Janella Salvador blocks “PEOPLE WHO HAVE NO RESPECT AND HAVE NOTHING ELSE TO DO BUT GOSSIP”

by Bernie V. Franco
Oct 14, 2020
Actress Janella Salvador takes action against netizens who remain curious about her personal life.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram

Blocked sa social media.

Ito raw ang sagot ni Janella Salvador sa mga taong hindi nirerespeto ang kanyang privacy.

Nag-post ng mensahe ang Kapamilya actress sa kanyang Instagram Story ngayong hapon ng Miyerkules, October 14.

Walang ibang paliwanag si Janella kung ano ang nag-udyok sa kanyang mag-block ng netizens.

Hindi malayong may kinalaman ito sa patuloy na pang-uusisa ng ilan tungkol sa kanyang pagdadalantao.

Kinumpirma ng isang source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Setyembre na ipinagbubuntis ni Janella ang anak nila ng partner nitong si Markus Paterson.

Nakatakdang manganak ang actress-singer ngayong Oktubre, ayon sa PEP source.

JANELLA BLOCKS NETIZENS

Bago ng Instagram Story, nag-post muna si Janella ngayong hapon, na siyang pinaka-latest update niya matapos ang isang linggo.

Sa post, ipinromote ng aktres ang organizer boxes ng isang brand ng home needs.

Sa photo, nakaupo sa sahig ang nakangiting si Janella. Nakasuot siya ng black spaghetti strap dress.

Continue reading below ↓

Hawak ng aktres ang isang box lid sa anggulong natatakpan ang kanyang tiyan.

Sa comments section, hindi maiwasang magkomento ng netizens tungkol sa pagbubuntis ng dalaga.

May supporters naman siyang nagsabing huwag pakialaman si Janella kung gusto nitong manahimik.

Narito ang ilang comments...

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng 30 minutes, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram Story.

Pinasaringan niya ang mga taong nakikiusyoso, at sinabing wala raw puwesto ang negativity sa kanyang buhay.

Message ni Janella: “BLOCKING PEOPLE WHO HAVE NO RESPECT AND HAVE NOTHING ELSE TO DO BUT GOSSIP.

“I AM ONLY ALLOWING POSITIVITY IN MY SPACE. [HEART EMOJI]”

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nasa United Kingdom sina Janella at Markus habang hinihintay ang panganganak ng aktres.

Kasama nila ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio at ang nakababatang kapatid ng aktres.

Kasama rin nila ang British father ni Markus na si George Paterson.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Janella Salvador takes action against netizens who remain curious about her personal life.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results