Ai-Ai delas Alas has feisty yet cool response to basher saying “sobrang tanda mo na”

by Bernie V. Franco
Oct 13, 2020
Ai-Ai delas Alas, 55, replies cooly to a netizen who wanted made the putdown that the actress was too old after Ai-Ai posted photos of her working out. Ai-Ai and husband Gerald Sibayan (left photo) are intent on taking fitness seriously this pandemic.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Bumuwelta si Ai-Ai delas Alas, 55, matapos siyang sabihan ng isang basher na “sobrang tanda” na niya.

Noong weekend, nag-post ang GMA-7 actress-host ng workout photo kasama ang asawang si Gerald Sibayan, 25.

Base sa caption, nagwo-workout ang mag-asawa sa kanilang garahe. Sineseryoso raw nila ang pagpapalakas ng katawan ngayong panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Sa comments section, kinutya ng isang basher ang edad ni Ai-Ai (published as is): “Sbrang tanda mo n po [face with tear emoji]”

Hindi ito pinalampas ni Ai-Ai. Bakas sa reply ng aktres na proud siya sa kanyang edad at estado sa buhay.

Banat niya sa basher: “pag tanda mo sana kasing ganda kita at may pogi at mabait na asawa [thumbs up emoji]”

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol din si Ai-Ai ng netizens, na pinuna ang basher sa pagtawag nito ng "matanda" sa aktres.

Hirit ng isang supporter, ang basher ay walang pinagkatandaan. Bulok din daw ang pagkatao nito na ang inaatupag ay ang panlait ng kapwa sa gitna ng pandemya.

Pinakiusapan naman ni Ai-Ai ang kanyang tagapagtanggol na huwag nang patulan ang basher.

Continue reading below ↓

Sabi ni Ai-Ai (published as is): "wala ng pag asa sa mundo patawarin na naten pandemya naman na wag na naten pansinin."

Continue reading below ↓

Ngayong Martes, October 13, nag-post muli ng fitness photo si Ai-Ai.

Sa caption, sinabi ni Ai-Ai na siniseryoso niya ang maging fit sa kabila ng kanyang edad.

Ipinost niya ang kanyang photo na naka-flex ang biceps, at itinabi ang larawan ng isang female bodybuilder na may edad na. Ito raw ang peg ni Ai-Ai.

Hindi tinukoy ni Ai-Ai kung sino ang foreign female bodybuilder, pero sinabi ng aktres na ang babae sa larawan ay 70 anyos na at nagwagi pa rin sa bodybuilding competition.

Caption ni Ai-Ai: "Kaya ako gym ng gym para pag umabot ako ng 70 na napakatagal pang panahon hahaha ..

"para akong si ate (at the age of 70 winner si ate ng isang muscle chever competition) .. yes i can do this baka pag 60 nako ganito nako d na aabot ng 70 .."

Continue reading below ↓

AI-AI ASKED ABOUT UNDERGOING SURGERY

Samantala, hindi nangimi si Ai-Ai sagutin ang isang tanong na may kinalaman sa cosmetic surgery.

May netizen munang pumuri sa Comedy Queen. Nakaka-inspire daw si Ai-Ai dahil napapanatili nito ang kanyang magandang figure.

Sagot ng aktres, “Salamat mahirap man pero laban”

May sumunod na nagtanong kung nasaktan si Ai-Ai noong sumailalim siya sa tummy tuck. Nais daw kasi ng netizen na magpaopera.

Ang tummy tuck ay kilala rin sa tawag na abdominoplasty, isang uri ng surgery para tanggalin ang extra fats at skin sa bandang tiyan para maging flat ito.

Matutukoy sa sagot ni Ai-Ai na sumailalim siya nito noon.

Sagot niya: “d ko na matandaan medyo pero laging tandaan TIIS GANDA”

Continue reading below ↓

Hindi na bago kay Ai-Ai ang mabatikos dahil sa mga ipinu-post niyang larawan sa social media.

Noong January 2019, umani ng magkahalong reaksiyon ang ipinost niyang larawang naka-two-piece bikini siya. Inamin ni Ai-Ai noon na slightly edited ang larawan.

Noong February 2019, pinulaan din siya nang i-post niya ang kanyang larawan na naka-two-piece bikini na ginagaya si Jennifer Lopez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, 55, replies cooly to a netizen who wanted made the putdown that the actress was too old after Ai-Ai posted photos of her working out. Ai-Ai and husband Gerald Sibayan (left photo) are intent on taking fitness seriously this pandemic.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results