RK Bagatsing at 32: “It’s my first time to experience yung feeling ng heartbreak.”

Oct 13, 2020
RK Bagatsing
Actor RK Bagatsing says he focused on his showbiz career while nursing a broken heart since last year: “Eventually magugulat ka na lang na nawawala na sa isip mo buong araw. Like few minutes, few hours, and then days na hindi mo na naiisip. Then magugulat ka na lang, eventually, naka-move on ka na.”
PHOTO/S: @bagatsingrk on Instagram

Naka-move on na ang aktor na si RK Bagatsing mula sa breakup nila ng kanyang longtime girlfriend.

Aminado ang 32-year-old Kapamilya actor na unti-unti ang naging proseso niya ng pagbangon mula sa pagtatapos ng dating relasyon.

Iyon daw kasi ang unang breakup ni RK, kaya iyon din ang kanyang unang heartbreak sa edad na 32.

Ayon kay RK, ang kanyang ex-girlfriend ay nakarelasyon niya simula noong high school pa sila.

Naghiwalay sila noong nakaraang taon.

Kung susumahin, batay sa edad ngayon ng aktor, tinatayang tumagal ng mahigit 15 taon ang relasyon nila ng dating nobya.

Pero paglilinaw ni RK, maayos ang naging breakup nila.

“Mutual” daw ang naging pasya nilang tapusin na ang mahigit isang dekada nilang relationship.

“Okay naman yung breakup namin,” sabi ni RK.

“It was a mutual understanding that we have to start a new chapter in our lives. Okay kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RK nang mag-guest siya sa PEP Exclusives nitong October 8.

Continue reading below ↓

FIRST HEARTBREAK

Sa interview, inamin ni RK na hindi na siya updated sa dating nobya. Hindi na raw kasi niya sinisilip ang social media pages nito.

“Of course, hindi na ako updated sa kanya. Hindi ko na naman tsine-check, e.

“But it’s a mutual decision. I wish her all the best,” dagdag ni RK.

Gaya ng dapat asahan, naging mahirap para kay RK ang “first time” na nag-move on mula sa pagtatapos ng isang romantic relationship.

Kuwento ni RK: “I’ve been with someone for the longest time and it ended.

“It’s my first time to experience yung feeling ng heartbreak.”

RK CONFIDES WITH SISTER MONINA

Ayon kay RK, malaking tulong para sa kanya ang pakikipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan.

Kabilang daw sa mga naging sandalan ni RK pagkatapos ng breakup ay ang nakatatanda niyang kapatid at dating aktres na si Monina Bagatsing.

Sa New York City na ngayon nakabase si Monina.

Continue reading below ↓

“Nag-reach out ako sa mga trusted na tao, like my sister, si Ate Monina,” sabi ni RK.

“Nag-uusap kami. Kasi si Ate Monina, para ko na talaga siyang shrink, e. Psychiatrist ko sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, e.

“She’s one of those people who helped me out and move on.”

Bukod kay Monina, nakatatandang kapatid din ni RK ang aktor na si Raymond Bagatsing.

RK PRIORITIZES CAREER FOR NOW

Sinabi ni RK na dahil pareho sila ng dating nobya na gustong pagtuunan ng pansin ang kani-kanilang career, pag-arte raw ang naging outlet ng aktor sa buong panahon ng moving on.

“At the same time, since mutual nga yung breakup, it’s just really for us to focus more sa sarili namin.

“Like, lalo na ako, sa career ko. Siya ganun din, sa career niya.”

Epektibo raw ito upang unti-unting makalimutan si RK ang heartbreak na dulot ng kanyang first breakup.

Continue reading below ↓

“Eventually magugulat ka na lang na nawawala na sa isip mo buong araw,” sabi ni RK.

“Like few minutes, few hours, and then days na hindi mo na naiisip.

“Then magugulat ka na lang, eventually, naka-move on ka na.”

Bida si RK sa bagong weekly series ng TV5 na I Got You, kung saan makakasama niya sina Jane Oineza at Beauty Gonzalez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor RK Bagatsing says he focused on his showbiz career while nursing a broken heart since last year: “Eventually magugulat ka na lang na nawawala na sa isip mo buong araw. Like few minutes, few hours, and then days na hindi mo na naiisip. Then magugulat ka na lang, eventually, naka-move on ka na.”
PHOTO/S: @bagatsingrk on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results