Dawn Chang asked if she likes sex; says men should stop objectifying women

by Bernie V. Franco
Oct 13, 2020
Dawn Chang slams male netizen who asked her about sex: “Are men these days this desperate and rude?”
PHOTO/S: YouTube (Dawn Chang)

Hindi pinalampas ni Dawn Chang ang napakapersonal na tanong ng isang male netizen.

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, tinanong ng netizen si Dawn kung gusto nito ng sex.

Sa screenshot na ni-repost ni Dawn noong weekend, makikita ang buong pangalan at profile picture ng netizen.

Ito ang mensahe (published as is): “Hi ms Dawn. Do you like sex? Not that I’m asking for it.”

Halatang hindi nagustuhan ng dancer/host/actress ang personal na tanong ng netizen.

Caption ni Dawn sa screenshot: “Are men these days this desperate and rude?”

Continue reading below ↓

Si Dawn ay miyembro ng dating all-girl group sa It’s Showtime na GirlTrends, former host ng It’s Showtime Online, at runner-up sa Pinoy Big Brother 737 edition noong 2015.

DAWN: "THERE IS NOTHONG WRONG WITH SEX"

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sentimyento ni Dawn ukol sa natanggap na mensahe mula sa netizen.

Aniya, hindi masamang pag-usapan ang tungkol sa sex. Pero ibang usapan na kung nababastos na ang isang tao.

“There is nothing wrong with sex. Want and desire are part of normal sexual behavior,” sabi ni Dawn sa kanyang mesahe sa PEP.ph noong Sabado, October 10.

“If acting on a sexual desire means to violate or to make derogatory comments towards another person, then the boundary of respect has been crossed.”

Mariin ding tinututulan ni Dawn ang pag-o-objectify sa mga kababaihan.

Nao-objectify sila kapag hindi nirerespeto ang kanilang pagkababae, at may sexual notion ang tingin sa kanila.

Continue reading below ↓

Sabi ni Dawn, “Men should stop objectifying women for their own sexual gratification.

“Just because a woman shows a little bit of skin or wears makeup, doesn’t mean it is an invitation to be sexualized or have unwanted attention towards them.”

Aniya pa, “There is a serious problem with our society if we accept that it is ok for men to objectify and exploit women, it says so much about our mental capacity and moral values.

“It is never ok to touch someone without their consent. Men are not entitled to women's bodies married or not.”

Si Dawn ay isa rin sa female celebrities na kontra sa rape culture sa bansa. Halimbawa rito ang mentalidad na isinisisi sa mga babae kapag nakaranas ito ng sexual harassment dahil sa kanyang maiksing pananamit

DAWN: "SEX IS PART OF LIFE."

Hindi kataka-taka kung personal ang usaping ito para kay Dawn.

Bilang isang artista at performer, hindi na bago kay Dawn ang pagsusuot ng mga damit na nagpapakita ng kanyang kaseksihan.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, naging malaking isyu ito nang maging bahagi siya ng PBB 737 noong 2015.

Pinag-usapan noon ang pagsita sa kanya ng kapwa housemate na si Tommy Esguerra.

Pinuna noon ni Tommy ang maiksing pananamit ni Dawn, na nagiging dahilan daw para matukso ang mga kalalakihan.

Buwelta ni Dawn kay Tommy: “You should take responsibility [for] your actions. If you think I’m sexy, thank you very much.

“If you feel tempted because of what I wear, that’s your problem and not mine. I can wear whatever I want to wear.”

Naging isyu rin noon sa PBB edition na iyon ang pagiging “touchy” ni Dawn at isa pang housemate na si Zeus Collins.

Depensa naman ni Dawn, walang problema ang pagiging touchy sa kanya ni Zeus dahil pareho silang nasa edad at may consent ng isa’t isa.

Samantala, obvious din sa tweets ni Dawn ang pagsusulong niya ng women empowerment at tamang pagtuturo tungkol sa sex education.

Continue reading below ↓

Noong August 2020, nag-tweet si Dawn para katigan ang pagpabor ng Commission on Higher Education na i-integrate ang comprehensive sex education sa curriculum.

Tweet ni Dawn noon: “Sex is part of life. Teach young children how to protect themselves instead of telling them NOT to have sex at all.

“Sex is not just having a sexual intercourse. It is also discussing about proper hygiene and a lot more. Children must be taught so they grow up informed.”

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang slams male netizen who asked her about sex: “Are men these days this desperate and rude?”
PHOTO/S: YouTube (Dawn Chang)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results