Sharon Cuneta mulls over showbiz retirement

by Nikko Tuazon
Oct 11, 2020
On Saturday, October 10, 2020, Mega Star Sharon Cuneta posted about "retiring soon" from showbiz on her Instagram account. She told her fans: "Kids, it's almost time. Mama's tired. I love you!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Muling napagnilayan ni Mega Star Sharon Cuneta ang plano nitong pagreretiro sa showbiz.

Sabado ng hapon, October 10, 2020, nag-post si Sharon sa kanyang Instagram account ng tungkol dito.

Isang selfie ang kanyang in-upload at na may mensahe para sa kanyang mga anak.

Sulat nito, "Kids, it's almost time. Mama's tired. I love you!"

Dagdag pang caption nito: "On my way to retirement...[kiss emoji]"

Continue reading below ↓

"Kids" ang tawag ni Sharon sa kanyang mga fans, na mas kilala din sa tawag na Sharonians.

Maliban sa Instagram post na ito, in-update din ni Sharon ang kanyang bio sa Instagram at nilagay ang mga katagang "RETIRING SOON."

Sharon CUneta

Ilan sa mga celebrity followers na nagpakita ng suporta kay Sharon ay sina Sherilyn Reyes-Tan at Christine Babao.

Continue reading below ↓

Sharon Cuneta

Maging ang ibang followers ni Sharon ay buo ang suporta sa plano nitong pagreretiro.

Comment ng isang IG follower ni Sharon, "The most giving person I know, you deserve to give yourself your much deserved retirement, ate. Take care."

Sharon Cuneta

Continue reading below ↓

Sabi naman ng isa pang follower ni Sharon: "Mahal ka namin ma! But if pagod na po talaga kayo, we will understand po. Anyway you deserve naman po ang time for yourself. But we will never ever stop supporting and loving you po hanggang dulo. Mahal na mahal ka namin mama. Isang mahigpit na yakap para sayo [heart emoji]"

Sharon Cuneta

Continue reading below ↓

May ilan namang nagkomento na nais pa rin nilang makita at mapanood ang kanilang idolo.

Sharon Cuneta

Tatlong taon na ring pinag-iisipan ni Sharon ang tungkol sa kanyang pagreretiro sa showbiz. Ngayong taon ang kanyang 42nd year sa industriya.

Last year, ibinahagi ni Sharon ang kanyang planong "semi-retirement" matapos nitong ihatid ang anak na si Frankie Pangilinan sa airport papuntang U.S. kung saan ito mag-aaral.

Continue reading below ↓

Bahagi ng kanyang post, "On another note, and this is important- Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired.

"It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na 'tama na.'

"When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay.

"Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family.

"Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo...pero pagod na rin si Mama..."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Saturday, October 10, 2020, Mega Star Sharon Cuneta posted about "retiring soon" from showbiz on her Instagram account. She told her fans: "Kids, it's almost time. Mama's tired. I love you!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results