Kristoffer Martin: “Nagpositive sa Covid buong family ko”; thanks Alden Richards for his support

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2020
Kristoffer Martin (left) reveals that his parents and brother tested positive for COVID-19. While he considers experience as traumatic, he thanks Alden Richards for being there for him.
PHOTO/S: @kristoffermartin_ and @aldenrichards02 on Instagram

Nagpositibo sa COVID-19 ang pamilya ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin.

Kinumpirma ni Kristoffer na tinamaan ng virus ang kanyang ina, ama, at kapatid.

Madamdamin ang post ng Kapuso actor tungkol sa sinapit ng kanyang pamilya sa isang Instagram post noong Huwebes, October 8.

Noong Biyernes, October 9, daw ang completion ng 14-day isolation ng kanyang pamilya.

Umaasa naman ni Kristoffer na magiging negative ang resulta ng kanilang pagpapa-test pagkatapos ng isolation period.

Sa mahabang post, pinasalamatan ni Kristoffer ang mga kaibigang tumulong sa kanya, kabilang na ni Alden Richards.

Ipinost ni Kristoffer ang larawan ng kanyang kapatid at mga magulang na tinawag niyang “survivors.”

Bungad ni Kristoffer: “Claiming it already, ‘MY THREE SURVIVORS’!”

Aniya pa (published as is), “Yes po. Nagpositive sa Covid buong family ko. AND IKA- 14th day nila bukas since nagpositive sila sa swab test. PAGALING na po sila.”

Labis daw siyang nag-alala dahil nasa Maynila siya nang malaman ang masamang balita tungkol sa pamilyang nasa probinsiya.

Continue reading below ↓

Malaki raw ang ang naitulong ng dasal sa kanya.

“Malakas tayo talaga kay Lord. Ang lala ng prayers ko simula nung lumabas unang result kay mama tapos sumunod si Tan at dad. (Wala ako sa bahay namin sa Olongapo nung lumabas symptoms nila, nasa Manila ako that time and di na ulit umuwi nung nagsimulang lagnatin si mama).

“Iba yung bagsak ko nung naconfirm ko na nagpositive sila. Ang layo ko," post ni Kristoffer.

KRISTOFFER THANKS ALDEN AND OTHER FRIENDS

Sa kabila raw nito, hindi nagpapigil si Kristoffer na umuwi ng Olongapo.

“Kasi kailangan nila ako. Pag bibili ng gamot, ng groceries, ng iba pang kailangan nila kasi bawal sila lumabas ng bahay.

“Lahat sila na nasa bahay, bawal. Natuto ako mag grocery mag-isa jusko. Skl [share ko lang]."

Inamin ng aktor na traumatic ang karanasang ito at kung ano-ano na ang pumasok sa kanyang isipan.

“Everyday ako tumatawag sa kanila. Isa isa ko silang tinatawagan just to check. Lalo na si Dad diabetic. Iba yung trauma.

Continue reading below ↓

"Yung mga thoughts ko kung san san na napupunta. Mahirap. Kasi yung feeling na mag-isa kang dapat maging matapang kasi ikaw lang aasahan.

Inisa-isang pinasalamatan ng aktor ang mga taong tumulong sa kanya, kagaya ng mga kaibigan sa showbiz na sina Bea Binene at Alden.

“Ang lakas ng prayers. SOBRANG LAKAS NG PRAYERS GUYS! At sobrang thankful ako ng sobra sa mga taong nandyan sakin.

“Kay @beabinene na everyday tumatawag just to check kung kamusta ako, kamusta sila mama.”

Ani Kristoffer, naging shoulder to cry on niya si Alden, na nagpakalas sa kanyang loob.

"Kay @aldenrichards02 na pag di ko na talaga kinaya, yung sobrang breakdown, matic siya tinatawagan ko.

"Isa siya sa mga nagpakalma talaga sa mental state ko at lagi akong inaassure na gagaling sila mama."

Kabilang din sa pinasalamatan niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na si AC Banzon at mga kaibigang non-showbiz.

“Konti lang nakakaalam pero ang lala ng pagmamahal na binuhos nila. Sayo Love, @acbanzooon na simula una ng laban na to kasama kita.

Continue reading below ↓

"I know your sacrifices dito sa pinagdaanan natin love. And super thankful ako sayo.

“Salamat ng marami. Salamat sa pag-isip din sakin. Salamat at di ko naramdaman mag-isa ako. Sa lahat ng kaibigan ko na nagdasal. Maraming salamat sa inyo.

“Sobrang laki ng bagay na kinakamusta niyo ko. Salamat”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin (left) reveals that his parents and brother tested positive for COVID-19. While he considers experience as traumatic, he thanks Alden Richards for being there for him.
PHOTO/S: @kristoffermartin_ and @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results