Billy Crawford, K Brosas react after being criticized for hosting TV5 noontime show pitted against It’s Showtime

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2020
Billy Crawford (left) and K Brosas (right) who used to be part of It's Showtime, are now co-hosting an upcoming TV5 show pitted against the Kapamilya noontime show. Billy, however, says they are not competing.
PHOTO/S: YouTube (Billy Crawford) / ABS-CBN / Instagram (K Brosas)

Walang kumpetisyon sa It’s Showtime.

Ito ang iginiit ni Billy Crawford dahil hindi maiwasang ikumpara ang ABS-CBN noontime show na It’s Showtime sa Lunch Out Loud (LOL), ang upcoming noontime show ng TV5.

Si Billy ay isa sa main hosts ng LOL. Gayundin sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, at KC Montero.

Nagkataong dating regular host si Billy sa It’s Showtime mula 2011 hanggang 2018.

Co-host din ni Billy sa LOL si K Brosas, na highly identified din sa ABS-CBN noontime show.

Si K ay dating resident judge sa “Tawag ng Tanghalan,” ang singing competition sa It’s Showtime.

Kaya hindi kataka-takang mapuna sina Billy at K na makakatapat ng kanilang bagong show sa TV5 ang programang kanilang “pinanggalingan.”

BILLY SAYS NO COMPETITION

Sa kanyang Instagram account nitong weekend, ni-promote ni Billy ang LOL, na magsisimula na sa October 19.

Nagkomento ang netizens tungkol sa obvious na pagtapat ng LOL sa It's Showtime.

Continue reading below ↓

Sumagot si Billy. Giit niya, wala raw kumpetisyon at regular siyang may komunikasyon sa mga dating kasamahan niya sa It’s Showtime.

Kailangan din daw kumayod ni Billy para sa kanyang pamilya.

Hirit ng isang netizen (published as is): “Tapat na Tapat talaga sa PINANGALINGAN hila tsk tsk tsk”

Reply ng singer-host: “got to do what we got to do to feed my child my friend! And araw araw ko pa din kausap ang akin pamilya sa showtime. No competition here all Love! #magkaisa”

Continue reading below ↓

Ang asawa ni Billy, si Coleen Garcia ay nanganak nito lamang Setyembre.

Pinuna rin ng isang netizen na “katapat” ng LOL ang It’s Showtime, na kinabibilangan nina Billy, K, at Wacky Kiray, ang komedyanteng nakilala rin sa ABS-CBN.

Sagot ni Billy: “no such thing as rival here sa LoL”

K BROSAS CRITICIZED FOR TV5 TRANSFER

Hindi rin nakaligtas si K sa pamumuna ng netizens sa pag-alis sa It’s Showtime para lumipat sa TV5.

Continue reading below ↓

Nag-promote din sa Instagram si K ng upcoming TV5 show nitong weekend.

Komento naman sa isang netizen, It’s Showtime pa rin ang panonoorin nito.

Nauunawaan naman daw ito ni K (published as is): “ok Lang po.. kung saan kayo masaya ok Lang yan at masaya naman talaga SA showtime”

May sumita rin sa pagsali niya sa upcoming show ng Kapatid network na tinapatan ang ABS-CBN noontime show na dati niyang kinabibilangan.

Ani K: “noontime PO sa 12 talaga hehehe.. at ok naman kami NG mga taga showtime kaya masaya [smile emoji]

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford (left) and K Brosas (right) who used to be part of It's Showtime, are now co-hosting an upcoming TV5 show pitted against the Kapamilya noontime show. Billy, however, says they are not competing.
PHOTO/S: YouTube (Billy Crawford) / ABS-CBN / Instagram (K Brosas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results