Bro. Eddie Villanueva watches It’s Showtime on A2Z; gets greetings from Vice Ganda

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2020
Vice Ganda expresses gratitude to Bro. Eddie Villanueva, owner of A2Z Channel 11, which is now airing shows of ABS-CBN.
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live) / @ejvb on Twitter

Nagpaabot sina Vice Ganda at Bro. Eddie Villanueva ng pagbati sa isa’t isa, bagamat hindi personal.

Ngayong Sabado, October 10, 2020, balik ang noontime show na It’s Showtime—at iba pang ABS-CBN programs—sa free-to-air TV, sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.

Ang A2Z ang dating Zoe TV ng Zoe Broadcasting Network, Inc., na pagmamay-ari ni Bro. Eddie.

Nagkataon namang birthday ni Bro. Eddie, na siya ring founder ng Jesus Is Lord, at incumbent Deputy Speaker ng House of Representatives.

May “block-time agreement” sa pagitan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network, Inc., kaya ni-rebrand ang Zoe TV ng A2Z Channel 11.

Tuluyang nawala ang ABS-CBN Channel 2 sa analog TV matapos mapagkaitan ng franchise renewal ng Kongreso noong July 10, 2020.

BRO. EDDIE WATCHES IT’S SHOWTIME on a2z

Kumalat sa social media ang video ni Bro. Eddie na pinapanood ang pagbabalik sa free television ng It’s Showtime.

Ang video ay ipinost sa social media accounts ni Jovi Villanueva-Binalla, anak ni Bro. Eddie.

Continue reading below ↓

Sa video makikita ang evangelist na nakaupo sa sofa, kandong-kandong ang maliit na apo at pinapanood ang Kapamilya noontime show.

Mapapanood ang bahagi kung saan nagpapasalamat si Vice sa ABS-CBN bosses.

Sa caption ng video, sinabi ni Jovi na nais daw iparating ng kanyang ama na ipinagdadasal niya ang mga taga-Kapamilya.

Caption ng anak ni Bro. Eddie: “Bro Eddie is praying for all of you while he is watching.. God bless you kapamilya!”

Kasama sa itinag ni Jovi si Vice.

Continue reading below ↓

VICE GANDA GREETS BRO. EDDIE

Abot-abot ang pasasalamat ni Vice Ganda sa Zoe Broadcasting Network, Inc., gayundin kay Bro. Eddie na ilang beses din niyang binati para sa kanyang birthday.

Pero hindi dito nagtapos ang pasasalamat at pagbati ni Vice. Sa Twitter, patuloy ang pagpapasalamat niya sa A2Z at kay Bro. Eddie.

Pinuno pa ng letter Z ni Vice ang kanyang tweet, na initial ng Zoe TV, bilang pagkilala sa TV network.

Tweet ni Vice (published as is): "Zzzzzzenkyu zo muzzzh Madlang Peepz!!!!! Better dayzzzz with A2Z Channel 11.

"Happy Birthday Bro. Eddie Villanueva!!!! I am sincerely gratefull! To God be all the glory! [sun and rainbow emojis]”

Sumagot naman dito ang anak ni Bro Eddie na si JV.

Anito: “To God be the glory indeed!” gamit ang hashtag na #A2ZChannel11, na naging trending topic sa Twitter ngayong Sabado.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda expresses gratitude to Bro. Eddie Villanueva, owner of A2Z Channel 11, which is now airing shows of ABS-CBN.
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live) / @ejvb on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results