New Kapuso Khalil Ramos grateful for the warm welcome; calls girlfriend Gabbi Garcia “best partner”

by Arniel C. Serato
Oct 14, 2020
Khalil Ramos to girlfriend Gabbi Garcia after signing contract with GMA Artist Center: "Thank you for being with me on this journey, my love."
PHOTO/S: Courtesy: Khalil Ramos on Facebook

Isa nang Kapuso si Khalil Ramos matapos ang halos siyam na taon sa Kapamilya network.

Kahapon, October 13, pumirma ng kontrata sa GMA-7 at GMA Artist Center ang 24-year-old actor-singer.

Kinagabihan, isang madamdaming post ang ibinahagi ni Khalil sa kanyang official Facebook page.

Dito ay nagpasalamat siya sa suportang natanggap niya sa desisyong lumipat ng istasyon.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Khalil, “A new chapter, a new home.

“I’m overwhelmed by the support I’ve been getting during this momentous event in my life.

“I can’t be more grateful for @artistcenter & @gmanetwork for welcoming me with open arms!!

“I’ve been feeling nothing but love and kindness from everyone!

“Nakakataba ng puso. Wohoo!”

Excited na rin daw siya sa mga oportunidad na ibibigay sa kanya ng bago niyang tahanan.

Dagdag ni Khalil, “I am super thrilled to be given the opportunity to continue telling stories!

"Again, thank you GMA & Artist Center for the trust! Cheers!! #Kapuso”

Continue reading below ↓

“BEST PARTNER”

Isa sa unang bumati kay Khalil sa kanyang paglipat sa GMA-7 ay ang kanyang girlfriend at isa ring Kapuso na si Gabbi Garcia.

Tweet ng aktres, “always proud of you, my love!! Welcome to GMA, @TheKhalilRamos”

Hindi naman kinalimutang magpasalamat ni Khalil sa nobya sa suporta nito sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa Facebook post niya ngayong Miyerkules, October 14, tinawag niyang "best partner" ang kasintahan.

Ani Khalil, “Appreciation post to the best partner that I could ever ask for. @gabbi

“Thank you for being with me on this journey, my love.

“Hay I love you so mucho!!!”

Tatlong taon na ang relasyon nina Khalil at Gabbi.

Continue reading below ↓

Pumasok sa showbiz si Khalil sa pamamagitan ng pagsali sa reality show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent noong 2011. Second placer si Khalil sa nasabing kumpetisyon.

Ilan sa mga teleseryeng kinabilangan niya sa Kapamilya network ay ang Princess and I (2012), Annaliza (2013), Pangako Sa ‘Yo (2015), A Love To Last (2017), La Luna Sangre (2017), at Bagani (2018).

Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya ang She’s Dating The Gangster (2014), Kid Kulafu (2015), A Second Chance (2015), Everything About Her (2016), The Achy Breaky Hearts (2016), at 2 Cool 2 Be 4gotten (2016).

Nagsama naman sila ng nobyang si Gabbi sa pelikulang LSS: The Movie, na naging entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino noong 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Khalil Ramos to girlfriend Gabbi Garcia after signing contract with GMA Artist Center: "Thank you for being with me on this journey, my love."
PHOTO/S: Courtesy: Khalil Ramos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results