Former child star Zaijian Jaranilla admits relationship with non-showbiz girl

by Arniel C. Serato
Oct 14, 2020
Zaijian Jaranilla, 19, admits to having non-showbiz girlfriend for over a year now. Zaijian at 10 (right) rose to prominence when he starred as "Santino" in the now-defunct ABS-CBN primetime series May Bukas Pa in 2009.
PHOTO/S: Courtesy: @zaigj on Instagram / File

Ganap nang binata ang dating child star na si Zaijian Jaranilla.

Sa panayam niya sa morning show na Magandang Buhay ng Kapamilya Channel ngayong Miyerkules, October 14, inamin ni Zaijian na isang taon at isang buwan na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Sa tanong kung may nagpapatibok na ng kanyang puso, buong-ningning niyang inamin, “Meron na po.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng 19-year-old actor, "One year and one month na po kami.”

Hindi niya pinangalanan kung sino ang kanyang karelasyon, pero sobrang inspired daw siya ngayon.

Sabi ni Zaijian, “Sobra po [siyang inspirasyon]. Nakakatulong po siya sa akin.

“Parang mas inspired ako sa pang-araw-araw [na gawain].

“Kapag gumisiging ako, 'tapos alam ko na may nagmamahal sa akin, 'tapos may naghihintay sa akin."

Pinayuhan naman siya ng mga host ng show na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina magdangal na maghinay-hinay muna dahil mga bata pa naman sila.

Si Zaijian ay nakilala dahil sa karakter niyang "Santino" sa ABS-CBN primetime series na May Bukas Pa taong 2009.

Siya ay 19 taong gulang na ngayon.

CHALLENGE ACCEPTED

Samantala, natsa-challenge daw si Zaijian ngayon dahil sa ginagawa niyang pelikulang Boyette (Not A Girl, Yet). Gumaganap siya rito bilang gay.

Isang coming-of-age movie daw ito kung saan makakasama niya sina Iñigo Pascual, Jairus Aquino, at Dominic Ochoa.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Nung unang-una po, sobrang pressure po ako nun, kasi po yung mga naganapan ko po na gay roles po, parang medyo young gay role po ako nung ginaganapan ko.

“Pero ngayon, binigyan po ako sarili kong movie."

Ayon kay Zaijian, nangangapa siya nung una, pero nagpasalamat naman siya sa staff and crew dahil ginagabayan siya ng mga ito.

Sabi nito, “Sa una po, hindi po madali kasi po lalaki naman talaga ako, 'tapos gaganap akong bading kaya medyo ang lalim po ng mga pinaghuhugutan ko.

"Pero tinutulungan ako ng mga direktor ko. At yung set po namin, halos puro gays po.

"So, sinasabi nila na, 'Uy, medyo lalaki ka sa ganitong galaw, gawin mo ito.' Parang binibigyan nila ako ng tips."

Ayon pa kay Zaijian, "Mas gusto ko po yung parang natsa-challenge po ako."

Bukod sa May Bukas Pa, nagbida rin noon si Zaijian sa mga sikat ding teleserye na Noah (2010) at Lorenzo’s Time (2012).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zaijian Jaranilla, 19, admits to having non-showbiz girlfriend for over a year now. Zaijian at 10 (right) rose to prominence when he starred as "Santino" in the now-defunct ABS-CBN primetime series May Bukas Pa in 2009.
PHOTO/S: Courtesy: @zaigj on Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results