedyante, ayon sa impormasyong natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakatakda rin umanong mag-taping si Pokwang ngayong araw para sa CHIKA, Besh, ang kinabibilangan niyang morning talk show sa TV5.

Kinumpirma ni Pokwang ang pagpanaw ng kanyang Nanay Gloria sa kanyang social media accounts.

Sa Twitter, ipinahayag ni Pokwang na patuloy siyang kumakayod para rin sa ina, bagamat takot si Pokwang dahil nariyan pa rin ang pandemya.

Tweet niya [published as is], “sa tuwing lumalabas ako para magtrabaho puno ako ng takot dahil sa pandemiang ito, pero kailanagan ko kasi gusto kopa madugtungan ang buhay mo mama ko [crying emoji]

“salamat sa pagmamahal mo at kalinga saming mga anak mo at apo [praying hands emoji]

“paalam mama ko [broken heart emoji] mahal ka namin sobra…”

Continue reading below ↓

Sa kanyang Facebook page ay ginawa niyang profile pic ang lit candle, na karaniwang sumisimbolo ng pagluluksa.

A DAUGHTER’S LOVE FOR HER MOTHER

Noong October 2018, nag-post si Pokwang ng picture nila ng kanyang Nanay Gloria.

Sa kanyang caption, mahihinuhang may Alzheimer’s disease na ang kanyang ina.

Caption noon ni Pokwang (published as is): “panahon na alam mo pa pangalan ko at nayayakap mo pa ako ng ganito [smiling face, heart emojis]

Continue reading below ↓

"panahon na nabibigyan mo pa ako ng payo kapag nasasaktan ako at may pinagdaraanan sa buhay, i love you nanay Gloria ko”

Bakas ang pagmamahal ni Pokwang sa ina kung pagbabasehan ang kanyang Instagram posts.

Noong July 2019, madamdamin ang kanyang post. Mababasa rito na bawal mapagod ang host-comedienne sa pagtatrabaho dahil marami pa siyang pangarap para sa ina.

Post noon ni Pokwang: “bawal akong mapagod, bawal akong mawalan ng pag asa, bawal ako huminto mangarap at mag pursige sa buhay para madugtungan ang iyong buhay na binigay mo samin ng mga kapatid ko [heart emoji]”

Madamdamin din ang kanyang mensahe sa ina noong Mayo para sa Mother’s Day.

Mababasa na puring-puri ni Pokwang ang inang kanyang iniidolo.

Ito ang Mother’s Day message ni Pokwang: “Thank you sa nanay kong matiisin, matapang, madiskarte, matiyaga,madasalin, at higit sa lahat mapag mahal [heart emoji]

“salamat kasi patuloy kang lumalaban sa iyong karamdaman dahil alam mo na iyon ang dasal ko lagi ang makasama kapa namin ng iyong mga apo [heart emoji]

Continue reading below ↓

“salamat kasi hindi ako magiging matatag na nanay at mapag mahal sa anak kung hindi naman iyon ang pinaramdam mo sakin, salamat kasi maaga mo akong minulat na may Dios at wag mawalan ng pag pag asa lagi [praying hands emoji]

“thank you din sa itinuro mong magagandang aral sa amin na matutong magbahagi ng biyaya dahil ang lahat sa mundong ito ay tanging hiram lahat sa Dios, lagi mong sinasabi yan tandang tanda ko [smiling emoji]

“salamat sa yo dahil ngayon hindi man perpekto pero pilit kong ginagawa ang lahat para tularan ka bilang isang ina sa mga anak ko kasi IDOL kita Ma!”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang's mother, Nanay Gloria, 80, passes away this Saturday morning, October 10, 2020.
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results